Chapter Six

9.5K 189 0
                                    

"So, what now?" Tanong ni Dash. Tapos na silang kumain at nakapaglinis na rin sila. Nasa balcony sila ng mga oras na iyon. Nakasandal siya at pinapanood ang paligid.

Nagkbit-balikat siya. "Well, sa palagay ko ay masyado na akong nalilihis sa totoong misyon ko habang tumatagal."

Tumango-tango si Dash. Umupo ito sa isang recliner at tinitigan siya. "Bakit hindi mo naiisip na posibleng nagsisinungaling ang kapatid mo tungkol sa akin?"

Napabuntunghininga siya. "Hindi pa niya ako binigyan ng problema kahit kailan. Hindi siya pasaway na kapatid. Kahit ang yaya lang namin ang kasama niya noong nagtrabaho ako sa ibang bansa, hindi siya pasaway. Maayos din ang studies niya at hindi rin naman siya nagboboyfriend. Kaya nagulat ako noong sinabi niya ang tungkol sa'yo. Sinabi niya sa aking inilihim niya iyon sa amin ni Yaya Lyn. Pero hindi na niya kinaya noong mabuntis siya at takbuhan mo nga raw."

"For once, hindi ba pumasok sa isip mo na may hindi totoo sa sinasabi ng kapatid mo. Any doubt at all?"

Sinalubong niya ang titig nito. "Wala noon. Hindi ako masisisi ng kahit na sino. For seventeen years and counting, ako na ang nagpalaki at tumayong ina niya."

"I see. And now?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam." Pag-amin niya.

Ngumiti ang lalaki. "Am I convincing you to change your mind then?"

Hindi siya sumagot. Sa totoo lang, simula ng nakikilala niya si Dash, nagkakaroon na siya ng agam-agam sa kapatid. She was resolved before of what she needs to do. Pero habang tumatagal at nagkakasama sila ni Dash ay nagdadalawang-isip na siya. Lalo pa at mas nakikilala niya ito. At parang may hindi tama doon, dapat ay mas kilala niya ang sarili niyang kapatid.

"Mary Jane, hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo para paniwalaan mo ako. Syempre kakampihan mo ang kapatid mo dahil kapamilya mo siya. And who am I to you but no one? Sinabi ko sa'yong gusto kong harapin ako ni Jemimah kasama ka para maliwanagan na ang lahat pero ayaw naman ng kapatid mo."

"She's hurting too much. Hindi niya gustong marinig daw muli sa'yo na hindi mo siya mahal at hindi mo siya gustong panagutan." Hindi niya gustong aminin kay Dash pero minsan ay nagtataka na rin siya sa pagtatago ni Jemimah kay Dash at takot na takot itong harapin ang lalaki. Pero nagkakaroon na siya ng agam-agam sa kapatid. Hindi niya alam kung ano na ang totoo. Sino ang dapat niyang paniwalaan?

Napabuntunghininga din ito. "I vow on my mother's name that I'm not the father of your sister's child, Mary Jane."

Napatitig siya dito. Nakikita niya ang sincerity sa mga mata nito. Hindi niya gustong maniwala dahil ang ibig sabihin noon ay nagsisinungaling ang kapatid niya sa kaniya. Habang nakatingin siya kay Dash ngayon, hindi niya maignora ang mga lumalabas na pagdududa niya kay Jem. Tama naman si Dash sa sinabi nitong hindi nito papatulan ang kapatid niya. Jemimah is too young. At kahit pa gaano kaganda ang kapatid niya, wala marahil itong laban sa mga babaeng nasa mundo ni Dash. The sophisticated socialites that must be Dash's type.

Even his girlfriend is a supermodel. She and her sister don't belong in Dash's world.

Marahil ay totoong may nagsisinungaling kay Dash at sa kapatid niya. At ngayon ay sumusumpa ang lalaki sa ngalan ng nanay nito na hindi nito pinatulan o binuntis ang kapatid niya. He would not be that callous to drag his dead mother's name just to lie, isn't he? Hindi naman siguro nito idadamay ang nanay nito para lang makaiwas sa bintang ni Jem. Napapikit siya, isa lang ang ibig sabihin noon. Nagsisinungaling ang kapatid niya sa kaniya. Hindi nga niya marahil kilala ang kapatid niya. Marami na siyang hindi alam dito.

RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon