* sa nagreport ng story na ito, wala kang ambag sa lipunan salamat.
* picture used in the media is not mine, credits to the real owner.
* Velis on the media.
***
Friday, last day of the week na may pasok. Nakatambay ako sa library dahil nagrereview ako ng mga topics para sa test sa monday. Para makagawa narin ng reviewer para mabilis kong maalala yung mga part na nahihirapan ako.
" Bakit kaya napakasipag mong magaral?" Lenox ask me out of nowhere.
Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa at pagsusulat.
" Kaya mong magbasa habang nagsusulat? Sana all kaya yan." Ani niyam
Tumango-tango na lamang ako sa sinabe niya.
" Snobbers na talaga ang kaibigan ko." Pagdadrama niya.
Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.
" Sandro, hindi ako makapagfocus sa reviewer na ginagawa ko." Naiinis na pansin ko sa kanya.
Ngumuso lang ang loko tapos umiwas ng tingin, parang napaisip ako bigla kung paano ko naging kaibigan to.
" Pwera biro, sa sobrang pag-aaral mo deserve mo magsaya." Seryoso niyang sabi.
Pagopen niya ng gusto niyang sabihin, nginitian niya ako ng malawak. Ako naman ay tipid na nginitian siya.
" Hindi naman ako forever mag-aaral dahil pag natapos ko na tong pag-aaral ko ay magoout of Town ako." I explained.
" Sana all, magaout of town. Ako kasi pagsasabayin ko yung pagtatrabaho habang naglalaro ng BCO para makapagcraft ako ng item o i benta sa ibang players. Gusto ko kasi magkaroon na kame ng sarili nameng bahay at lupa, tulad ng ginawa mo. Kumikita ka buwan-buwan sa mga paupahan mo, tapos scholar ka pa at hindi lang yon! May investment ka pa!" Mas tumulis yung nguso niya.
Napangiti ako sa sinabe niya, totoo naman pero hindi niya ngalang alam yung tunay na nangyari sa akin.
Kasi hindi ko na kailangan pang buhayin pa ang topic nayon na matagal nang tapos.
" Magpapatuloy na ako sa pagrereview, mamaya ka na lang ulit manggulo." Turan ko sa kanya.
Paalis na sana siya nang bumalik ulit siya, napahilamos na lang ako sa mukha.
" Ngapala, birthday ng kapatid ko sa lunes. Punta ka ah!" Pagaya niya, tinanguan ko na lamang ang sinabe niya kasi pupunta naman talaga ako.
" Pupunta ka ah!" Paninigurado niya at tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Pagkatapos kong gawin ang gawaing bahay ay 9 na ako ng gabi nakapag online, dumeretso kaagad ako sa wolf lawn para magpalevel.
Dalawang oras ang lumipas at isang level lang ang nakuha ko, kahit papaano ay nakagather nanaman ako ng marameng materials para ibenta.
Fighting weak monsters is not an option anymore, dumeretso ako sa pinakagitna kung nasaan yung boss type.
Isang wolf na may white and gray color sa balahibo nito, may alalay itong dalawang white wolf sa magkabilang gilid nito.
Pagkatung-tong ko sa boss lair ay may umangat na malalaking harang na bato, nagulat ako sa pangyayari buti na lang at hindi ako ang inatake ng mga wolf.
* Lvl 65 Elite Boss Type Wolf engaged a Fight
* Wolf Used ' Glare ' your now frightened, stats rise down
YOU ARE READING
OP Leveling
Science FictionHighest Rating Achieve! # 3 on tag Virtual # 454 on Tag Reality # 21on Tag VRMMORPG # 23 on Tag Leveling ! * Thanks you readers! 😘 Raven Kim, a simple college student living in loneliness. his life change when his friend push him to play a game usi...
