Epilogue

13.7K 340 46
                                    

I can feel the magic floating in the air...Being with you gets me that way...I watch the sunlight dance across your face and I've...Never been this swept away...All my thoughts just seem to settle on the breeze...When I'm lying wrapped up in your arms...The whole world just fades away...The only thing I hear...Is the beating of your heart...

Pinigilan niya ang pagtulo ng luha habang mag-isang naglalakad sa aisle. It was her wedding day. Breathe ni Faith Hill ang theme song nila at kinakanta iyon sa wedding march niya.

'Cause I can feel you breathe...It's washing over me...Suddenly I'm melting into you...There's nothing left to prove...Baby all we need is just to be...Caught up in the touch...The slow and steady rush...Baby, isn't that the way that love's supposed to be...

Yes, this is how her and Dash love is supposed to be. Tumigil siya ilang hakbang kay Dash na maluwang ang pagkakangiti habang naghihintay sa kaniya sa may altar. He was so gorgeous on that white tuxedo. Iniunat nito ang kamay sa kaniya na mabilis niyang inabot.

"You're breathtaking..." Bulong nito sa kaniya. Mabilis nitong inangat ang belo niya at sumuot doon saka mariin siyang hinalikan.

She responded in kind. She was suddenly lost in their kiss. Sa isang maliit na parte ng utak niya'y naririnig niya ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Reluctant na bumitiw si Dash sa kaniya.

"Dash, hindi pa nagsisimula ang kasal. You already jumped to the wedding kiss." Tudyo ni Russell dito.

Bahagyang lumayo si Dash sa kaniya at inayos ang belo niya. Kinindatan siya nito at humarap sa pari. "Father, can we just skip to the details and just bless us and pronounce as man and wife already?"

Alanganing ngumiti ang pari pero nalunod ang isasagot nito sa malakas na kantyawan ng mga barkada ni Dash at ng mga tao sa kasal. Maluwang siyang ngumiti at inilibot ang tingin sa apat - yes apat - apat na best man ni Dash. Tinutukso nila Ace at Russell si Dash, si Yael ay bahagyang nakangiti pero si Nico ay wala doon ang atensyon. Seryosong-seryoso, nakakunot-noo at hindi mapuknat-puknat ang tingin nito kay Cha-Cha pero agad na nawala ang atensyon niya doon ng hawakan siya ni Dash sa siko. Napabalik ang tingin niya dito.

He was smiling lovingly at her. "I love you."

She grinned widely. Nico and Cha-Cha were all forgotten suddenly. "And I love you as well." Then the priest started blessing them.

THE END

🎉 Tapos mo nang basahin ang RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl 🎉
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon