" Anong plano mo sa sembreak?"
" Wala, siguro mag stay lang ako dito sa loob ng bahay at maglaro." Walang ganang sagot ko sa kanya. Sabay higop ko ng banana shake, sa s
" Yun lang? Ang dame-dame mong pera tapos hindi ka manlang magbabakasyon?" Pagpupumilit niya.
" Basta tinatamad ako." Walang kagatol-gatol kong sagot, tapos tinignan ko siya.
" Bakit mo ba ako pinipilit? Kung gusto mong magbakasyon, magbakasyon ka."
Inis na umiwas ng tingin sa akin si Sandro, sabay hablot nung shake ko tapos ininuman niya niya. Ako naman nagulat sa ginawa niya.
" Walang hiya ka! Bat mo kinuha yung shake ko, eh akin yon!"
Ang loko naman ay humigop ng ng humigop sa shake ko, hahablutin ko na sana nang kusa niyang binigay sa akin na wala nang laman.
Naiiritang tinignan ko siya at binatukan ng malakas. Narinig ko naman yung mga ngisi niya habang dinedepensahan ang sarili.
Sa sobrang inis ko, tumigil na ako. Naiiyak na tinignan ko siya at tumalikod, tumigil naman ito sa pagbungisngis niya.
" Huy, Raven. Tahan na, ito naman hindi mabiro."
Ito ang nakakainis sa ugali ni Sandro, mahilig siyang magbiro. Hindi manlang iniisip yung mararamdaman ko.
" Wag mo kong kausapin."
Tumawa ito ng bahagya at umupo sa tabi ko, at ang kapal ng mukha ginawang unan yung hita ko.
" Sorry na, hindi ko na gagawin yon. Promise."
Pagsosorry niya habang nagpuppy eyes, iniwasan ko ang mapatingin sa kanya dahil mabilis ko kasi siyang napapatawad pag nakikita ko siyang nakapuppy eyes.
Bumangon siya at lumapit sa akin, huli na ng makita ko ang mukha niya. Napabuga na lang ako ng hangin at muli siyang tinignan.
" Oo na, basta wag ka nang mangaagaw ng pagkain!"
Pinisil ko ang ilong niya ng malakas kaya napasigaw siya, natawa ako ng malakas ng makita ko kung paano niyang hilut-hilutin yung yung ilong niya.
Tumawa din siya at nagkatinginan kame.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Bumalik ako sa forest of lost soul, doon ako nag attempt na gamitin ang bago kong skill.
* Your attempting to summon the Great Magician
May lumabas na undead, kamukha nito yung itsura ni king minoan pero ang pagkakaiba lang ay wala itong korona. Summoning great magician ay merong napakalaking advantages.
Nararamdaman ko.
* You successfully summoned the Great Magician
* Please put a name to your summon
" Your name will be Alicia." I declare.
* Name ' Alicia ' has been registered.
* Alicia acquired a skill, Mana Pool
* Alicia acquired a skill, 1st Circle Magician
Tinignan ko ang stats ng bago kong summon, nanlaki ang mata ko dahil may + 50 sa INT nito na kaya 60 kaagad.
Tinignan ko ang skills nito at doon ko nakita na dahil pala yon sa passive niyang 1st Circle Magician.
Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako, isa nanamang skill katulad ng una kong summon na si Artemis.
* You successfully achieve the ' Authority under Undead '
* Main Quest of the Class Occur.

YOU ARE READING
OP Leveling
Fiksi IlmiahHighest Rating Achieve! # 3 on tag Virtual # 454 on Tag Reality # 21on Tag VRMMORPG # 23 on Tag Leveling ! * Thanks you readers! 😘 Raven Kim, a simple college student living in loneliness. his life change when his friend push him to play a game usi...