Chapter Nine

9.5K 197 15
                                    

"Dok, kamusta na po ang kapatid ko?" Salubong niya sa doktor na lumabas ng emergency room. Halos ilang oras na ito sa loob at ginagamot ang nagaagaw-buhay na si Jemimah. Punong-puno siya ng takot at pag-aalala para sa kapatid habang ibinabyahe ito patungo sa ospital hanggang sa ipasok ito sa emergeny room.

Banayad na ngumiti ang doktor. "Ligtas na ang kapatid mo. Naagapan siya at hindi pa ganoong kadami ang dugong naiwala niya."

"Salamat po, Diyos ko." Wika ni Yaya Lyn.

Halos manlambot siya sa relief na bumaha sa sistema niya. Nagpasalamat din siya sa Diyos sa pagliligtas kay Jemimah. At bigla'y may pumasok sa isip niya. Naalala niya ang batang dinadala ng kapatid. "Dok, kamusta naman ang ipinagbubuntis niya?"

Napakunot-noo ang doktor. "Buntis? Hindi buntis ang kapatid mo."

Naguguluhan silang nagkatinginan ni Yaya Lyn saka siya bumaling sa doktor. "Ang sabi ng kapatid ko ay buntis siya."

Umiling ito na may kumbiksyon. "Hindi siya buntis."

"Oh God!" She groaned. Niloko lang talaga siya ni Jemimah? Wala talagang katotohanan ang ipinapaako nito kay Dash. Halos hindi na niya namalayang nagpaalam ang doktor. Nanlalata siyang napaupo sa upuan at napahawak sa ulo.

"Hindi mo ba sasagutin iyan?" Tanong ni Cha-Cha. Dumalaw ito sa ospital at nasa pantry sila. Kakalabas lang ni Jemimah sa operating room at nasa sarili na itong kwarto pero wala pa ring malay.

Tinitigan niya lang ang cellphone. Si Dash ang tumatawag. "Wala pa akong oras para harapin o kausapin siya. Kay Jemimah lang ang lahat ng atensyon ko sa sandaling ito."

Napailing si Cha-Cha. "Tell me, anong pumasok sa isip ng magaling mong kapatid at ginawa niya ito?"

"N-nalaman niyang a-ako ang mahal ni Dash." Mahina niyang sagot.

"OMG!" Napahawak pa si Cha-Cha sa bibig. "Nagtapat siya sa iyo? Paano?"

Tumango siya at ikinuwento dito ang mga nangyari hanggang sa umagang magpakamatay ang kapatid kasama na ang totoong damdamin niya para kay Dash.

Napabuntunghininga ito. "Masyadong kumplikado ang buhay pag-ibig mo. Tapos ganito pa ang ginawa ng kapatid mo. Sorry ha, pero 'pag nagkamalay ang kapatid mo, kukurutin ko siya sa singit sa pinaggagagawa niyang kalokohan. Tapos ay nalaman mo pa na hindi naman talaga siya buntis. So anong gagawin mo kay Dash? Mahal mo siya, mahal ka niya."

"Hindi ko alam. Pero hindi pwedeng maging kami. Nasaktan ko ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede niyang gawin sa susunod. And I can't lose my sister."

"At si Dash ay hahayaan mo na lang mawala sa buhay mo? Walk away from someone who loves you? Walk away from happiness?"

Napahawak siya sa noo. "Hindi ko alam. Naguguluhan ako." Pakiramdam niya'y naiipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato at wala siyang masulingan.

Nag-angat siya mula sa pagkakayuko sa gilid ng kama ng kapatid ng maramdaman niya ang banayad na hawak nito sa pisngi niya. "Jem!" Hindi niya mapigilang mapabulalas. Ilang araw din itong walang malay. Maingat niyang niyakap ang kapatid at hinalikan ito sa pisngi. "Salamat sa Diyos at nagising ka na. Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

Umiling ito at iniikot ang tingin sa paligid bago ibinalik sa kaniya. "O-okay lang ako."

"Salamat naman," bumalik siya sa pagkakaupo at ginagap ang kamay nito. "Don't give me that fright ever again, Jem. Please..."

Tumingin ito sa kisame at saka muling umiling. "Ganoon pala ang pakiramdam kapag akala mo, mamamatay ka na."

Gumanti siya ng pisil sa kamay nito. "Don't go back there. Ang mahalaga ay nakaligtas ka."

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon