2.10 PARENT'S SENTIMENTS

28.9K 160 9
                                    

CHAPTER 10

BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

 

Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit!

 

ARACELI (POV)

“Mahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan lalo pa’t malapit na sila sa isa’t-isa ni Ardel pero alam kong dapat ko pa ring ipaalam sa kanya ang totoo.” I sighed.

Malumanay na dinapo ni Lyndel ang kamay niya sa likod ko habang nakaupo kami sa ibabaw ng kama at hindi pa rin tapos ang aming pagkukwentuhan. It felt good. Maliban kay Mommy ay sa kanya nalang din ako kumukuha ng lakas sa pinagdaraanan ko ngayon.

“Ipaliwanag mo nga sa akin ang sitwasyon ate.” Mas dumiin ang paghagod ng kanyang palad na tila alam na niya na magiging emosyonal ako sa mga susunod na sandali.

Sisimulan ko na sanang ilahad sa kanya ang lahat ng biglang tumunog ang telepono na nakalagay sa mesa sa gilid ng kama. Mabilis niya itong sinagot.

“Ano?!” Napatingin ako sa reaksyon niya. Gulat na gulat at labis ang takot sa kanyang mukha. “Sige papunta na kami dyan!” Binaba niya ang telepono. Hinawakan niya ang aking mga kamay.  “Ate si Ardel!”

The moment I heard the name of my son was the moment I hurriedly jump out the bed. This what you called mother’s instinct. Ito ang sandaling lagi kong pinangangambahan at pinapanalanging huwag mangyari. Ito ang oras na kung kaya ko lang pigilan ay hindi ako magdadalawang isip na gawin.

Pagbukas ng pinto ng pad ni Arwynn ay sinalubong niya ako kaagad buhat-buhat ang walang malay kong anak.

“Ardel...” mahina kong nasabi. Ayokong  makita si Ardel sa ganitong lagay. Mas madalas siyang magkaganito noon pero naagapan na. Hindi ko inakalang magbabalik muli ang sandaling ito, ang mabigat na pakiramdam at ang mabilis na pagkabog ng aking puso ay hindi ko mapigilan. Ngunit tila hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito ngayon. By merely looking at Arwynn, he don’t know what to do. He was very confused of what’s going on. I know that questions are lingering on his mind.

“Ara ano’ng gagawin natin? Mataas ang lagnat niya, namumutla at parang nahihirapan siyang huminga.” Nadurog ang puso ko nang makita ang pagpatak ng luha niya. He’s really a father now for our son. He’s afraid and at the same time he’s worried on our son’s condition. This is the most vulnerable side of him, he’s very weak. Nakakatakot siya kapag nasa ganitong kalagayan. I should know. Matatanggap niya kaya ang katotohanang matagal ko ng inililihim sa kanya? Sa kabilang banda ay ito na nga ang kinatatakutan ko. Those are some of the symptoms that his leukemia is recurring. Ardel has acute lymphocytic leukemia.

“We need to bring him to the hospital.” Dahil sa nakita kong hindi na siya mapalagay ay kailangan pilitin ko ang sarili kong magmukhang matatag. I had seen my son on this condition before and I broke into pieces. Ganoon pa rin naman ngayon pero ngayon ay hindi ko na sosolohin ang katotohanan kaya bilang nakakaalam sa lahat ay kailangan ako ang unang magpakita ng katatagan.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon