"Kayo na talaga ang mayaman." Hindi niya mapigilang maibulalas ng dalhin siya ni Dash sa Randy's Sweetheart, isang yate na nakadock sa Manila Bay. Naglanding sila sa helipad ng Manila Hotel at dito nga sila dumiretso.
Galing sila sa Laguna dahil doon nagland ang chopper ni Dash pagkatapos nilang panoorin ang sunrise, sa Villegas Food Corporation na pag-aari ng pamilya ng mga ito. Doon ay naghihintay na ang piloto ni Dash at lumipat na sila sa very elegant cabin. Carbonara, bread and different cheeses, at chicken vegetable salad ang dinala ni Dash at pinagsasaluhan nila at may red wine din. Hindi niya inaasahang nagdala pala ang binata ng makakain nila at nasorpresa siya doon.
Gusto rin ni Dash na makita niya ang isa pa nitong baby pero co-owner ang mga kabarkada nito kaya isinama siya nito dito. Pag-akyat nila'y binati sila ng crew na ayon kay Dash ay year-round na tumatao sa 79 ft long na private yacht. According to Dash, this is a Squadron 78 CUSTOM type of luxury yacht.
Tumawa ang lalaki. "Nandito tayo sa flybridge. Over here is the bridge, kung saan naroroon ang captain." May lumabas na lalaki mula doon at tinapik ito sa balikat ni Dash. "This is Pete. Captain of Randy's Sweetheart."
Nginitian siya ng lalaki. "Please enjoy your stay, Ma'am."
She smiled. "Thanks." Ngumiti din ito muli at bumalik na sa loob ng bridge.
"Here, we do party out here." He encompassed the rest of the flybridge. There are elegant floating seat rests that surround the large teak feature table. May ilaw sa nakaflush-mount sa lamesa at tiyak niyang kapag gabi ay magbibigay iyon ng discreet, romantic ambience. "Tera sa upper deck. Nandoon ang living room, kitchen at dining. Sa labas ay parang balcony. Pwede mong panoorin ang tubig habang tumatakbo ang yacht."
"Okay," sumunod siya dito. May paikot na hagdanan pababa sa upper deck na binabaan nila para makarating doon.
"Here's the entertainment area, doon ay ang kitchen at dining at doon sa likod ang balcony." Turo ng Dash.
Nakanganga lang siya. Hindi yata siya masasanay sa kaginhawahang ipinapakita sa kaniya ni Dash. It was a grand private stateroom with long L shaped settees. Large and spacious with state-of-the-art equipments. Ang dining room at galley ay integrated sa saloon.
"Sa lower deck ay ang cabins. May apat na cabin doon, isa para sa crew, isang master room na may en suite dressing room, bathroom with a large walk-in shower, at whirlpool bath at several bathroom outside."
She's thinking that everything is created from the very finest materials, including those oh-so exotic woods, hand-selected granite work surfaces and state-of-the-art design features. Panalo! "Bakit Randy's Sweetheart ang pangalan?"
"Initial ng mga pangalan ng barkada. Russell, Ace, Nico, ako at si Yael."
Napakunot-noo siya. "Yael? Parang hindi ko pa siya nakikita."
Tipid itong ngumiti. "Ermitanyo si Yael. Hindi naglalabas."
"Ganun ba?" Gusto sana niyang tanungin kung bakit pero hindi naman niya gustong maging tsismosa. "Anyway, anong history ng yacht na ito?"
"Naisipan lang naming bumili ng isang bagay na pwede naming tambayan. Then we thought of a private boat. Ayun, kaya nabili namin ito. Since we're equal share, ipinangalan na lang namin sa mga initials namin." Paliwanag ni Dash.
"Grabe talaga kayo. Parang wala kayong mapaglagyan ng pera niyo. Maisipan niyo bili agad kahit multi-million dollar ang halaga." Sa isip-isip niya'y halos hundred million dollar ang ganito kasi iyong chopper ay $12 million na.
BINABASA MO ANG
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl
RomanceThis is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY s...