3.2 The Secrets

115 1 0
                                    

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

Babala: Mainit! Nakakapaso!

Book 3: Chapter 2: The Secrets

Masakit kay Frangie na makitang pinapahirapan ang bunsong kapatid na si Arwynn. Pero sa nakalipas na anim na taon ay binago na siya ng mga pangyayari at mga sikretong kanyang nalaman. Mga sikretong unti- unting nagpabago sa kanyang mga pananaw at sa kanilang brothers code. Mahirap pero nagagawa na niyang tiisin ang kapatid at hindi na niya ito pinagtatanggol sa lahat ng pagkakataon.

Naalala niya tuloy ang gabing iyon...
Anim na taon na ang nakakaraan.

"Ikaw Frangie come here!" Pagtawag sa kanya ng ina. Nakakunot na naman ang noo nito. Tila pagagalitan na naman siya. Lagi siya nitong pinapagalitan. Kumpara kay Arwynn ay tila mas mahal nito ang kanyang kapatid. Ngunit hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa ina at sa kapatid. Pilit niya itong inintindi. Mahal niya pa rin ang ina.

"Ano po yun mommy?" Tanong niya rito.

Agad siya nitong binatukan. "One of our neighbors told me na muntik mo nang suntukin ang anak niya! Ikaw basagulero ka talaga eh no? Puro sakit ng ulo ang binibigay mo sa pamilya natin!"

"Filomena! Hindi mo naman kailangang saktan ang anak mo!" Biglang umawat ang kanyang ama. Tila nakita nito ang nangyari. "He already explained to me. Pinagtanggol niya lang si Arwynn dahil inaaway ang kapatid niya!"

"Naniwala ka naman? Sa tingin mo maniniwala ako sa inyong mag- ama? Pareho kayong sinungaling! Isang dugo lang ang nananalaytay sa inyo eh!"

Hindi na niya kinaya ang sinabi ng ina. Twelve years old na si Frangie. Nakakaintindi na siya. Hindi na siya bata. Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Bakit mom?! Dugo rin naman kita ah! Dugo mo rin ako! Bakit ganyan ka sa akin?!"

Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang baba. "Yun na nga eh! Kung alam mo lang! Hindi ka na dapat nabuo! Hindi na dapat nabuo ang kababuyan ng daddy mo! Wala ka nalang sana para wala siyang pinanghawakan sa akin! Para hindi niya nabili ang mga magulang ko!" Galit na galit ito. Tila ayaw talaga sa kanya ng sariling ina.

"Sabihin mo sa akin mom! Sabihin mo sakin para malaman ko!"

"Tama na Filomena! Wag mong idamay ang bata! Nakinabang ka rin naman ah? Nagpapakasasa ka sa kayamanan ko at ng pamilya ko! You're even managing the Paradise Suites at ginagalingan mo naman! You're living a life na hindi basta- basta makukuha ng ibang babae!" Muling pumagitna ang kanyang ama. Hindi niya naiintindihan kung saan nanggagaling ang hugot ng dalawa.

"Sa tingin mo tuwang- tuwa ako sa pera mo Arturo? Ginagalingan ko para kapag iniwan na kita mapapabagsak kita. Nag- iipon ako para maging mas mayaman ako sayo! Aalis kami rito ni Arwynn! Iiwan ko kayong dalawa niyang si Frangie!" Saka ito biglang napahawak sa dibdib. Unti- unting nagbago ang itsura nito. "T- tulungan niyo ako."

Tuluyang nawalan ng malay ang kanyang ina. Kaagad naman itonv sinugod sa ospital ng kanyang ama. Naiwan sa bahay si Arwynn dahil masyado pa itong bata.

Habang naghihintay sa labas ng emergency room ay kinausap siya ng ama.

"Mahal na mahal kita Frangie. Mahal ko kayo ni Arwynn. Sana ay wag mo nang pansinin ang mga sinabi ng mommy mo kanina huh? Intindihin mo nalang siya. Pagod siya sa trabaho."

"Yes po daddy. Mahal na mahal ko po si mommy."

Saka lumapit ang doktor sa kanila. "Mr. Pineda malala na po ang asawa ninyo." Bungad ng doktor.

"M- malala? Ano pong ibig ninyonh sabihin dok?" Tugon ng ama.

"Hindi niyo po alam? Stage four na po ang kanyang breast cancer. Her body was resisting all the medications including the chemo. Hindi na po siya magtatagal. I'm really sorry po." Saka ito umalis.

Kitang- kita niya ang pagpatak ng luha sa mata ng ama. Alam niyang mahal nito ang kanyang mommy. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iba ang pagtrato ng kanyang ina sa sarili nitong asawa.

Hindi naman niya kinaya ang narinig. Tumatangis siyang tumakbo papunta sa kwarto ng ina.

"Mommy!" Bulalas niya saka ito niyakap. "Wag mo akong iwan! Magpagaling ka mommy! Mahal kita mom!"

For the very first time ay nakita niya itong umiyak dahil sa sinabi niya. "Patawarin mo ako Frangie sa lahat ng pagmamalupit ko sayo. Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ina sayo. Tinago ko sa daddy mo ang sakit mo dahil ito ang naisip kong paraan upang tuluyan siyang iwan. Kapag namatay ako. Pero alam mo ba ang tunay na rason kung bakit ako nagpakaabala sa trabaho sa Paradise Suite? Para makaipon para sa future ni Arwynn. Baka pabayaan kasi siya ng daddy mo once na mamatay ako."

"Mahal po ni daddy si Arwynn. Hindi niya kami pababayaan mom. Magbati na po kayo ni daddy. Magpagaling ka mom. Please." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa inang unti- unting nauupos.

"You never know. Ampon lang namin si Arwynn." Pagtatapat nito.

"A- ampon po si Arwynn?" Laking gulat niya sa narinig. Lumuwag ang pagkakayapos niya rito. Ang nakakapagtaka sa mga pangyayari at tila siya pa ang ampon dahil sa pagtrato sa kanya ng sariling ina.

"Oo. Ikaw naman ang bunga ng pambababoy sa akin ng daddy mo." Tugon nito. He got it pero hindi siya sigurado. Hindi niya alam ang buong kwento. Nanginginig si Frangie. "Magkaklase kami ng daddy mo noong college. Magkabarkada. May gusto na pala siya sa akin. Isang gabi nagkainuman. Nalasing daw siya. Hindi na niya alam ang ginawa niya. Pero tanda ko lahat. He raped me. Hayup sya! Tapos ay binili na niya ang parents ko. Sinilaw ng pamilya niya ng pera para ipakasal ako at itali sa miserableng pamilyng ito. Iyon ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa daddy mo at sayo! Bunga ka ng kahayupang ginawa niya sa akin! Then one day may nagpaampon sa akin. Si Arwynn ang batang 'yon. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya para makalimutan ka at ang daddy mo. Kaya patawarin mo ako Fra..." saka ito napahawak sa dibdib. Tila may nararamdaman na naman itong kakaiba.

Ngunit wala na sa kanyang sarili si Frangie dahil sa kanyang mga narinig.

"T- tumawag ka ng doktor." Utos nito ngunit halos hindi na niya iyon narinig. He was too emotional.

Nagtatakbo siya palabas ng ospital. Sa kalye niya inalabas lahat ng galit at lungkot. Now he knew everything. The reason why his own mother don't loved him. The next thing na nalaman niya ay patay na ang ina. Nang atakihin pala ito noon ay tuluyan na itong binawian ng buhay. Bagay ba sinisi niya sa kanyang sarili.

.........

"I hate you Arwynn..."

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon