Chapter 6

113 17 2
                                        

* The picture used in the media is not mine, credits to the respectable owner.

* Sandro's character in the media, just imagine na nakasuot siya ng armor and having a Rapier ( Kind of Sword ).

***

Kakatapos lang ng recess at patungo na ako ng library, kailangan ko kasing Imaintain ang grado ko, kung hinde ko mamamaintain ay kakailanganin kong magbayad ng tuition fee.

Nang papunta na ako doon ay bigla na lang may umakbay sa akin, pagtingin ko si Sandro pala.

" Bigla-bigla kang sumusulpot ano ka? Kabute?" Galit kong turan sa kanya.

Lumapad ang ngiti sa labi niya na kinaiirita kong makita. Para kasing nang-aasar yung itsura ng ngiti niya.

" Sorry na, na miss lang kita." Nangiinis na Sabi nito with matching yakap-yakap pa.

" Sus, tigil-tigilan mo ko." Pagtataboy ko sa kanya.

Ngumuso siya na parang bata, at nanatili kaming tahimik nang isang minuto. Nang siya na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namen.

" Mamaya nga pala, gusto kitang isali sa boss raid na gagawin namen. Sa boss raid nayon ay may kasama tayong amerikanong vlogger at yung guild na kinabibilangan niya."

" Bakit naman ako?"

Nagtatakang tinignan ko siya, pwede naman kasing member din sa guild niya ang isama niya. Hindi naman ako kalakasan pero ako ang gusto niyang isama.

" Wala lang. Gusto kasi kitang makasama sa isang party, kahit ngayon lang."

" Meron Kasi akong pinagawang armor para sa summon ko. Hinihintay ko yun eh."

Tumango ito tanda na naiintindihan niya.

" Then ill just send a friend request to you, and add me so you can contact me if your available na."

" Ngapala, di ako makakalaro ng ilang araw. Malapit na ang Exam, kailangan kong iperfect yon. Kaya wag mo kong kulitin."

" Okay, kung gusto mo. Sabay na tayong mag review? Nahihirapan ako sa ibang parts na tinuturo ni maam."

Nagaalangan ko siyang tinignan, sa kulit ba namang taglay niya baka hindi ako makapag focus sa ginagawa ko.

" Fine, ill help you while i reviewing mine."

Nagtatalon sa tuwa ang mokong hanggang sa hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

" Aasahan ko yan, promise mo yun!"

Umalis na siya habang habol-habol siya ng paningin. Nakahawak ako kanang pisnge ko kung saan niya ako hinalikan.

Sa hindi ko malamang dahilan ay naginit ang dalawa kong pisnge, napagpasiyahan ko na lang na wag na lang isipin yung nangyare.

Basta walang nangyare.

ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

* Artemis consumed all the remains in the forest of lost soul

* Artemis Level rise into 120

* The Forest of lost soul will be occupied of new monsters

Mas mataas ang level ng Skeleton General na summon ko kesa sa akin, hindi naman ako nagsisisi dahil lahat ng madaanan nameng skeleton Warriors kanina ay mabilis lamang na napapatay tapos iaabsorb naman ng skeleton ko.

[ Lenox ] : Available ka na?

[ Xylianne ] : Oo, saan ba kayo?

[ Lenox ] : Bumalik ka ng bayan, susunduin kita.

OP LevelingWhere stories live. Discover now