Kabanata Labing-Anim (I'm back)
Melady Pov.PATULOY ako sa paglalagay ng mga pagkain na kailangan ko sa cart habang tulak-tulak ito, gabi na bago na isip at nakitang wala ng laman ang ref ko.
"High school kayo? gabi at bakit nasa labas pa rin kayo? sa susunod, hindi na kayo makakapasok sa store na 'to kapag hindi niyo kasama ang parents ko sa hating gabi." Reklamo ng kahera sa dulo habang binabayaran ang ng tatlong babae ang kanilang pinamili.
"Ate, bakit po nasa labas ka? diba bawal po?" Isang maliit na boses ang narinig ko mula sa ilalim ko, nakita ko ang isang bata na mas mataas sa tuhod ko habang hila-hila ang aking damit.
I smiled and squatted, lumingon ako sa paligid at nakita ang isang babae na nasa likod ko at nakatalikod habang namimili ng gatas.
"Nanay mo?" Sabay turo ko sa babae, ngumiti ang bata ng malapad at tumango-tango.
"Nasa labas ako dahil kahit bawal, kaya ni ate ang sarili niya. Ikaw? dapat hindi ka lumalayo sa nanay mo dahil maraming bad guys ngayon. Kukunin ka nila." Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis na tumakbo ang bata patungo sa nanay niya at yumakap dito, I chuckled and pushed the cart through the paying section.
Hindi na nagtanong ang kahera kung high school ako o hindi, kilala niya na ako dahil dati ay may nangyaring aksidente dito at pumunta ako kasabay ng ilang mga pulis.
I WAS walking down the dark street, way to my condo but suddenly I heard a couple of groans. Napatingin ako sa isang sulok, sa gilid malapit lang sa akin.
Hindi ko dala ang baril ko kaya naman kinuha ko lang ang isang kahoy malapit sa akin at iyon ang ginawang armas, my heart is raising with my nerves.
Halos hindi ako makagalaw nang ilang hakbang lang ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod mula sa akin, he is wearing a black shirt and jeans.
"Who are you?" I can't help but ask, natigilan ito sa ginagawa. May babae sa harapan niya at nakahiga sa isang sira na kariton, mas lalo akong kinabahan dahil kung hindi ako mali ay dugo ang nakikita ko na bumabalot sa kariton at pumapatak sa daan.
He slowly turned around to face me, punong-puno ng dugo ang panga nito paakyat sa ilong. Nakatingin lang siya sa akin ng mainam at parang kinakabisado ang lahat sa akin, kumurap-kurap ako at tumitig sa kanya.
"Rockford..." Hindi ko alam ngunit lumabas lang ang apelyido niya habang nakatingin ako sa lalaking demonyo, nasa harapan ko lang ang killer! ang bampira na matagal ng hinahanap.
Pero napaatras ako nang biglang lumabas ang mahaba at matulis nitong mga pangil, fuck it! baka patayin niya pa ako. Humigpit ang hawak ko sa kahoy, ngunit napatigil ako nang biglang gumana ang ilaw malapit dito dahilan para mailawan ang mukha nito at mas makita ko siya.
Rockford!? hindi ako puwedeng magkamali! "I know you, R-Rockford? that is you? right?" I asked and was about to step closer but he fly somewhere.
Hindi ako makagalaw dahil sa nakita, pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa nakita. He is the killer, he is that demon. What the fuck! tama ang hinala ko.
Kumurap-kurap ako nang makita ang bangkay ng isang babae, kaagad kong tinawagan ang police station namin dahil sa bagong krimen na naganap.
"WHAT just happened? na abotan mo ba?" Tanong ng isang officer, ang ibang kasamahan ko ay narito na rin. Hindi ako makasagot sa tanong nila, I should ask Rockford tomorrow.
"Hindi, itong babae lang ang na abotan ko." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanila, hindi ko kayang sabihin ang nakita ko kanina sa hindi alam na dahilan.
AFTER that day, lumabas ako na walang Rockford sa labas na naghihintay sa akin. I just keep myself working and working for the whole day, hindi ko siya inisip kahit minsan ay napapaisip ako sa kanya at hindi na mapigilan.
Next day, I can't help but went to his company. Natigilan na lang ako dahil ang sabi ng sekretarya niya ay umalis si Rockford para sa isang emergency meeting sa Paris for one week.
I waited again, for one week. Malayo siya pero minsan ay parang naamoy ko ang usual na pabango niya, minsan din sa paggising ko sa umaga ay parang may nakatingin sa akin pero hindi ko lang pinapansin.
Days turn into weeks, into months, into two months until I can't keep it. Hindi na ulit nagpakita si Rockford, indeed guilty. Siya nga ang lalaking iyon, kasi kung hindi siya ay sigurado akong matagal na siyang nagpakita sa akin.
"Ang lalim ng iniisip, may problema ka?" Kumurap ako nang marinig ang boses ng isang kasamahan namin sa canteen, paubos na ang pagkain nila habang ako ay tubig lang ang nagagalaw.
"Sorry, may iniisip lang ako." Pagdadahilan ko at pekeng ngumiti sa kanila, umiwas ako ng tingin at pinilit na kumain kahit wala naman akong gana.
Pagkatapos kumain ay bumalik ulit ako sa opisina para ayosin ang mga gamit at mga binasurang kaso, binasura na ng nasa taas ang kaso na hinahawakan ko nitong huling buwan.
Pinasok ko ang lahat ng mga papel ayon sa kaso na iyon pati na rin ang litrato ni Rockford, pagkatapos ay nilagay ko ito sa storage room.
"Grabi, biglang nawala ang mga krimen nitong mga buwan." Ani ng isang kasamahan ko, hindi ko sila pinansin at nagbasa nalang ng ibang mga kaso na hindi matapos-tapos.
Tumigil dahil wala na si Rockford, wika ng aking isipan. Iniling ko ang ulo at pinag-igihan ang binabasa, but my forehead furrowed when I heard a whispers.
"Dito po ba ang opisina ni Miss Garcia?" Umangat ako ng tingin nang marinig ang tanong ng isang delivery boy, tinuro ako ng ilang kasamahan ko sa loob.
Pumasok ang lalaki at hawak ang isang palumpon ng rosas, hawak din ang isang paper bag. "Ikaw po si Melady Aracilie Garcia? may nagpapabigay po sa inyo nito." Sabi niya at nilapag ito sa lamesa ko, lumalim ang kunot ng noo ko.
"From who?"
"Pasensya na po, pero hindi puwedeng sabihin. May card naman po sa bulaklak, baka may pangalan diyan. Salamat po." Paalam nito at kaagad na lumabas, lahat ng kasamahan ko ay may kung anong tudyo na tingin sa akin.
"Nako, dalaga na pa si Melady." Sabay tawa nila.
I rolled my eyes, kinuha ko ang isang card na nakadikit sa bulaklak at kaagad itong binuksan para basahin.
Hope you're doing okay, missed me? btw, I'm back.
love, your R.
Isang basa palang ay si Rockford na kaagad ang pumasok sa utak ko, binuksan ko ang paper bag at nakita ang ilang pagkain sa loob nito.
DON'T FORGET TO COMMENT, VOTE, PROMOTE
BINABASA MO ANG
Vampire Series#1:He's A Demon (COMPLETED)
Vampiros"I've been waiting for you and now you finally came, I won't let you go, my mate." Melady Aracilie Garcia Something is wrong with her, she know that and feel a kind of something she can't tell what. Being with her witches tita and cousin's is like...