6. BROTHER'S ADVICE

81K 453 5
                                    

CHAPTER 6: BROTHER'S ADVICE

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

Babala: Mainit! Nakakapaso!

ARWYNN (POV)

Hinahanap din pala ni Lyndel si Ara.

Tatlong taon na siyang nagtatago sa akin at sa pamilya niya.

Marami akong nalaman pero mas maraming tanong ang naghihintay ngayon ng kasagutan.

Dumiretso na ako sa pad ko at wala na akong ganang pumunta sa office.

Bukas.....

Bukas ang pinto ng pad ko, may tao sa loob.

Bumalik na kaya si Hannah?

O baka naman nasa loob si Ara?

Mabilis akong pumasok at dumiretso sa kwarto ko.

Hindi si Ara ang inabutan ko at hindi rin naman si Hannah.

"Ang tagal mo Wynn kanina pa ako naghihintay sayo rito. Saan ka ba galing?", si kuya pala na nakaupo pa sa kama ko.

"Paano ka nakapasok dito? Ano'ng masamang hangin ang nagdala sayo rito?", tulad ng lagi kong pagtrato sa kanya hindi na naman maganda ang pagbati ko.

"Hindi mo ba ako na-miss?", tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at saka lumapit at hinawakan ako sa braso.

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso at saka ako nagpunas sa aking suot na pantalon at dahan-dahang tumingin ng masama sa kanya.

"Ano ba talagang masamang hangin ang nagdala sayo rito?", hindi kasing dalas ng sex life ko ang pagbisita sa akin ni kuya.

Kung ikukumpara sa sex life ko ang pagbisita niya ay masyadong tigang ang pagbisita niya- walang kwenta.

Tumalikod si kuya at saka bumalik sa kama at naupo.

"Hanggang kailan mo ba ako tatratuhin ng ganito?", nakayuko niyang sinabi.

Hahaha.....

Ginantihan ko lang siya ng mapanlokong tawa.

"You're really good in acting bro, I'm not into dramatic movies I'm more on porn so you better tell me why you're here", mabilis ko ring binawi ang peke kong tawa.

"You always think that I'm fooling you", he asked while still looking down.

"Because you're always doing that", I quickly respond.

Tinaas niya ang kanyang ulo at tiningnan ako sa mata.

"Hindi mo kailanman binigyan ng second chance ang relasyon natin bilang magkapatid", he said without blinking.

Lumapit ako sa kanya at tumabing umupo sa aking kama.

"Second chance? You want second chance? Ang plastic mo Kuya Frangie. Pwede ka talagang gumawa ng movie at siguradong mananalo ka ng acting award.", inakbayan ko si Kuya habang nang-iinis na tumawa.

Hahahahaha.....

"Thanks Bro! I want you to play a supporting role for my movie cause I want you to win the supporting award for being always second best", tumawa pa si Kuya.

Masakit.....

Masakit na marinig ang katotohan.

Parating second best lang naman talaga ako sa pamilyang ito. Noong nabubuhay pa si Mommy siya lang ang kakampi ko, ang tagapagtanggol ko.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon