3.1 Brothers Code

81 1 0
                                    

Surprise dearest Nerinians!
Welcome sa Book 3 ng THBIT!

Actually Prequel po ito ng kwento ni Arwynn Pineda. Nangyari ito bago niya makilala si Lyndel. Idedetalye rito ang kwento nila ni Araceli at ng iba pang babae sa kanyang buhay. Pati ang kwento ng kanyang kuyang si Frangie ay buong detalye ring ilalahad dito.

Mainit pa rin po ito! Kabataan palang nila Arwynn ay nakakapaso na ang kwento. Enjoy reading!

Don't forget to follow me on my social media accounts and Youtube channel to get the latest updates and have the chance to win dreame coins!

Facebook: Neri Joy Jayson
Instagram: Neri Joy Jayson
Youtube: Neri's Collections
Dreame: Neri
-Full Book 1 and Book 2 found in Dreame

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

Babala: Mainit! Nakakapaso!

Book 3: Chapter 1: The Brothers Code

When Arwynn and Frangie are just ten and twelve years old respectively...

"Lampayatot! Lampayatot!"

Dahil sa patpating katawan ni Arwynn ay walang tigil na naman sa panunukso ang mga kalaro nila ng kanyang kuyang si Frangie sa kanilang village. Kahit na sila ang pinakamayaman sa village ay sila pa rin ang tampulan ng tukso. Their parents weren't respected in the place. Alam kasi ng mga kapitbahay nila na hindi naman nagmamahalan ang kanilang mga magulang na sina Arturo at Filomena Pineda. Ang mag- asawang may- ari ng Paradise Suites. Kahit sila ay alam 'yon. Kung mag- away kasi ang mga 'to ay sa harap pa mismo nila. They were good in business. Ang kanilang mommy sa resorts samantalang sa condo and hotels ang kanilang daddy. Mga subsidiary ng Paradise Suites. But they weren't good in family matters. Magandang mansion lang ang kayang i- provide ng mga ito sa kanila. But family love? Mas mahal pa sila ng kanilang katulong na si Nanay Esme.

Kaya naman silang dalawa nalang na magkapatid ang magkakampi.

"Wag niyong tinutukso ang kapatid ko!" Dumating na si Frangie upang ipagtanggol siya. Grade six ito at kadarating lang galing school. Si Arwynn naman ay grade four palang na naunan nang umuwi.

"Ayan na si tabachoy!" Saad ng isa sa mga bata ng makita ang kanyang kuya. Kabaligtaran niya ang pangangatawan ng kanyang kuya. May katabaan ito. Puminta naman ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa wakas ay dumating na ang kanyang superhero. Yes, he consider him as his hero.

"Tayo Wynn..." inabot nito ang kamay sa kanya. Nakahiga kasi siya sa kalsada dahil tinulak siya ng mga bata.

Kinuha niya ang kamay nito saka siya tumayo. "Salamat kuya Frangie."

"Kayo huh? Ano bang problema niyo?! Hindi niyo ba talaga titigilan ang kapatid ko?! Gusto lang naman niyang makipaglaro sa inyo ah!" Saad nito. He was so amazed while looking at him. He found him really cool just like a real superhero.

"Ayaw nga naming makipaglaro sa kanya! Witch ang mommy ninyo! Devil naman ang daddy ninyo! Kaya kayo mga monster kayo! Monster! Monster!" Tugon ng isa sa mga bata.

"Monster pala ah!" Saka ito tumakbo palapit sa isa at akmang susuntukin ito.

Nanlaki ang mata ng mga bata lalo na ng sinunggaban ni Frangie. Hindi naman nito tinuloy ang pagsuntok. Pero kitang- kita nila ang pagdaloy ng ihi sa shorts nito pababa sa mga hita nito.

"Ganyan kaming mga monster. Kaya namin kayong paihiin ng wala sa kubeta. Umalis na kayo kung ayaw niyong kainin ko kayo!" Pananakot pa ni Frangie. Sa isang iglap ay kumaripas ng takbo ang mga bata.

"Yahooooo! Ang astig mo talaga kuya Frangie! Wala na namang nagawa yung mga bully na 'yon. Naihi pa! Hahaha!" Saka niya inakbayan ang nakatatandang kapatid.

"Walang pwedeng manakit sayo Wynn hangga't nandito ako. Ipagtatanggol kita. Yan ang ating brothers code." Umakbay din ito sa kanya.

"Kapag malaki na ako kuya ikaw naman ang ipagtatanggol ko. Wala ring mananakit sayo. Brothers code!" Tugon niya rito.

Makalipas ang anim na taon. Sixteen years old na si Arwynn at first year college na siya taking Hotel and Restaurant Management. Si Frangie naman ay Eighteen years old na. Second year Business Administration student. Pareho silang nag- aaral sa De LaSalle University.

Kolehiyo na sila pero lapitin pa rin sila ng gulo. Ngunit marami na ang nagbago.

"Who did it? Sino 'yung nakipag- away sa cafe? Ikaw ba Mr. Pineda!" Tanong sa kanya ng kanilang dean.

"Siya nga sir. I saw him. I saw my brother did that. Sinuntok niya 'yung kapwa niya freshman ng walang dahilan." Saka biglang dumating si Frangie na hindi lang siya nilaglag. Marami pang dagdag sa kwento nito.

"What the fuck! You're such a liar kuya!" Nagtagis ang kanyang bagang sa labis na inis sa kapatid. Nakipagtitigan pa ito sa kanya.

Marami na ngang nagbago.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon