Chapter Ten

10.8K 215 18
                                    

"Jem! Bakit gusto mong pumunta dito?" Nagtatakang tanong niya sa kapatid noong ipinarada niya ang sasakyan sa may Manila Bay. Sinabi sa kaniya ng kapatid na may pupuntahan sila nito at hindi naman sinabi kung saan.

Dalawang linggo na siyang hindi naglalalabas. She's trying to mend a broken heart. She's trying to forget Dash. Pero hindi madali lalo't hindi na nga siya binalikan nito. Ni walang text o tawag, tinotoo nga nito ang banta nito sa kaniya. Hindi miminsang natutukso siyang tawagan ang lalaki. Miss na miss na niya ito. At sa bawat araw at gabing nangungulila siya dito at pinagsisisihan niya ang pagmamatigas niya, nagbabago na ang desisyon niya. Gusto na niyang itapon ang lahat ng kumplikasyon sa hangin.

Choose Dash. Fight for their feelings. Let herself be happy with Dash. Pero bumabalik ang guilt niya tuwing makikita niya ang kapatid, ang malungkot nitong anyo at hindi niya maiwasang maalala ang takot noong akala niya'y mamamatay na ito. And lately, naiisip niyang mas makakabuti yata sa paglimot niya kung babalik na lang siya sa Singapore. Try to start her life anew. Nahigit niya ang paghinga noong may matanaw siya sa may 'di kalayuan.

Randy's Sweetheart!

"Jem, anong ginagawa natin dito?" Kumakabog ang dibdib niya. "Paano mo nalaman ito?"

Hinawakan ni Jem ang kamay niya. "I love you, Ate. Again, sorry sa lahat ng kalokohang ginawa ko."

"Ano ba? Tapos na tayo dito. Hindi mo naman kailangang paulit-ulit na humingi ng sorry sa akin." Nakangiting sagot niya kahit kinakabahan siya. Hindi niya maiwasang lalong mamiss si Dash at ang mga araw na magkasama sila.

"Hindi ako mapapanatag hanggang hindi ako nakakabawi sa'yo. Kaya eto," nagkibit-balikat ito. "Nandito tayo. It's my way of saying sorry and I love you. Panahon na ako naman ang gumawa ng something para sa'yo. Kinausap ko si Dash at---"

"Kinausap mo si Dash?" Gulat na gulat na tanong niya. Mabilis ang paglingon niya sa paligid, inaasahan niyang makikita si Dash sa paligid pero naunsyami siya na wala ang binata.

Tumango ito. "I said sorry for all I've done. Inamin ko sa kaniya ang lahat."

Napakagat-labi siya. "O-okay," gusto niyang tanungin ito kung kamusta na si Dash, kung kinamusta rin ba siya ng binata.

"Ate, okay na ako. Huwag mo na akong isipin."

"A-anong sinasabi mo?"

"Naririnig kitang umiiyak. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Noong huling pumunta si Dash sa bahay, umiyak ka ng umiyak sa mga braso ko. Sobra kang nasasaktan pero pinili mo pa rin ako."

"Jem..."

Umiling ito. "Please, pakinggan mo muna ako."

Tumango siya at hindi umimik.

"Kinausap ko si Dash dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. Alam kong ako lang naman ang inaalala mo. Lagi mo naman akong inaalala. Ate, isipin mo na ang sarili mo. Huwag na ako. Sa lahat ng nangyari, marami akong natutunan. Hindi na ako ang dating makasariling Jemimah, bukas na ang mga mata ko. At nakikita ko ng malinaw ang pagdurusa mo.

"Nagpaliwanag si Dash sa akin kung bakit lagi niya akong dinedma noon. Marami siyang hinahawakang negosyo at hindi niya kilala ang lahat ng empleyado nila. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ako matandaan. Sinabi niya sa aking hindi niya intensyong saktan ako. At isa sa work etiquette niya ang hindi pagpatol sa mga empleyado niya. Sinabi rin niya sa aking hindi siya pumapatol sa mga bata. I'm not his type after all." Tipid itong ngumiti.

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon