Chapter 1

617 28 6
                                        

* the story is written in filipino language.

* picture used in the media is not mine, credits to the real owner.

* Raven on the media.

Nagaayos ako ng gamit ko nang may bumulaga sa harap ko. Sa sobrang gulat ko ay nahilot ko ang dib-dib ko nang wala sa oras.

" Sandro! Sa susunod nga matuto kang kumatok! " Bulyaw ko sa kanya.

Naiinis na nilapitan ko siya at pinagpapalo. Ang kumag naman ay tumatawa na tuwang-tuwa sa ginawa niya. Sinalo niya ang dalawa kong kamay tapos lumapad pa lalo ang ngiti niya.

" Sorry na, ito naman hindi mabiro. " Pagsosorry niya.

Humagikgik pa ito at tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko.

" Bakit ka nanaman nandito? Mang-gugulo kalang eh. " inis na turan ko sa kanya. Bumubungis parin ito, di kalaunan ay tumigil din nung iniwasan ko siya ng tingin.

" Wala lang, kailan ka ba maglalaro ng Battle Conqueror Online? " Seryoso na niyang tanong. Pero tunog pangungulit para sa akin, asar ko siyang tinignan at talagang sinamaan ko ng tingin.

" Hinde! " Malakas na sigaw ko habang matalim ko siyang tinitigan.

Pinilit kong hilahin siya palabas ng bahay ngunit sadyang malakas siya kaya hindi siya natinag sa paghila ko sa kanya.

" Hindi mo ko kaya." Natatawang bwelta niya. Sabay buhat sa akin papasok.

" Dumalaw ako dito kasi may ibibigay ako sayo. " sabi niya.

Seryoso na siyang nakatingin sa akin, may binunot siya sa bulsa niya. Isang Flashdrive na kakaiba ang design.

" Status Drive to, binili ko para sayo."

Binigay niya sa akin yun, nanatiling nakakunot ang ulo kasi hindi ko alam kung anong sinasabe niya.

" Para saan naman to? " Nagtatakang tanong ko dito, habang tinititigan yung flash drive.

Nagtatakang tinignan ko siya, inakbayan naman ako ng loko sabay pisil sa kanan kong pisnge.

" Pagmaglalaro ka ng Battle Conqueror Online, yan ang kailangan mong ikabit para makagawa ka ng account. "

Iniabot ko ulit sa kanya yung Status Drive pero hindi niya tinanggap.

" Sayo na yan, binigay ko sayo kaya tanggapin mo. Limang libo bili ko diyan tapos hindi mo tanggapin? "

Naginit ang pisnge ko sa sinabe niya, pero pursigido talaga akong ibalik.

" bahala ka diyan, hindi ko naman gagamitin to. "

Sagot ko sa kanya at inilapag ko sa lemesa ng sala yung Status Drive.

" Hindi ko na babawiin yan, binigay ko na sayo eh."

Nakangiting sabi nito at naglakad na palabas ng bahay, kinuha ko ang Status Drive at hinabol siya.

Paglabas ko ay nakasakay na siya sa bike niya, nakangiting tumingin siya sa pwesto ko.

" gusto ko talaga makalaro ka sa loob ng game. "

Mabilis siyang nag bike paalis sa lugar habang hinahatid siya ng tingin.

Tinitigan ko ang Status Drive na hawak ko, wala naman kasi akong plano laruin yung nilalaro niya.

ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

Pagpasok ko ng kwarto ay nilapag ko sa Study table ko ang Status Drive. Pagkalapag ko nun ay nahiga ako sa kama ko, napakabusy kong tao para laruin ang game nayon.

OP LevelingWhere stories live. Discover now