38. PAST IS PRESENT

47.2K 232 18
                                    

CHAPTER 38: PAST IS PRESENT

 

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

 

Babala: Mainit! Nakakapaso!

ARWYNN (POV)

"Pinapapunta niya kami ni Lyndel sa ancestral house namin", mabilis ang pagkabog ng dibdib ko lalo pa't sobra na ang pag-aalala ni Lyndel. Ayokong nag-aalala siya.

"Tatawag na ako ng pulis", a rapid response from Geneva.

"No!", pinigilan ko siya. "He told me not to. Hindi raw namin magugustuhan ang mangyayari kay Ara once na tumawag ng pulis." Sinubukan kong hindi na mag-alala pa si Lyndel ngunit dahil sa sinabi ko ay nag-iba na talaga ang timpla ng mukha niya at tuluyan na siyang umiyak.

"Let's go! Let's save ate Ara", halatang nanghihina pa siya.

"I will go pero huwag ka ng sumama. Magpahinga ka na lang dito", pakiusap ko sa kanya.

"Arwynn tayo ang pinapapunta niya. Isa pa ate ko ang pinag-uusapan dito. She made a lot of sacrifices for us. I couldn't afford to rest here", kumapit siya ng mahigpit sa aking braso tanda ng pagnanais na sumama.

"Pero mahal...", hindi na niya ako pinatapos pa at nauna pa siyang lumabas. Agad ko naman siyang sinundan pero bago ko pa makalimutan ay binilinan ko na muna si Geneva. "GF don't you dare call a police, please."

Habang nasa kotse ay hindi mapalagay si Lyndel. Ako rin naman ay hindi mapalagay pero ayokong nakikita siyang ganito. Sobrang natatakot siya.

"Dapat pala sinabi na namin sayo ang lahat", nasabi niya habang tumatangis na parang bata.

"Inisip niyo lang naman si tita at ang mararamdaman ko kaya niyo pinagtakpan si kuya eh. Naiintindihan ko kayo", pilit ko siyang pinapakalma.

"Kapag may nangyaring masama kay ate hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Baliw na si Frangie baka kung ano ang gawin niya kay ate. Sobra ang galit niya sayo at hindi ko alam kung bakit", I hate to see her this way but I don't know what to do. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

GENEVA (POV)

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon