"Badtrip na babae iyon. Inuubos niya talaga ang pasensya ko." Reklamo ni Dash habang hawak niya sa mata ang ice pack. Umayos siya ng pagkakaupo sa sofa. Sa pad niya na lang sila dumiretso ng mga kaibigan.
Tumawa si Ace. "Ano ba kasing ginawa mo sa babaeng iyon? Mukhang malaki ang galit sa'yo."
"Damn it! Ipinapaako sa akin ang pagbubuntis ng kapatid niya na hindi ko naman kilala."
Napailing-iling si Nico. "That was one mess. At ikaw ang itinuturo ng kapatid niya?" Hindi ito sumama sa Shadow Sky at dito lang sa bahay niya dumiretso. Pero bihira din naman kasing makasama si Nico sa Shadow Sky o sa iba pa nilang lakad, minsan kasi ay may sarili ding mundo ang kaibigan.
He shrugged. "For the life of me, wala pa akong binuntis na babae. I'm responsible enough. Isa pa, hindi ako pumapatol sa bata. Pero ayaw niyang maniwala dahil ang tigas ng ulo niya. Ayaw niya akong tantanan."
"Eh baka naman gusto ka lang niya. Baka hindi totoo ang tungkol sa kapatid niya at para sa kaniya talaga ang pagstalk niya sa'yo." Wika ni Ace.
He looked incredously at them. "Ako gusto noon? Eh ang init nga ng dugo noon sa akin eh. She just came up from nowhere."
"Trip mo?" Tanong ni Nico.
"C'mon! Masyadong pasaway iyong babaeng iyon. Sakit sa ulo. Bakit ko naman siya magugustuhan?" Sumimangot pa siya.
"She's beautiful. And have you seen her eyes? So blue and the red hair. May lahi ba siya or contacts iyon?" Komento ni Russell.
Muli siyang nagkibit-balikat. "Hindi ko alam. Anyway, ano namang pakialam ko kung siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko kung ganoon naman kakulit at pasaway. Never!"
Nanunuksong nagtawanan ang mga kaibigan at hindi niya iyon gusto. "What?"
"You said and I quote 'siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko' unquote." Si Ace ang sumagot.
"I said kung. I didn't say that she is." Palusot niya. Bakit ba kasi siya nadulas na ito na nga ang pinakamagandang babaeng nakita niya? Pero tuwing makikita niya ang babae, hindi niya maiwasang matulala dito. Especially her eyes. Parang hinihigop siya noon at hindi na niya gustong makawala pa. Naipilig niya ang ulo sa naiisip na kalokohan.
"Dude, lagot ka kay Megan." Nakangising wika ni Ace.
Parang doon lang niya muli naalala si Megan kaya lalo siyang naasar sa panggugulo ni Mary Jane. "Pwede ba? Huwag na kayong dumagdag sa init ng ulo ko. Hindi ko gusto ang babaeng pasaway na iyon. Nangigigil na nga ako sa asar sa kaniya. Ipinagpipilitan niya ang kapatid niya sa akin. Iniistalk ako kung sa opisina ko, tumatawag sa private line at nagdedemand, flinat niya ang gulong ng kotse ko at tapos ngayon naman ay pinasuntok niya ako. Kung ano-anong trip na gawin ng babaeng iyon."
Naiiling na nagtawanan ang mga ito na lalo niyang ikinainis. Parang tuwang-tuwa pa ang mga ito sa problema niya kay Mary Jane.
"Sabi mo eh," wika naman ni Nico na inabot ang playstation at nagsimula na itong makipaglaro kina Russell at Ace.
Isinandal niya ang ulo sa sofa at mariing pumikit. Shit! Nakikita niya ang mukha ng kaaway niyang babae. Kung mamalasin ka nga naman, ayaw talaga siyang tantanan.
"Ikaw na naman? Hindi mo ba ako tatantanan?" Yamot na tanong ni Dash sa kaniya. Nakasandal ito sa wine bar ng lugar na iyon.
Nang-iinis siyang ngumiti. "Masanay ka na." Umupo siya sa stool sa tabi nito. Nasa isang fundraiser party si Dash ng gabing iyon kaya nandito din siya para kulitin ito muli. "Magaling na ang pasa mo?"
BINABASA MO ANG
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl
RomanceThis is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY s...