It's been a week since ng huling nagkita sila Castriel at Lizbeth.
At sa loob ng isang lingo na iyon ay nakalabas na siya sa hospital at papasok na siya muli sa school nila bukas.
Naisip niya na gumawa ng surprise para sa nililigawan, makabawi man lang.
Alam din naman kasi niyang nasaktan ang dalaga sa sinabi niya.
"Liz!" tawag pansin niya sa dalaga ng makita niya ito.
Ngunit tila hindi siya nito narinig at tuloy tuloy itong naglakad patungo sa kanyang silid aralan.
Hindi na siya nagtaka dahil alam naman niyang magbabago ang pakikitungo sa kanya ng nililigawan dahil sa nangyari.
Kaya naman naisipan niyang magpunta sa sillid-aralan nito.
"Uyy Castriel," bati sa kanya ng kanyang kaibigan na kaklase ni Lizbeth.
"Si Lizbeth?" tanong niya rito.
"Ayun oh," sabay turo doon sa babaeng may hawak na libro na nasa loob ng kanilang silid aralan.
"Mukhang nagbabasa ito." Sa isip-isip ng binata.
Nilapitan niya agad ito.
"Hi, Liz!" bati niya rito.
Tinignan lamang siya ng dalaga at saka itunuon mula nito ang kanyang pansin sa librong hawak.
"Look, Liz. I'm sorry for what I said last time, hindi ko iyon sinasadya." Castriel tried to explain to her.
Itinuon ng dalaga ang kanyang atensyon sa binata na nasa harapan niya.
"You don't need to explain, you're right hindi mo nga ako girlfriend." May bahid ng pagtatampo ang boses nito.
"I told you, I didn't mean to said that, madami lang talaga ako iniisip that time." Sabi sa kanya ni Castriel.
Hindi na muli siya pinansin ng dalaga kaya naman lalo niya itong kinulit.
"Sorry na." sabi nito sa dalaga ngunit hindi pa din siya nito pinapansin.
"Uyy, sorry na" pangungulit muli ng binata sa kanya.
"Liz, sorry na please" muli nitong sabi ngunit hindi pa din siya nito pinansin.
Hindi na niya alam ang gagawin para pansinin siya muli ng dalaga kaya naman wala sa isip niyang sinuntok yung pader na nasa gilid niya.
"Hey! Anong ginagawa mo?" then finally he caught her attention.
Kinuha ng dalaga ang kayang kamao.
"Tignan mo, nagkasugat at pasa ka pa tuloy." Umiiling na sabi nito sa kanya kaya naman agad niyang pinasadahan ng tingin ang kayang kamao na hawak ng dalaga.
Mayroon nga itong konting pasa at may gasgas. Medyo may makikita ka din na dugo.
Hinatak niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng dalaga ngunit kinuha pa din ni Lizbeth ang kamay nito atsaka kumuha ng panyo at pinunasan yung kong mga dugo.
"Ano ba nasa isip mo at nakikipag boxing ka dyan sa pader huh?" bakas sa boses ng dalaga ang pag-aalala.
Hindi na lamang umimik ang binata at hinayaan na lamang niya ang dalaga sa kanyang ginagawa.
Napansin niya na kumuha ito ng band aid mula sa kanyang bag at itinapal iyon sa kanyang sugat.
"Sa susunod kasi na gusto mo makipagboxing wag sa pader, meron naman kasing nabibili na pangboxing talaga, yun ang gamitin mo." Sabi muli ng dalaga sa kanya.
"Sorry," mahina ang boses na sabi ng binata sa dalaga.
"Fine, apology accepted. Pero sa susunod na ulitin mo pa yan, ako na mismo sasapak sayo ng magkaroon ko ng dalawang itom sa mata, pantay pa." bakas sa boses ng dalaga ang inis.
"Opo," parang maamong bata na sagot sa kanya ng binata.
"Sige na at pumasok ka na, magta-time na." sabi ni Lizbeth sa kanya.
"Sige po, see you later." Nakangiting sabi ng binata sa kanya.
Binigyan na lamang siya ng tipid na ngiti bago ito umalis sa classroom ng dalaga at nagtungo sa kanyang silid-aralan.
-
Lunch break na ng puntahan muli ng binata ang dalaga sa classroom nito.
"Ano ba Liz lunch na oh, kain na tayo." Narinig niyang sabi ni Nicole sa dalaga kaya naman alam niya na nanudun pa ito.
"Ikaw nalang Nics, madami pa akong tinatapos." Narinig niyang sagot ng dalaga sa kaibigan.
Kaya naman naisipan na niyang pumasok sa silid-aralan nito at nandun nga silang magkaibigan, nandun si Lizbeth nakaupo at nakaharap sa laptop mukhang busy. Habang si Nicole naman ay nakatayo sa harap ng kaibigan at mukhang iritado na.
"Hi girls, ano meron?" bati niya sa dalawa.
Sila nalang kasi ang tao sa loob.
"Buti dumating ka na, ayain mo nga yang si Liz kumain, kanina pa yan hindi kumakain." Naiiritang sabi ni Nicole sa kanya.
Binaling ni Castriel ang tingin sa dalaga.
"Liz, tara lunch sa Mcdo, sagot ko na." nakangiting sabi ni Castriel dito.
Napahinto ang dalaga sa kanyang ginagawa at napatingin sa binata saka ngumiti.
"Sure!" nakangiting sabi nito at saka inayos ang kanyang mga gamit.
Kinuha naman ni Castriel ang bag na hawak ni Liz.
Habang naglalakad silang tatlo papuntang Mcdo ay inakbayan ni Castriel si Lizbeth at laking pagtataka ng binata ng hindi tanggalin ng dalaga ang kanyang kamay sa balikat niya. Kaya naman lihin na napangiti ang binata.
Sa kabilang banda naman ay lihim din na natuwa ang dalaga sa ginawa ng binata kaya naman hinayaan na nya ito.
Nang makarating sila sa Mcdo ay agad silang humanap ng upuan.
"Girls, ano order nyo?" nakangiti niyang tanong.
"I want Mcfloat, burger steak and fries" nakangiting sabi ni Lizbeth.
"Ako naman gusto ko ng burger and ice cream nalang siguro." Ani naman ni Nicole.
"Okay, it's all on me." Nakangiting saad ng binata bago umalis at pumunta sa may counter.
Labis ang pagtataka ni Nicole sa kaibigan dahil sa inasal nito.
Sino ba naman ang hindi magtataka kung mapapansin mo na iba na ang pakikitungo nito sa manliligaw. Dati ayaw nya itong pinagagastos ng pagkain o anumang bagay ngunit ngayon hinahayaan nya na lamang ito at hindi pa yun, halata mo sa boses niya ang tuwa.
Naiiling nalang si Nicole habang nakatingin sa kaibigan.
Hindi siya napapansin ni Lizbeth dahil busy ito sa hawak na cellphone.
Nagbabasa kasi ito ng wattpad, as usual kapag wala siyang dalang libro ay sa wattpad app siya nagbabasa.
Hindi din nagtagal ay dumating na si Castriel at may kasamang dalawang crew kung saan hawak nito ang mga inorder na pagkain.
BINABASA MO ANG
11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)
Fiksi Remaja"Seriously?!" Nanlaki ang singkit kong mga mata dahil sa dami ng paperworks na nakapatong sa desk ko. Umupo ako sa swivel chair dito sa office ko. "Damn this paperworks!" naiinis na sabi ko saka hinilot ang sintido ko. "Ang aga-aga problemado ka, be...