Uwian na, hanggang ngayon hindi ko pa din pinapansin si Cad.
"Liz naman, kausapin mo na si Caden" pangungulit sa akin ni Nicole.
"Pwede ba Nics, kung gusto mo syang kausapin, kayong dalawa ang mag-usap" inis na sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Aalis na nga sya diba? Hindi mo na siya makikita mula bukas, tapos ganyan yung ipapaalala mo na huli nyong pag-uusap" sabi niya pa.
Well may point naman sya eh.
Pero kahit na..
Kinuha ko na yung bag ko saka nag-umpisang lumakad palabas ng classroom.
"Hoy Liz, wag mong sabihin na aalis ko nalang nang hindi kayo nagkaka-ayos ng bestfriend mo?" sabi pa niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy maglakad.
"Liz" napahinto ako sa paglalakad nang may tumigil sa tapat ko.
Alam ko na si Caden iyon, kaya naman Iniangat ko pa din yung ulo ko.
May inilagay siya sa kamay ko na papel, saka ngumiti at umalis.
Tinignan ko yung nakatuping papel sa kamay ko.
Agad ko iyon binuklat at nag-umpisang basahin.
'Hoy, Liz ganyan ka ah, hindi ka na namamansin. Sorry na kung di ko nasabi sayo,kinausap ko naman sila mom pero hindi ko na talaga mapabago ang isip niya eh. Wag ka mag-alala dadalaw-dalawin pa din kita.Mamimiss kita bestfriend ko lalo na yung katangahan mo hahaha. De joke lang. Ingat ka lagi, stay safe and healthy, alagaan mo yung sarili mo may pagka stubborn ka pa man din haha.. Sige na babye na, until we meet again. Lizbeth.
Your handsome bestfriend
Caden
Napangiti ako sa sulat nya, kahit kailan talaga napakahangin niya.
Kinuha ko yung phone ko at dinaial ko yung number niya.
Agad din naman niyang sinagot.
"Nasaan ka?" tanong ko
[Bakit, miss mo na ako?] pilyo talaga kahit kailan.
"Nasaan ka nga" asar na sabi ko.
[Tingin ka sa likod mo] sabi niya kaya tumingin ko, wala naman siya.
"Nang iinis ka ba?" inis na sabi ko.
[Pfftt.] natatawang sabi niya.
[Tumingin ka sa taas hahaha] sabi niya, kaya tumingin ako sa taas at nandoon nga siya nakatanaw.
Inirapan ko lang siya.
Ibababa ko na sana yung tawag nang magsalita ulit siya.
[Stay there, wait for me] sabi niya saka pinatay ang tawag.
Hay naku, ano na naman kayang pakulo ang gagawin nitong mahangin kong bestfriend tss.
Maya maya pa ay nakita ko na sya na palapit sa akin.
"Anong problema mo?" asar na tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.
"Wala lang haha" sabi niya.
"Uuwi na ako" paalam ko sa kanya.
"Sige tara na," sabi niya saka sumabay sa akin maglakad.
"Nga pala, farewell gift ko sayo" sabi niya saka inabot sa akin yung kwintas na may pendant na sun.
Sumimangot ako.
"Makapagsabi ka ng farewell parang di na tayo magkikita ah" malungkot na sabi ko.
"There's a possibility pero kahit anong mangyayari, hahanapin kita hanggang sa magkita ulit tayo" nakangiting sabi niya saka isinuot sa akin yung kwintas.
"Always wear that, dahil yan ang bagay na magtatagpo sa atin ulit" sabi niya ulit saka yumabi sa akin.
Tinignan ko sya.
"Saan ba kasi kayo lilipat?" tanong ko.
"Sa States" sabi niya
Nalungkot naman agad ako.
Pero may naalala ako.
"Pero bakit sinabi mo sa letter na araw-araw mo akong dadalawin" curious na tanong ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Oo, araw-araw kitang dadalawin sa facebook haha" sabi niya
Binatukan ko tuloy siya.
"Mamimiss kita" sabi niya sa akin.
"Same to you Cad." Sabi ko sa kanya bago ako sumakay sa sasakyan.
It's been a week simula nang umalis sila Cad papuntang States.
Hindi pa din naman napuputol ang communication namin, madalas pa di siyang nagcha-chat at tumatawag sa akin.
Sa loob nang isang linggo na iyon, marami nang nangyari.
Ang bestfriend ko na si Caden umalis na, si Nicole na absent ng one week sa hindi ko din alam na dahilan, kaya nga naging loner ako dito sa classroom eh. Si Castriel naman ayun, todo effort sa pangungulit sa akin. Medyo nasasanay na nga ako sa presence niya.
"Liz, tara na sa cafeteria" gaya ngayon, nandito si Cas para sunduin ako tapos sabay kaming kakain.
"Sige" nakangiti kong sabi sa kanya saka iniabot yung bag ko.
Nasanay na din kasi ako na siya yung nangbubuhat ng bag ko. Saka tingin ko naman okay na kapag magkaibigan nalang kami.
"Kumusta" tanong niya.
"Okay naman" nakangiti kong sabi.
Saka itinuon ang pansin ko sa daanan namin.
"Tara sa quantum after?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa cafeteria.
"Sure" sabi ko saka naghanap ng ma-uupuan habang si Castriel nagpunta sa may counter para bumili ng pagkain namin.
Alam na kasi niya yung gusto kong pagkain.
Nang makahanap ako ng upuan ay umupo na ako at saka kinuha yung phone ko.
Makapag facebook nga muna habang hinihintay ko si Cas.
"Let's eat?" nandito na pala siya.
Ibinaba ko muna yung phone ko sa table saka humarap sa kanya.
"Thanks ah," nakangiting sabi ko sa kanya
"No problem, ikaw pa" sabi niya sa akin.
"Kumain na nga tayo" sabi ko saka nag-umpisang kumain.
Rice tapos sisig yung ulam na binili niya saka may nakasama na milktea.. My favorite!
"Nga pala, nagkausap na kayo ni Nicole?" tanong niya sa akin.
"Hindi pa" malungkot na sabi ko
Hindi ko nga alam kung ano na nangyari sa kanya eh. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi ko naman siya macontact.
"Hayaan mo, okay lang yun" nakangiting sabi ni Castriel
Binigyan ko sya ng weak smile.
"Sana nga Cas" sabi ko at saka itinuon muli ang pansin ko sa pagkain.
BINABASA MO ANG
11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)
Ficção Adolescente"Seriously?!" Nanlaki ang singkit kong mga mata dahil sa dami ng paperworks na nakapatong sa desk ko. Umupo ako sa swivel chair dito sa office ko. "Damn this paperworks!" naiinis na sabi ko saka hinilot ang sintido ko. "Ang aga-aga problemado ka, be...