2.9 BECAUSE OF YOU

29.1K 173 17
                                    

CHAPTER 9

BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit!

 

ARWYNN (POV)

Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Ardel. Ngayon palang ako nagiging ama sa kanya.

“I’ll do everything for you son”, I whipered in his ears. I hugged him tightly. Siya ngayon ang kasama ko sa pagtulog. Nag-alala talaga ako kanina. Akala ko ay nawawala na siya.

FLASHBACK

 

“My future mommy?”, tanong ni Ardel na sa murang edad ay nagtataka na sa mga sinasabi ng babaeng ito.

 

Mabilis ko siyang nilingon.

 

“Arci?”, binalaan ko siya sa aking mga tingin.

 

“Ako nga Arwynn. Anak mo?”, she suddenly placed her hand on my shoulder then she slowly caressed it down to my chest. It felt good but we’re in front of my son. The good feeling turned into anger. How could she do stuff like this in front of a four year old kid?

 

“Anak ko kaya ayokong nakakakita siya ng mga kababuyan sa harap niya.” Tumayo ako at hinarap siya upang hindi makita ni Ardel ang reaksyon ko.

 

“The last time na ginawa ko yan sayo ay nag-enjoy ka pa, remember?” Hindi niya binabaan ang boses niya. Napakaraming tao sa loob ng fast food at pinagtitinginan na kami.

 

I moved closer to her ear. “Ayaw mo namang mapahiya di ba?”

 

“Bakit ba pakipot ka pa? May anak ka na pala sa ibang babae pero pakipot ka pa sa akin?” Tila nakakaramdam ang babaeng ito. Nilakasan pa niyang lalo boses niya dahilan upang halos lahat ng tao ay sa amin na nakatuon ang atensyon at inaabangan ang mga susunod na magaganap. Nag-iinit na talaga ang ulo ko.

 

“You know what malaking pagkakamali sa aming mga lalaki na nagloloko pa tapos ang pinagpapalalit namin sa mga misis  namin ay iyong katulad mo. Katulad mo na walang kwenta at kasama lang sa kama ang kayang ibigay. You’re not part of my present and don’t ever expect that you’ll be a part of my future!”

 

Natigagalgal siya sa narinig. Halos maiyak na siya. Ako naman fulfilled at nasabi ko iyon. Tama si Lyndel, Ardel is another one great reason to become a better individual and to spend my time correctly.Hindi iyong nagpapadala ako sa tukso tulad nitong Arci na ito na walang maidudulot na maganda.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon