Chapter 1

28 17 0
                                    


"Hey, Lizbeth Lee!" napalingon ako ako sa sumigaw sa pangalan ko.

Nakita ko siya na nakangiti palapit sa akin.

"Are you okay?" tanong niya 

Kaya naman ngumiti nalang ako bilang sagot.

"Did you really love reading huh?" sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Syempre naman haha" sabi ko saka kinuha ulit yung libro ko na binabasa sa loob ng bag ko.

"Malas ng magiging boyfriend mo" biglaan sabi niya

Napakunot ang noo ko at hinarap siya.

"Bakit naman?" curious na tanong ko

He just smirked and said.

"Paano ba naman syempre magseselos yun sa libro hahaha" sabi niya saka tumawa.

"Aray!" sabi niya habang hinihimas yung batok niya

Paano ba naman kasi binatukan ko, puro kasi kalokohan ang alam.

"Hoy Caden Kim, hindi porket bestfriend kita hindi kita papatulan ah!" sabi ko sa kanya

"Hindi ka pa din nagbabago Liz, pikon ka pa din hahahaha" asar niya sa akin.

"Tigilan mo na nga ako Caden!" bakas na sa boses ko ang inis. 

Pero hindi pa din siya tumigil katatawa kaya naman kinuha ko na yung gamit ko at saka tumayo.

"Hey Liz, saan ka pupunta?"  tanong niya

Humarap ako sa kanya

"Aalis, baka kasi mamaya mapagkamalan pa akong Baliw dahil sayo" sabi ko saka umirap sa kanya

"Okay, ingat ka Lizbeth" sabi niya ng nakangiti sa akin

Kaya ngumiti din ako sa kanya

"Tanga ka pa naman hahahaha" eto ang sinasabi ko eh.

"CADEN KIM BWISIT KA TALAGA!!" inis na sigaw ko.

Paano yung loko ayun tumakbo palayo habang tumatawa.

Pero wag kayo, kahit mapag-asar yung bestfriend ko na yun mabait yun.. kapag tulog nga lang hahaha

Kinuha ko na ulit yung libro ko sa loob ng bag saka nagsimula ulit maglakad..

Reading while walking ang peg ko.

Sanayan lang naman siguro.

"Ouch!"  ito ang sinasabi ko, nakabunggo ako hahaha

Pinulot ko iyong nalalaglag kong libro

"I'm sorry"  sabi ko saka nagsimula maglakad kaso pinigilan ako ng nakabangga ko.

Iniangat ko yung tingin ko sa kanya.

"Nag sorry naman na ako, ano pa kailangan mo?" inis na sabi ko sa kanya.

Isa kasi sa personalities ko ang pagiging masungit sa lalaki, lalo na sa bagong kakilala lang.

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" tanong nung guy

Iniangat ko ang isang kilay ko saka nagsalita.

"Kaya nga ako nag sorry diba? Because I know na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kasi nagbabasa ako, bakit ikaw, tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" balik tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

I smiled at him

"Hindi ka din pala tumitingin, tapos ako ang sisisihin mo" sabi ko saka iniwan sya doon.

11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon