Kakatapos lang ng klase at kaagad naman akong inaya ni Sandro na pumunta sa bahay nila.
Mukha talaga siyang kiti-kiti na hindi mapakali sa labas ng classroom ko kanina. Pinagchichismisan na nga ako ng mga kaklase ko na boyfriend ko saw si Sandro eh, kaibigan ko lang naman yan.
Pinagtatawanan na siya ng mga kaklase ko, pero wala naman siyang pake. Ako tuloy yung nahihiya sa pinag-gagawa niya.
At hindi mawawala yung mga kaklase ko na masama ang tingin sa akin, kasama na diyan yung instructor ko na ang lawak ng ngiti. Tila nang-aasar talaga yung ngiti niya.
" Sa susunod wag mo na ako sunduin sa classroom, nakakahiya. Mukha kang tanga sa labas ng classroom namen. Nginingisihan pa ako ng instructor ko kanina na parang Ewan, mukhang may sayad ata yun eh katulad mo." angal ko sa kanya.
" Baka kasi takasan mo ko, alam mo namang napakaimportanteng araw to ng kapatid ko!" Naniniguradong sabi niya.
" Gago, pupunta nga ako. Tsaka nakabili na ako ng regalo, tapos nagpadeliver na ako ng dagdag handa sa bahay ninyo." paliwanag ko.
" Sabi ko kahit wag na yung foods, nako naman! Dadagsa yung mga kapit-bahay doon! Mga patay gutom pa naman yon!" nagaalalang sambit nito.
Napatawa ako sa reaksyon niya, habang nagmamaktol na parang timang.
" Huy, tama na. Hindi bagay sayo magmaktol, mukha ka nang tanga!" pagpansin ko sa inaakto niya.
Mas lalong ngumuso yung nguso niya, na nagpatawa na sakin. Hindi ko na kasi kinaya yung pagkalukot ng mukha niya. Mukha kasi siyang alien pag nakalukot ang mukha niya.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Pagkarating namen sa bahay nila ay totoo ngang marameng tao, mas marame yung mga bata na pumunta pero may mangilan-ngilang mga matanda na kasalukuyang sumasandok na ng pagkain sa buffet. Nagsitinginan sila sa aming dalawa ni Sandro tapos ng ngumiti at bumati ng happy birthday.
Mas lalong napakamot ng ulo si Sandro habang ako naman ay natatawa sa reaksyon niya. Nang lumabas ang mama ni Sandro sa bahay nila at kaagad naman niya kameng namataan. Pagkalapit nito ay kaagad akong nagmano pati rin si Sandro.
" Oh, kamusta raven iho. Salamat sa padala mong mga pagkain, hindi ko inaasahan na ganto kadame." sabi ni tita sabay tingin sa mga pinadala ko.
" Ah, tita. Masaya lang po kasi ako, sa sobrang saya ko po ay naisipan kong magpahanda." paliwanag ko sa kanya, habang nagkakamot ng ulo.
" Sana sa susunod, magabiso ka para mailagay ko kaagad sa loob ng bahay kasi alam mo na." Natatawang sabi ni tita sabay tingin sa paligid. Natawa na lang din ako, wala naman sa akin yang gastos dahil kikitain ko parin naman yan.
Mas natutuwa ako kasi nakakatawa kasing mag saway ng bisita si Sandro.
" Ngapo pala, nasaan po si Sarjon?" tanong ko.
" Si Sarjon nasa loob ng bahay, dame kasing nagbigay ng regalo sa kanya kaya kasalukuyan siyang nagbubukas ng mga regalo." Paliwanag ni tita.
Ngumiti ako sa sinabe ni tita, nang maalala ko yung regalo ko sa batang yon.
" Meron po pala akong regalo sa kanya." pagreveal ko.
YOU ARE READING
OP Leveling
Ciencia FicciónHighest Rating Achieve! # 3 on tag Virtual # 454 on Tag Reality # 21on Tag VRMMORPG # 23 on Tag Leveling ! * Thanks you readers! 😘 Raven Kim, a simple college student living in loneliness. his life change when his friend push him to play a game usi...