* picture used in the media is not mine, credits to the real owner.
* Imagine natsu as FuriousFire, pero mas pula ang buhok nito and merong itong scar na malaki sa right part ng pisnge niya.
***
Malalim kong iniisip ang sagot sa tanong, pero hindi ko marecall ang formula. Napakamot ako ng ulo ko dahil sa inis, nang marinig kong tumawa siya.
Sumimangot ako at niligpit ko ang mga libro ko na nakakalat.
" Magreview ka magisa mo."
Narinig kong tumayo siya sa pagkakaupo niya sa sahig at hinablot ang suot kong sweater ko.
" Ito naman, natatawa lang ako kasi napansin ko lang na mabilis kang mairita pag nahihirapan ka mag solve."
" So kailangan tawanan mo ko ganon?"
" Okay fine, sorry na. Balik ka na doon, mag-review na tayo."
" Hindi ka na mangaasar ah?"
Paninigurado ko at tumango siya bilang tugon. Bumalik na ako sa inupuan ko kanina at binuklat ulit yung libro.
Nagreview na ulit kame at kita ko naman na fruitfull naman ang nangyayare kasi pag hindi ko alam ang sagot ay sasabihin niya at ganun din ako sa kanya. Nag shashare kame ng mga sagot then ieexplain namen sa isa't-isa. Hindi nagtagal ay sumuko narin ako sa pagrereview dahil nagutom na ako, habang si Sandro naman ay nakatingin parin sa libro niya at kasalukuyang nagsasagot sa review notebook niya.
" Tama na muna yan, magluto muna tayo bago mag-aral ulit."
Pinatunog niya ang leeg niya at nagunat-unat siya. Narinig ko pa ang mga buto niyang tumunog dahil sa tagal nameng nag review. Masaya siyang tumayo at sabay na kameng pumunta ng kusina.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Nililinisan ko yung gulay na lulutuin habang si Sandro naman ay hinihiwa na niya kaagad ang mga inaabot ko sa kanya.
" Raven, bakit ayaw mong magdamit ng iba? Bakit parateng sweater na may hood ang suot mo? Tingin ko bagay sayo magsuot ng polo."
" Ayaw ko ng polo, I'm comportable on my own fashion."
Hinanda ko na ang kalan at nag gisa ako ng sibuyas at bawang.
" Anong pakiramdam na isa kang legendary class user? Ako nga na naunang naglaro sayo, nag stop na hanggang epic yung rank ko."
" No, don't pity yourself because of accomplishment of others. Pity yourself if you insert all your effort but nothing change."
" Tsaka nakakuha ka naman ng legendary sword sa raid ah? Tapos may bonus na dalawang skills na nakalagay?" Segunda ko.
" Sabagay, hindi ko nga inaakala na makukuha ko yun eh. At least fair naman ang hatian kasi marame-rame ding nakuha yung ibang players sa treasure room." Sagot ni Sandro
" May point ka, tsaka ikaw Yung damage dealer name doon kayak may rights ka. Ang kinuha ko lang doon ay yung Orb of Darkness, Wala pa kasi akong matinong item kundi mga beginner items palang."
Hinulog ko ang karne at hinalo ito,nang maprito ng konti ay nilagyan ko ito ng tubig at tinakpan.
" Im not expecting to obtain the class sandro, im just playing to have fun. That's all, if you want to accomplish something, then put all your effort."
" Sa tingin mo? Ano ang kulang sa akin?"
Nagtama ang paningin namen na kaagad kong iniwasan, ayaw ko kasing makipag eye to eye.

YOU ARE READING
OP Leveling
Science FictionHighest Rating Achieve! # 3 on tag Virtual # 454 on Tag Reality # 21on Tag VRMMORPG # 23 on Tag Leveling ! * Thanks you readers! 😘 Raven Kim, a simple college student living in loneliness. his life change when his friend push him to play a game usi...