Nag peace sign naman siya sa akin..
Inirapan ko lang siya.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may umakbay sa akin.
"Dito ka lang sa tabi ko para hindi ka mapahamak" sabi niya sa akin.
"Sige, pero pwede alisin mo yung kamay mo?" sabi ko sa kanya
Inalis naman niya iyon agad.
Binalik ko uli ang atensyon ko sa pagbabasa saka nagsimulang maglakad ulit.
"Tss. Sabi sayo tumingin ka sa dinadaanan mo eh" nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Castriel.
Tumingin ako sa kanya.
"Wag ka nang aangal, maaksidente ka sa ginagawa mo" sabi niya sa ako inakbayan ulit.
Hinayaan ko nalang siya, saka nagpatuloy ulit magbasa.
"Mahilig ka ba talaga magbasa?" tanong niya sa akin
"Hmm?" sabi ko
"Hay nako Castriel, ganyan talaga yan haha" narinig kong sabi ni Nicole.
Bahala nga sila, basta ako magbabasa lang.
"So dapat pala libro ang ibigay ko sayo?" sabi niya ulit
Napahinto ako sa pagbabasa at tumingin sa kanya.
"Huh?' nakakunot ang noo kong tanong
"Wala" sabi niya sa akin.
Isinara ko nalang yung libro ko at itinuon ang pansin sa daan.
"Oo nga pala Castriel" panimula ko
Tumingin siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya
Ano na nga ba yung sasabihin ko?
Nakalimutan ko na naman.. Di bale mamaya nalang.
"W-wala hehe" sabi ko
"Nandito na tayo!" biglang sabi ni Nicole.
Tinignan ko kung nasaan kami, nasa Mcdo?
"Wait, bakit sa Mcdo tayo kakain?" tanong ko kay Nicole.
"Ano ka ba naman Liz, masyado kang nagtitipid, halika na pasok na tayo" sabi ni Nicole saka ako
Hinila papasok.
Naiwan tuloy si Castriel doon sa labas.
Nang makahanap na kami ng upuan ay tumayo si Castriel.
"Ano order nyo?" tanong niya sa amin.
"Kanya-kanyang order nalang tayo" simpleng sabi ko
"Walang magbabantay sa gamit natin" sabi naman ni Nicole
"Ako nalang kukuha ng orders natin, kayo na magbantay dito" sabi naman ni Castriel.
Tumango nalang ako.
"Uhm spaghetti, burger tapos mcfloat nalang sa akin" sabi ko
"Same ang order ko kay Liz" nakangiting sabi ni Nicole
"Okay noted" nakangiti niyang sabi saka umalis para pumila sa may counter.
-
"Infairness naman Liz, mukhang seryoso sayo si Castriel" nakangiting sabi sa akin ni Nicole.
"Alam mo naman na ano, diba?" sabi ko sa kanya
"Why don't you give him a chance" Nicole
"Pag-iisipan ko muna" sabi ko saka dumukdok.
Maya maya ay bumalik na si Castriel kasama yung dalawang crew.
Seryoso?
Ang dami naman ng inorder niya?
Umupo siya sa tabi ko.
"Okay na" nakangiti niyang sabi
"Yung resibo?" tanong ko
Iniabot naman niya sa akin.
"Sige bigay ko mamaya yung bayad ng akin" sabi ko saka Ibinalik yung resibo sa kanya.
"Bahala ka" nakangiti niyang sabi
Akala ko libre na naman niya eh, hindi na ako papaya kapag ganun.
"Ako din, mamaya nalang din" sabi ni Nicole saka nagsimulang kumain.
"Kumain ka na" sabi ni Castriel habang nagsasalin ng ketchup.
"Ikaw din" sabi ko saka nagsimula nang kumain.
After namin kumain, napag-desisyunan namin na pumunta s Quantum para magpalipas ng oras.
"Liz, ang kj mo talaga" sabi sa akin ni Nicole
"Tigilan mo nga ako Nics" sabi ko s kanya saka itinuon muli ang mata ko sa libro.
Paano kasi naglalaro sila Nicole at Castriel dito sa arcade habang ako nagbabasa, hindi ko kasi trip maglaro eh.
"Gusto mo pumunta ng bookstore?" tanong sa akin ni Castriel nang makalapit siya sa akin.
"Sige" nakangiti kong sabi.
Bookstore kaya yun hehe, hindi pa ako tumatanggi doon.
"Pst, Nicole punta muna kami sa bookstore na katabi nito" sabi ni Castriel kay Nicole.
"Sige, sunod nalang ako" sabi naman nito.
Tapos ay umalis na kami sa Quantum at nagpunta sa bookstore na katabi ng Quantum.
Nagtingin tingin ako ng mga libro.
Wala pa din halos bago.
"Tara na Cas, malalate na tayo" sabi ko nalang
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Cas?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ako.
"Yep, Cas short for Castriel, haba kasi ng name mo eh" sabi ko sa kanya.
"Ahh" tumatangong sabi niya.
"Ano tara na?" tanong ko sa kanya.
"Pero paano yung kaibigan mo?" Cas
"Hayaan mo na sya, malaki na sya tss." sabi ko.
"Ang harsh mo talaga sa akin Liz" narinig kong sabi ni Nicole
Nandito na pala siya.
Infairness ang tagal niya. "Tara na, pasok na tayo" sabi ko saka naunang maglakad.
BINABASA MO ANG
11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)
Fiksi Remaja"Seriously?!" Nanlaki ang singkit kong mga mata dahil sa dami ng paperworks na nakapatong sa desk ko. Umupo ako sa swivel chair dito sa office ko. "Damn this paperworks!" naiinis na sabi ko saka hinilot ang sintido ko. "Ang aga-aga problemado ka, be...