* picture used in the media is not mine, credits to the real owner.
* Sandro on the media.
Pumasok nadin ako ng town para ibenta ang mga materials na nakuha ko sa pagpatay ng mga slimes.
Sa pag benta ko nun ay kumita ako ng isang gintong barya.
Na pinambili ko ng apat na small health potion.
" Siguro okay na ito? "
Pagkabili ko ng mga potion ay sa isang taberna naman ako pumasok para bumili ng pagkain. Pagkapasok ko ng Taberna ay maraming kumakain, nilibot ko ang aking paningin ay puro newbie players ang kumakain.
Merong apat na players na full geared na kumakain sa isang table, yung isa ay namukhaan ko. Yun yung nag-alok sa akin ng free boost, dumako ang tingin niya sa dako ko. Sumama ang timpla ng mukha niya, kaagad akong umiwas ng tingin.
Saktong may bakanteng upuan sa counter kaya doon na ako umupo.
" Ano pong gusto nila? " Bungad sa akin ng babae na nakasuot ng damit pang waitress.
" Pinakamurang pagkain po." Turan ko sa kanya.
Umalis ito sa harap ko at kaagad ba pumasok sa loob. Pagkalabas nito ay may dala na itong plato na puro gulay ang sahog.
" Tatlumpung tansong barya." Sabi nito.
Kaagad ko namang iniabot ang isang pilak na barya sa kanya. Kinain ko ang pagkain ng mabilis dahil sa ayaw kong magtagal dito.
Kailangan ko pang magpalevel, iniabot sa akin yung sukli at lumabas na ako.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Dumeretso ako papasok ng gubat ulit, i want to test the new skill i obtained earlier.
" Summon Undead ! " I chanted.
Pagkasabi ko ng spell ay may malaking magic circle na nagpakita sa paanan ko.
* Your 1st Specialized class change into Necromancer.
* You Acquired a skill Half Undead /
* Choose a class to your summon undead
* Class you may choose :
• Undead Warrior
• Undead Archer
• Undead Spell Caster
• Undead Assassin
• Undead Brawler
• Undead Tanker
• Undead Support
Siguro hindi naman masama na unahin ko muna Warrior, for damaging dahil low level palang naman ako.
" I choose you to be a warrior. " I declare.
Pagkapili ko ng class sa pinakauna kong summon ay mula sa lupa ay umahon ito doon.
* Please put a name to your summon
Nagisip ako ng magandang pangalan sa summon kong undead then a name pop in my head.
" Your name will be Dimitri." I declare.
* Name ' Dimitri ' has been registered.

YOU ARE READING
OP Leveling
Science FictionHighest Rating Achieve! # 3 on tag Virtual # 454 on Tag Reality # 21on Tag VRMMORPG # 23 on Tag Leveling ! * Thanks you readers! 😘 Raven Kim, a simple college student living in loneliness. his life change when his friend push him to play a game usi...