2.29 DARK NIGHT

17.3K 133 32
                                    

CHAPTER 29

BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN

 

Ang kwentong ito ay RATED SPG

 

It contains words and actions not suited for very young readers.

 

Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit!

 

ARWYNN (POV)

Maaga akong nagising upang maghanda para sa pag-alis namin ni Lyndel papuntang ospital. Hindi na sasama si Ara para bantayan si Ardel dito sa bahay. Ayaw din kasi naming masanay ang bata sa ospital. Encouragement na rin sa amin yun na gagaling din si Ardel.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ako ang maghahanda ng almusal ni Lyndel. Susubukan ko lang naman ito. Pinagluto ko na siya noon pero hindi pa kami mag-asawa. Magmula noong ikasal kami ay siya na ang naghahanda ng almusal kasama na ang walang kamatayan kong salad for breakfast.

Sunny sideup egg na nga lang ang naisip kong lutuin ay hindi ko pa magawa ng maayos. Parang mas gusto ko pa yung ibang mas komplikadong lutuin kaysa sa pagpiprito ng itlog. Nakailan din akong nabasag yung pula ng itlog. Dapat kasi perfect for my wife. Nang makabuo naman ako ng pula ay hindi naman makakain dahil natutong. F*ck sh*t! Mahirap ah! Pero syempre tiyaga-tiyaga lang din kapag may time. Gumising ako ng maaga para gawa ng perfect sunny side up kaya kahit na maubusan pa ng itlog sa Metro Manila ay okay lang basta makaluto ako. Successful naman din ako dahil kapag may tiyaga ay may sunny side up.

Mabuti nalang at marunong naman akong magsaing sa rice cooker kaya wala namang naging problema sa pagsasaing. Pagkatapos magluto ay hinanda ko na ang sarili ko para sa ikatlo kong surpresa para kay Lyndel.

 

LYNDEL (POV)

Napagod ako sa maghapong date namin ni Arwynn. Kahit na nakakapagod ay talaga namang naging masaya ako. Sana ay hindi iyon ang huli.

Hindi ako makatulog. Kinakabahan ako para bukas. Gugustuhin ko pa bang marinig ang desisyon niya sa sandaling malaman niyang hindi ako magkakaanak? Parang gusto ko ng bawiin ang kasunduan namin. I want to enjoy every moment of my life na kasama siya. Sa ginawa namin sa maghapong ito ay nakita at naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Matagal ko ng alam iyon pero iba ngayon parang mas naramdaman ko eh. Iba pala kapag may pinagdaraanan kayo mas tumatatag yung pagmamahal na yun. Ang kaso nga lang baka ako pa ang sumira sa tatag ng pagmamahalan namin dahil sa kung anu-anong pinag-iiisip ko. Ayoko na yata siyang mawala sa akin. Ayoko naman talaga. Hahayaan ko nalang ban a mahalin niya ako hanggat kaya niya. Sa gayon ay magiging masaya pa kami. Kapag dumating nalang ang panahong iiwan na niya ako dahil nakahanap na siya ng babaeng makakapagbigay sa kanya ng anak ay doon nalang ako magmukmok at magluksa.

Humarap ako sa kisame. Nakakainis. Napakahirap mag-isip. Sana kasi bukas na para magkaalaman na. masyado ng matagal ang magdamag para maghintay. Muli akong bumaling sa aking paghiga paharap kay Arwynn. Nakaharap din siya sa akin pero tulog na tulog na siya. Napakasarap pagmasdan ng maamo niyang mukha habang natutulog. Napakabait talaga ng mukha niya hindi halatang babaero.

“Hindi ka ba makatulog?” tanong niya habang tulog. Hindi pa rin siguro siya makatulog at nakapikit lang ang kanyang mga mata.

“Kinakabahan ako.” Sagot ko sa kanya.

“Pssshh… Huwag kang kakabahan. Walang kang dapat ikatakot.” Bakit parang napakadaling sabihin sa kanya nun? Palibahasa hindi naman siya ang hindi na magkakaanak kung sakali.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon