8. LADIES CORNER

78.4K 380 14
                                    

CHAPTER 8: LADIES CORNER

Ang kwentong ito ay RATED SPG
It contains words and actions not suited for very young readers.

Babala: Mainit! Nakakapaso!

LYNDEL'S (POV)

Narito ako ngayon sa kwarto ng pamangkin ko.

Ardel.....

Napakagandang pangalan at kinuha pa talaga ni ate sa pangalan naming dalawa.

Habang pinagmamasdan ko ang sanggol kitang-kita ko na magiging magandang lalaki siya paglaki.

"Huwag naman sana", napabulong ako sa sarili ko.

Huwag naman sanang maging katulad ng ama niya ang pamangkin ko. Hindi namin hahayaan ni ate na maging katulad niya si Arwynn. Mamahalin namin ang bata, tuturuan ng tamang asal at sisiguraduhin naming magiging mabuti siyang tao. Rerespetuhin niya ang mga babae hindi katulad ng ama niya.

Hinawakan ko ang maamong mukha ng bata.

"Magbabayad ang ama mo sa ginawa niya sa ate ko, sa mommy mo. Hindi rin namin hahayaang maging katulad ka ng ama mo. Pangako yan", iyan ang mga pangako ko kay baby Ardel.

Gagawin ko ang lahat upang matulungan si ate sa kanyang paghihiganti. Magbabayad ka Arwynn Raymond Pineda. Magbabayad ka.

HANNAH (POV)

Isa na namang bagong araw dito sa pad ng boyfriend ko. Feel na feel ko na talaga ang relasyon namin ni Arwynn. Kumuha na siya ng bagong taga-linis ng pad niya. May edad na babae na at siguradong hindi niya papatulan. Isa lang ang ibig sabihin nito. I'm not a maid anymore! I'm his girlfriend!

"Good morning hon", ang bati ko kay Arwynn.

Dito lagi sa kusina ang diretso niya pagkatapos mag-exercise. Hinanda ko na ang salad niya.

"Good morning", sumagot naman siya at ngumiti naman kahit papano.
Naka-topless lamang siya habang kumakain. Nakalagay sa kaliwang braso niya ang towel niya. Kitang-kita ko ang pagtulo ng pawis sa kabilang bahagi ng kanyang dibdib.

Hooooooh!

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko minahal ang lalaking ito. He's so hot! Super hot!

Umagang-umaga ay naaalala ko ang mga ginawa namin sa mesang ito at dito mismo sa upuan na ito. (checkout CHAPTER 6: BROTHER'S ADVICE) That's the best! I love it! Bago pa ako mamanyak ng manyak na ito ay kumuha na rin ako ng plato at sinabayan siyang kumain.

......
May nagdo-door bell.

"Ako na", mabilis akong tumigil sa king pagkain at saka tiningnan kung sino ang maagang bisita na ito.
Pagbukas ko ng pintuan.

Surprise!!!!!!
Si Samantha Briones.....

Ang aga namang manira ng araw ng bwisit na ito.

"Yes?", tinanong ko na lang tuloy siya nang may kasamang pagtaas ng kilay.

"I want to see Arwynn", sumagot naman ng mahinahon ang bruha.

"May appointment ka ba sa boyfriend ko? Doon sa ground floor ang office maghintay ka na lang doon. Hindi pa pala naliligo ang boyfriend ko, papaliguan ko pa siya", syempre pa iinisin ko talaga ang bruhang ito.
For sure, hindi siya makapaniwalang nandito ako.

"Baby sitter ka na rin ba ni Arwynn? Dumarami yata ang role mo sa buhay niya ah. Let me in maid", at tulad ng inaasahan ko unti-unting nagbago ang bruha.

Nagiging demonyo na naman siya.

"I told you the other day na kami na di ba at dito na ako nakatira kaya may karapatan akong paalisin ka. Kung wala kang appointment bumaba ka na lang at kahit may appointment ka pa mali naman na dumiretso ka sa pad ng BUSINESS PARTNER mo", pinagdiinan ko sa kanya na ako ang kasintahan ni Arwynn and she's just a business partner.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon