PROLOGUE (THE HOTTEST DESIRES)

39.8K 218 19
                                    

Pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan nila Arwynn at Lyndel ay nanaig pa rin ang kanilang pag-iibigan.

Hanggang kailan?

Ngayong sila ay mag-asawa na ay may makakahadlang pa ba sa kanilang mga pusong sinisigaw ang isa't-isa?

Magiging balakid ba ang mga pangarap at pansariling kagustuhan?

Kung ikaw ang papipiliin.....

Will you choose your partner or your.....

HOTTEST DESIRES?

PROLOGUE

BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN

 

Ang kwentong ito ay RATED SPG

It contains words and actions not suited for very young readers.

 

Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit!

 

LYNDEL (POV)

Third monthsary na ng kasal namin ni Arwynn. Nakakatuwa lang dahil kahit monthsary ay pinagdiriwang namin ito. They can say that we're doing this because we are newlywed or because we are young couple. Ano ba ang pakialam nila? Lahat naman siguro ng nagmamahalan eh gagawa ng mga paraan upang patuloy na maparamdam ang pagmamamahal na iyon sa bawat isa at hangga't maaari ay mapayabong pa.

Pero hindi yata ngayong araw na ito. Parang nakalimutan ni Arwynn ang espesyal na araw na ito.

Maagang bumaba si Arwynn sa office niya mula rito sa pad. Hindi na nga niya ako nahintay eh.

Baka may surpresa siya sa akin?

Tumawag ako sa baba sa receptionist at sinabing tumuloy lang daw sa office niya ang asawa ko.

Tatlong buwan palang nakalimutan na niya kaagad?

Sa mga ganitong sitwasyon ay kailangang ako na ang mag-adjust. Ipapaalala ko kay Arwynn ang monthsary namin. Baka sobrang abala niya lang talaga sa trabaho kaya nakalimutan niya. Ako naman ang maghahanda ng surpresa para sa kanya. Kailangan ko rin siyang suyuin dahil may importante akong sasabihin.

THE HOTTEST BED IN TOWN 1 AND 2 #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon