Chapter Two

10.8K 208 9
                                    

"Dash Villegas."

"Yeah, who's this?" Mukhang inaantok pang tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"This is Mary Jane Belardo." Iyon ang unang pagkakataon na tinawagan niya ito simula ng makuha niya ang number nito noong isang araw.

"Mary Jane who?"

"I need to talk with you, Mr. Villegas. Personally."

"All right, you can call my secretary and have your appointment." Pagtataboy nito sa kaniya.

"I did!" Tumaas ang boses niya sa kawalan ng pakialam sa boses nito. "I waited for more than two hours in your office last week but you didn't come. Ayon sa secretary mo, puno na ang schedule mo. And we really need to talk."

"Look, Miss. I really don't know you. Hindi ko alam kung bakit pinipilit mong magkausap tayo." May inis na sa boses nito.

"I know. At ipapaliwanag ko kung bakit. Ang mahalaga ay magkausap tayo ng personal. And you need to make time for me against your busy schedule!"

Tinawanan nito ang outburst niya.

"At anong nakakatawa?" Gigil niyang tanong.

"Ikaw. Inuutusan mo ba ako?" May amusement sa tono nito.

"Yes, I do. So, kailan tayo pwedeng magkita?"

Napaungol ito. "C'mon, Miss. Busy ako tulad ng sinabi ni Vicki. Hindi pati ako nakikipagmeet kung kaninong random na babae."

"Yeah, you and your busy schedule. We need to meet and that's ASAP. Hello? Hello?" Nagngingitngit na ibinaba niya ang cellphone. Lintik na lalaki iyon at hinang-up-an siya.

Tinangka niyang kausapin si Dash ng personal kaya nagpaschedule siya ng appointment dito. Hirap na hirap pa nga siyang makakuha ng appointment dahil puno na ang schedule ng lalaki. Daig pa yata nito ang presidente ng Pilipinas sa pagkahectic ng schedule. Isang linggo ang lumipas bago siya nakasingit. Pero dalawang oras siyang naghintay sa opisina nito pero inidyan lang siya ng lalaki. Ayon sa secretary nito na Vicki ang pangalan ay may emergency daw ang lalaki kaya hindi nakarating.

Habang naghihintay siya ay nagresearch siya tungkol dito. Napakadali sa kaniyang makakuha ng mga personal na information via cyber research. Kaya nga related sa computer ang pinag-aralan niya dahil mahilig siyang mangalikot basta may kinalaman sa computer - software, hardware o anupaman. Above average ang competency at skills niya. At ngayon nga ay sinubukan niya itong tawagan matapos niyang makuha ang personal number nito. Pero hinang-up-an lang siya nito.

Inayos niya ang buhok at hinaplos ang suot na red tube dress. Hanggang kalahati ng hita niya ang haba noon, sa paa niya ay gold pumps. Sinadya niyang magsuot ng pinakasexy niyang damit ng gabing ito. Full make-up siya kahit hindi naman niya iyon ginagawa sa mga ordinaryong araw. Magkikita sila ngayong gabi ni Dash Angelo Villegas. Pero wala itong kaalam-alam.

Ito na lang ang paraang alam niya para makausap ito. Ilang beses niya itong muling tinawagan pero mukhang naalala nito ang number niya dahil laging voicemail nito ang nakakasalamuha niya. At since hindi rin naman siya makapagpaschedule dito, ito na lang ang paraang naisip niya. Ang surpresahin ito ng presensya niya. Sa pagreresearch niya, nalaman niyang may party itong dadaluhan ng gabing ito.

25th wedding anniversary ng isang malapit na kaibigan ng mga pamilya nito. At ayon din sa pagreresearch niya, hindi nito makakasama ang fiancée dahil nasa Brazil ang babae. Magandang timing para sa kaniya. Walang istorbo. Hindi kasi niya alam kung paano niya makukuha ang atensyon ni Dash Villegas kung nakabuntot dito ang fiancée nito. And it was a piece of cake getting her self invited. Ginamit niya lang ang galing niya sa panghahack. And voila! Nasa listahan na ng mga guests ang pangalan niya.

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon