02

64 33 1
                                    

CHAPTER 02

ADRIAN

“Adi?”

Kahit napakaraming tao sa hospital, siya lang ang nakikita at nakikinig ko.

“Alagaan mo siya ha? Aalis na ako, may meeting pa ako,” umalis ang tingin ko sa kaniya ngunit tumango ako sa kanyang utos. Nakinig ko na lang ang malalim niyang paghinga bago niya sinara ang pinto ng office ko.

Nang nakaalis na siya, naisipan kong bisitahin si Mama, ang lola ni Leanna. Siya na lang ang natitirang relative ni Leanna sa kanyang mother side. Naaawa ako sa kanya ngunit hindi ko pinapakita sa kadahilanan na isipin niya na mahal ko pa rin siya…ngunit ang totoo mahal ko talaga siya.

Kahit ayaw ng parents ko sa kanya sinasabi ng isip ko na ipaglaban pa rin siya kahit hindi na kami. “Mama?” sabi ko sabay katok.

“Pasok iho!” pumasok na ako sa kwarto. Ngumiti ako kay Mama bago umupo sa kaniyang tabi. Bakit ko nga ba naisipang pumunta dito? Anong pag-uusapan namin ni Mama?

“Ano po ang nararamdaman niyo po Mama?” tanong ko sa kanya. Ganun ang itatanong ko para hindi halata na wala akong plano. Napatahimik siya ng ilang segundo, siguro ang lalim ng iniisip ni Mama.

“Natatakot at kinakabahan ako,” nagulat ako sa kanyang sinagot. Sinubukan ko siyang pakalmahin noong nakita ko na nahihirapan siyang huminga. “Baka mangyari rin kay Leanna ang nangyari sa kanyang ina..”

Bumilis na rin ang tibok ng puso ko nang hindi ko alam kung bakit. “Don’t worry po, may driver po si Leanna at si Tito.”

Tumingin siya sakin na parang iiyak na nang ilang segundo. Napakamot na lang ako sa ulo, ayaw ko rin mangyari ‘yun sa kaniya, nagkaroon na nga siya ng amnesia dahil sa aksidenteng iyon. “Kahit na Adrian-“ bigla na lang tumigil ang kaniyang phrase.

Kala ko nahimatay siya o kung ano ngunit nakatingin pa rin siya sa ‘kin. “Kahit anong mangyari Adrian, alagaan mo apo ko ‘ah. Ikaw ang makakasama niya habang buhay, mahalin mo siya.”

It feels like something was stabbed in my heart, paano ko sasabihin na hindi na tuloy ang kasal naming dalawa? Na…hindi na kami. “Pramis po Mama, hindi po kita mabibigo,”

Kahit naman hindi na kami kaya ko siyang protektahan. Kahit hindi na magiging kami, ipapatatag ko pa rin ang pangakong ‘yun.

Kinausap ko pa si Mama tungkol sa kanyang kalagayan. Naisipan kong pumunta sa office ni Leanna with the gang.

ObOb Gang

:AdiJames
-Nasaan ka na @Deanly ?

:Deanly
-Nasa office.

:Deanly
-Ay Hayup! Nakalimutan ko pala! Don’t worry matatapos ko na ito!

:OliverLucs
-I am on the way na sa hospital @AdiJames

:LeaKatarina
-Wait nasaan kayo?

Napangiti na lang ako na ng nagtanong si Lea sa amin. Nag-impake na ako ng aking gamit at nag-aantay ng ilang minuto sa may labas ng hospital. Mabilis naman dumating ang van ni Lucas.

“Ey man what’s up!” banggit ni Lucs sa akin ang pagpasok ko sa van. Himala, ang linis na ng kanyang sasakyan ‘ah, parang hindi sinukahan ni Dean last week.

Ngumiti ako sa kanya at umaayos ng upo. “Let’s go na. Nasaan na si Dean Marco?”

“Dude, sinubukan kong sunduin pero nakita ko yung kotse ng mama niya sa labas kaya hindi na ako pumasok. Mabugbog na naman ako,” I sighed loudly. Dean has no freedom, he can't even experience a sleepover, swimming with us or even partying. Swertehan na lang talaga minsan pag nasa ibang bansa parents niya.

IDOLINIZATION: Lovers To Strangers (Delight Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon