Chapter Three (its so sweet)

3.2K 253 12
                                    

Kabanata Tatlo (its so sweet)
Melady Pov.

"DITO ang magiging condo mo mula ngayon, hindi ka hahayaan ng gobyerno na bumalik sa mga tita mo. Nahanap na rin ang nanay mo pero hindi siya sumama, ibinigay niya itong pera para sa'yo at kung kulang pa ay tawagan mo nalang siya sa number diyan." Sabi ng pulis at binigay sa akin ang isang mabigat na bag, puno ito ng pera.

"Salamat po, tatawag nalang ako sa station ninyo kapag may problema." Sabi ko at ngumiti naman siya ay pinanood akong pumasok sa loob ng condo ko, huminga ako ng malalim at tumingin sa bawat sulok ng kuwarto.

Ito ang magiging bagong tahan ko, tumingin ako sa itim na bag na pinabigay ni nanay. I can't hold my tears and I break down, hindi ko naman kailangan ng pera, kailangan ko lang ng presensya niya pero wala.

Sabi ng pulis ay masaya na raw ang nanay ko sa Amerikano nitong asawa, iyon ang sinabi ng pulis. Malakas ang kapit ng asawa nito kaya hindi nila basta-bastang makasuhan, tangina at naging nanay ko 'yon!

Pero okay lang dahil simula ngayon ay sarili ko nalang ang iisipin ko hanggang sa matapos ang mundo, I closed my eyes and fix my things.


NGUMITI ako sa tindera pagkatapos kong bumili ng ulam ko, marami ang tao sa labas at naglalakad lamang. Ang mga bata ay nakangiting naglalaro sa gilid ng daanan, it's been four months since I live on my own. Halos hindi rin maubos ang pera na binigay ni nanay dahil marami iyon, kaagad akong tumungo ulit sa condo ko.

"Hello, Choco." Bati ko sa aking pusa na natutulog sa coach, nakita ko lang ang itim na pusang ito hanggang sa hindi na rito umalis.

"Ang sarap ng tulog, hindi ka ba umalis dito?" Tanong ko pagkatapos siyang buhatin, bahagyang huni lamang ang sagot niya at siniksik ang ulo sa leeg ko.

I chuckled and dance him on the air, binaba ko na siya nang gusto niyang tumalon mula sa akin. Natatawa akong pumasok sa maliit kong kusina at nagluto ro'n, five in the afternoon ngayon at may trabaho ako mamaya kaya kailangan kong magligpit ngayon.

Balak ko muna na magtrabaho at makaipon ng sarili kong pera bago pumasok ulit sa eskwelahan, tahimik akong kumakain hanggang sa hindi mapigilang hindi magulat nang marinig ang sigaw na malakas.

Tumakbo ako palabas para tignan kong ano at sino iyon, lahat ng mga tao sa kabilang condo ay lumabas din. "Ano ho 'yon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, kaya mag-ingat ka diyan sa condo mo dahil mag-isa ka lang diyan at minsan nga ay parang may kilos ng tao kaming naririnig sa loob kahit wala ka." Tumaas ang mga maliit na buhok sa balat ko dahil sa narinig, kahit nga ang ibang kapitbahay ko ay nagsasabi ng gano'n.

Si Marie rin na katrabaho ko sa coffee shop ay nagsasabi na minsan ay may nakikita siyang anino na nakasunod sa akin, buong akala niya ay normal lang pero nang tumagal-tagal ay nakakatakot na.

"Nako, mukhang bumalik na naman ang mga halimaw. Pumasok na tayo! baka madamay pa tayo!" Sigaw ni aling Sisa at lahat naman ay sumunod, ako ang naiwan sa labas at pumasok din ulit sa condo ko pagkatapos ng ilang minuto.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang pintuan ng kuwarto ko, my heartbeat suddenly raised and my hands get cold and trembling.

Sinara ko ito kanina, pero bakit nakabukas? napalunok ako nang may kung ano na namang nararamdaman, parang may mga delikadong mga matang nakatingin sa akin.

Pumasok ako sa kuwarto at laking gulat ko nang makita na nakabukas ang bintana nito, akmang tatakbo ako palabas nang biglang namatay ang ilaw sa buong sulok.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko, at kung puwede ay maglaho nalamang dahil sa takot. Dahan-dahan akong tumingin sa sala at nakita ko ang isang anino ng babae na may pakpak sa pader, tumalikod ako at akmang pipikit ngunit bumungad sa akin ang isang babae na nakangisi ng nakakatakot.

"Aaaaaahhh!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw kasabay din ng pagtalsik ko sa pader, masakit ang buong katawan ko dahil sa nangyari at kaagad akong umangat ng tingin sa pintuan ng kuwarto ko kung saan lumbas ang babaeng iyon.

Puno ng dugo ang kanyang panga katulad din ng lalaking nakita ko dati, nanlawak ang mga mata ko nang sumugod siya sa akin.

I closed my eyes and shout out badly so loud, ilang minuto pa ay minulat ko ang mga mata nang hindi ko naman siya naramdaman. When I opened my eyes, I can't help but parted my lips when I saw a back of a man in front of me, blocking the girl by choking her.

Pagkatapos ng ilang sigundo ay na sunog ang babae at naging abo, tumigil ang lalaki at bago humarap sa akin ay kaagad akong tumakbo palabas ng pinto.

Masakit ang buong katawan ko at halos hindi makatakbo ng maayos, nasa ikatatlong palapag ang condo ko kaya naman takbo ako nang takbo hanggang sa hagdan.

Malaki at mapula ang buwan na biglang mas lumaki pa dahilan para mapatigil ako, the red moon is so admiring that make me stop. I felt like the red moon hallucinate me to stopped and got killed by that creature, hindi ako makagalaw.

Not until a couple of arm wrapped around my waist, nanlaki ang mga mata ko dahil sa higpit ng yakap nito at ang maiinit na hingang nasa batok ko.

The next thing is the one who almost make my heartbeat skipped, "my mate, I found you. I found the first human who awaken a vampire, I found the first lady of the book of prophecy." He whispered, ang laki at paos ng boses nito na nakakahimatay.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa narinig at nagugulohan, ano ang ibig niyang sabihin!? vampire!?   bampira ba siya!? totoo sila!?

Mas lalong lumawak ang mga mata ko nang naramdaman ang matulis niyang pangil na kinukuskos niya sa leeg ko, after a seconds, mariin kong pinikit ang mga mata nang bumaon ang ngipin niya sa aking leeg. Masakit, parang napunit at napaso ang balat ko dahil sa pagbaon ng pangil niya.

I could feel how he sucked my skin, gigil na gigil siya at parang tubig lamang ang iniinom niya. Ilang sigundo pa ay tumigil siya nang manghina ang tuhod ko, Diyos na ang bahala sa akin.

"I could drink your blood forever, its so sweet. But now, you need to rest and sleep, see you again." He said before he lifted me back to my condo, hindi ko makita ang mukha niya.

A/N: Bakit kinilabotan ako habang sinusulat ang chapter na 'to?! HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAH

DON'T FORGET TO COMMENT, VOTE, PROMOTE

Vampire Series#1:He's A Demon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon