Chapter Eight

9.1K 173 3
                                    

Natigalgal si Mary Jane sa ibinulalas nito. "A-anong sinasabi mo?"

Napakamot ito sa ulo. "I know it's not really romantic to just blurt it out that way. Kaso sinabi ko pa bago ako matorpe."

Hindi siya makapaniwalang sinabi iyon nito. "Nagbibiro ka, hindi ba?"

"C'mon, Mary Jane. Marunong akong maglagay ng joke sa tamang tyempo. At hindi iyon ngayon. Mahal kita at iyon ang totoong nararamdaman ko."

Crazy laughter bubbled in her throat. Maluha-luha siya sa pagtawa. Kunot-noong nakatitig lang si Dash sa kaniya.

"I said I love you and you laughed at me? Ngayon ko lang sinabing mahal ko ang isang babae pagkatapos ay tatawanan mo lang ako?" His voice was tinged with hurt.

Napakagat-labi siya upang pigilan ang hysterical na pagtawa. But it was the most reaction she can came up that time. At tumatawa siya dahil hindi niya gustong humagulgol ng iyak. Parang binibiro siya ng tadhana. Hindi pwedeng magtapat sa kaniya si Dash. Hindi pwede ang mga damdamin nila. "I'm sorry," wika niya ng tuluyang tumigil sa pagtawa. "Pero nagbibiro ka lang, hindi ba?"

"Damn it, Mary Jane! Sinasabi ko ang laman ng puso ko pero kung ituring mo iyon ay isang biro!" Tumaas na ang boses nito. "Kung alam ko lang na pagtatawanan mo ang damdamin ko, hindi na sana ako nag-ipon ng lakas ng loob na ipagtapat iyon sa iyo."

"Dahil isa iyang malaking kalokohan. Hindi mo ako pwedeng mahalin! Paano ang kapatid ko?" Tumaas na rin ang boses niya. Kung iba lang ang sitwasyon, kung walang Jemimah na nakapagitan sa kanilang dalawa, baka magtatalon na siya sa tuwa sa mga naririnig mula kay Dash.

Dahil bali-balikatarin man ang mundo, isa lang ang realisasyong hindi niya matanggap sa sarili niya. Tama nga ang kapatid. Nahulog din siya sa karisma ni Dash. She wanted Dash for herself. Not for anyone, not for Jemimah even. Just for self. Because she fell in love with Dash along the way.

"Listen to me Mary Jane. I love you. Ikaw ang mahal ko, hindi ang kapatid mo, hindi si Megan, hindi kahit na sinong babae. It's you. Only you. Just you." Paliwanag ni Dash.

Frantic ang pag-iling niya. "H-hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi mo ako pwedeng mahalin."

"Damn it, Mary Jane. Hindi ko pwedeng turuan ang puso ko kung sino ang gustong mahalin. Noong akala ko ay mahal ko si Megan at handa akong makasama siya habang-buhay, dumating ka. You define what love is to me. It's being happy and blissful in your presence. It's being sucked up in the bluest of your eyes and saw the future in it with you, together and in love. I want you in my bed and in my life, day and day out.

"Naloloko din ako sa kakaisip na paano kung may ibang lalaki ang nagmamay-ari sa iyo. I want to own you. I want to love and cherish you. I want you for myself forever. Kung may paraan lang, I have this wild thought of hiding you. Para walang makaagaw sa iyo at akin ka lang. I was never this possessive. Pero masakit talaga sa dibdib kapag naiisip kong may iba kang mahal.

"Ang dami-dami mong ipinaramdam sa akin na akala ko'y hindi ko mararamdaman o naramdaman ko na. Hell, I didn't even like the chaos you brought to my life. Ginulo mo ang planado at maayos kong buhay. I was just tolerating you at first. Pero habang nakikita kita, habang nakikilala kita, nagbabago ang tingin ko sa'yo.

"I love how you carry yourself. I love your guts in teasing and contradicting me. I love your passionate dedication to your sister. I even love your crazy antics. I never really thought that I'll love you. But I guess, I love you long before I acknowledged my own feelings. At ipinangako ko sa sarili ko na aayusin ko ang sa ating dalawa. Now that I've found you, I'll never let you go." He emotionally declared.

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon