Chapter Three

10.1K 196 10
                                    

"Hi!" Bati ni Jane sa sekretarya ni Dash.

"Good morning, Ma'am. What can I do for you?"

"I would like to speak with Mr. Villegas,"

Tumango ito. "And your name, Ma'am?"

"Mary Jane Belardo."

Tumingin ang babae sa laptop nito ng ilang beses. "I'm sorry but it seemed that you don't have an appointment with him for today."

"I know. But tell him that that I'm looking for him. He knows me."

"But..."

Mabilis siyang umiling. "Please, sabihin mo lang na nandito ako. Papasukin niya ako. Wala namang mawawala kung tatawagan mo siya." Pamimilit niya.

Tipid na ngumiti ang babae. "Okay. For a while, Ms. Belardo." Inabot nito ang phone at nagdial. "Sir, I have a Ms. Mary Jane Belardo here. Gusto raw niya po kayong makausap."

Tinapik-tapik niya ang desk ni Vicki - sa pagkakatanda niya - habang naghihintay. Ilang saglit pa ay ibinababa na nito ang phone at bumaling sa kaniya. "I'm sorry, Ma'am. Hindi daw po niya kayo gustong kausapin."

"What?" Medyo mataas na ang boses niya.

"Narinig nyo naman po na sinabi ko ang pangalan ninyo pero ang sabi niya'y hindi niya kayo gustong kausapin. I'm really sorry," wika ng babae na para bang sanay na sanay na itong magward off ng mga unwanted visitor.

Pilit siyang nagtimpi ng inis. "Can you dial his number again? I'll talk to him," siya na ang nag-angat ng phone.

Nagkibit-balikat ang babae at idinial nito ang direct line kay Dash.

"Yes?" Wika ni Dash sa kabilang linya.

"Mr. Villegas, this is Mary Jane. Bakit ayaw mo akong papasukin sa loob?"

Malakas itong bumuntunghininga. "I told Vicki that I don't want to talk to you. I'm busy."

"Well, hindi pwede. Kailangan nating mag-usap uli." Pamimilit niya.

"We did talk before. Pero nagwalk-out ka, 'di ba?"

Pahiya naman siya. Nagwalk-out nga siya noon dahil nagpatalo siya sa inis niya kay Dash. "I know. Mali ngang nagwalk out ako. Hindi tayo nakapag-usap ng maayos."

"Ms. Belardo, as far as I can remember, we already talked. Nasabi mo na ang gusto mong sabihin at nasabi ko na rin ang side ko. Hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi ko kilala ang kapatid mo and that's it."

Naiinis na naman siya. "Look, Mr. Villegas. Marami pa akong gustong sabihin. I just want you to listen."

"Look as well, Ms. Belardo, you already said enough."

"I'll sue you!" She blurted out. Nakita niyang nanlaki ang mata ni Vicki pero hindi niya ito pinansin.

Tumawa si Dash sa kabilang linya. "At ano namang kaso?"

"Corruption of minor!" Sagot niya. Malaking eskandalo iyon at tiyak na hindi papayag si Dash na makaladkad ang pangalan nito sa ganoong balita.

Lalong tumawa si Dash. "Then get it done. I'll wait for it. And also, be ready for a restraining order for harassing me. Ipapautos ko na hindi ka makalapit sa akin para hindi ka na manggulo. Goodbye, Ms. Belardo." Saka ito nawala sa kabilang linya.

Nanggigigil niyang ibinalik ang phone sa cradle nito. Walanghiyang Dash iyon at nanakot pa. Wala rin itong pakialam na madyaryo. Huminga siya ng malalim. Hindi ito pwedeng magfile ng restraining order laban sa kaniya, hindi na niya ito malalapitan. Well, bluff lang naman niyang idedemanda niya ito. Hindi rin naman siya handang pumasok sa ganoong eskandalo at kaladkarin ang pangalan nilang magkapatid.

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon