"Dash, what's happening? We're having our wedding this later. Anong sinasabi mo?" Napailing-iling si Megan.
Huminga siya ng malalim. Hindi siya halos makatulog kagabi sa kakaisip sa sitwasyon niya. At bago pa man sumikat ang araw ay nakagawa na siya ng isang malaking desisyon. Kaya umagang-umaga, halos limang oras bago ang kasal nila ni Megan ay sinadya niya ang babae upang makausap ito. "I-I'm sorry, Megan. I wouldn't be able to marry you." Inulit niya ang sinabi niya dito kanina.
Napanganga ang babae at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. Nanginginig ang mga labi nito ng magsalita. "W-what did you say?"
Napasuklay siya sa buhok. "I'm sorry. I know it's not enough just say sorry. I should have tell you what I'm feeling. Hindi ko na sana pinaabot pa ang araw na ito. Hindi kita masisisi kung hindi mo ako mapapatawad dahil walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo. I didn't want to hurt you. I swear I didn't want this to happen. Pero mas hindi fair sa'yo kapag ipinagpatuloy natin ito."
Namumutla na si Megan at hindi ito kumukurap sa pagkakatitig sa kaniya. "W-what are you saying?"
Muli siyang huminga ng malalim at napailing. Naghagilap siya ng maaari pang sabihin pero walang lumabas sa bibig niya. Puno ng pagsisising napatitig lang siya sa babae. "I'm sorry..."
Umiling-iling si Megan. "You can't mean it. You can't just say that to me. How dare you? Bakit mo ginagawa ito? Is there someone else, Dash? Ibang babae ba ang pinagkaabalahan mo habang inaayos ko ang lahat ng commitments ko sa ibang bansa bago ang kasal?"
Hindi siya sumagot. Alam niyang kitang-kita ni Megan ang guilt na nakaplaster sa mukha niya.
"Bastard!" Malakas siyang sinampal ng babae pero hindi niya iyon ininda. Hindi rin niya pinigilan ang babae noong paulit-ulit nitong suntukin ang dibdib at balikat niya. Hinayaan lang niyang ilabas ng babae ang lahat ng galit nito sa kaniya. Napakalaki ng kasalanan niya sa babae pero alam niyang ito ang tamang gawin. Mas hindi tamang magpakasal sila ni Megan pero ibang babae ang laman ng puso niya. Mas malaking kasalanan na lokohin niya ang sarili niya at si Megan.
"Damn you, Dash. You don't have the right to do this to me! You don't do this to me!" Sigaw ni Megan habang umiiyak ito.
Napatiimbagang siya sa pagsisisi at guilt na nararamdaman niya. Heaven knows he doesn't want to do this. Pero wala siyang pagpipilian. Habang hindi pa huli ang lahat ay dapat na niyang palayain at huwag patuloy na saktan si Megan.
"Megan, calm down..." Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang kapatid ni Megan.
"I'm sorry, Mylene." Iyon lang ang tangi niyang nasabi sa babae.
"Just leave, Dash. Please." Pakiusap nito habang yakap-yakap nito si Megan.
Tumango siya at laglag ang balikat na tuluyang lumabas ng bahay na iyon.
"Dash Angelo, did you know the scandal that you created? Mabuti at mabilis magtrabaho ang tao natin. Naicontain na nila ang ginawa mong pag-urong sa kasal mo!" Wika ng Papa niya.
Napabuntunghininga siya. Nasa mansion siya kung saan nakatira ang Lolo at Papa niya at sinabi niya dito ang desisyon niya. Mabilis din naman tinawagan ng Papa niya ang abogado nila upang maayos ang anumang eskandalong mangyayari sa hindi pagkakatuloy ng kasal nila ni Megan na inaabangan ng lahat. "I know."
"I know? Iyon lang ang sasabihin mo? Paano mo iyon nagawa? Akala namin dito ay okay naman kayo ni Megan at walang problema. What happened?" Tanong muli ng ama.
"Ano ang naging dahilan ng pag-atras mo?" Tanong naman ng lolo niya
Muli siyang napabuntunghininga siya. "Hindi na ako sigurado sa lahat."
BINABASA MO ANG
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl
DragosteThis is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY s...