12

34 25 0
                                    

CHAPTER 12

LEANNA

"So, gusto mong lumipat?"

Nagkatinginan kami ni Abigail at huminga lang siya ng malalim. "Hindi sa lilipat ako pero ang hirap byumahe, wala pa naman akong sasakyan!" nagiyak-iyakan siya habang sinasabi ito.

Sa totoo lang nahihirapan rin ako sa kanya. "Sinabi ko na rin ito kay Dean pero ang bobo talaga,"

Napalingon agad ako sa kanya at nagtaka. Close na talaga sila huh? "Anong sinabi?"

Tumingin siya sa akin and gulped very hard. "Papagawa niya daw ako ng bahay, siya daw may-ari ng lupa na malapit-lapit sa Ateneo."

I am not even shocked anymore, ilang beses ko na ito sinasabi pero normal lang talaga 'yun kay Dean. "Pag Siya ang nagsabi, talagang tutupadin niya at gusto mo rin di ba ng bahay? 'Uy win-win situation ka kay Dean."

I continued signing some papers. Hindi naman ako ganun ka-busy pero may meeting ako in 3 hours so may time pa ako kay Abigail. "Grabe, siya na rin daw magbabayad ng tuition ko, binilhan na niya ako ng electronics tapos apple pa ang tatak, pag may time pa daw siya bibilhan niya ako ng sasakyan. Ano kaya ang pwede kong magawa sa kaniya?"

"Sagutin mo na." I winked at her and she was disgusted. "Hindi nga nanliligaw sis."

Tumawa kami tapos nakita ko si Dean na binubuksan ang pinto ng mahina, hindi niya ako napansin na nakatingin sa kanya. Hmm let's play Dean.

"May irereto nga pala ako sa iyo. Magiging sugar daddy mo! Sobrang yaman!" pinilit ko na hindi tumawa at gusto inisin si Dean. "Eh anong name? Taga-san?"

"Gabriel! May 2 na apartment sa BGC!"

Tapos biglang tumawa si Dean. Nagulat kami at sabay na lumingon sa kaniya. "Kailan ka pa nandito?" na patanong na lang din sa taka si Abigail.

"What's his name? Gabriel? Only 2 apartments?" nag-evil laugh siya.

"So cheap, I had 21 apartments in BGC when I turned 21." Payabang na sabi ni Dean. Sabi na nga ba eh, nagseselos si hayop.

"Bakit ka pa pati maghahanap ng Sugar daddy? Ay meron ka nang isa."

Nagulat na lang din ako. "Sino?" tanong ni Abi sa kaniya.

"Ako."

I was trying not to laugh. "Pati 'yung sinasabi ko na bahay na ipapagawa ko sayo. Under construction na. Sakto, katabi lang ng 4th house ko."

Napanganga na lang si Abi. "Parang gusto kong lumipat ah, parang gusto ko na lang din mag-architect." Tumawa kaming lahat.

"Nah, my dear. Magsisisi ka rin sa huli." Lumaki mata ko sa kanilang dalawa na nag-uusap na dun sa may sala. May call names pero hindi man lang nagliligawan or what.

"Hello everybody!" bumalik na si John.

"Kamusta 'yung meet mo with your Tita?" tanong ko sa kanya and he just smiled, siguro it went well. "It's okay," maikli niyang sagot. That's odd, napakadaldal ng lalaking ito ah, bakit biglang nag-iba 'yung mood. Kahit nakangiti pa rin siya halata naman eh, halatang peke.

Biglang may kumatok sa pinto ng office ko. Nakatingin kaming lahat ngayon sa pinto. "Wala akong meeting at this time. Mamaya pa naman."

Lumaki ang mata ng dalawang lalaki at dahan-dahang lumapit sa pinto nang-

"Eyo what's up!"

Sumapol ang pinto sa mukha ni Dean. Buti naman at hindi niya binuksan ang kabila kung nasaan si John. "Oh no! Ang aking kagwapuhan!" nagpapanic na sabi ni Dean at dumaretso sa salamin.

IDOLINIZATION: Lovers To Strangers (Delight Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon