Prologue

17 3 0
                                    

Sa deskripsyon ng ilan....ang mga diyablo na wagas kung maghasik ng lagim sa lipunan ay mahahalata sa pangit ng kanilang ugali at itsura.

Karaniwan na larawan sa isang demonyo ay isang lalaki na may maitim na sungay, mga mata na nagbabaga sa galit at silakbo, at mga ngisi na alam na alam mong walang gagawing maganda, idagdag mo pa ang buntot nito na sing talas ng kutsilyo.

Pag si kamatayan naman ang pinag-uusapan, palagi nilang sinasabi na nakadamit ito ng kulay itim at may hawak- hawak na karit.

Pero sa totoo lang, tanging mga kwentong barbero lamang ang mga deskripsyon na iyon. Walang katotohanan at walang ibedensya na magpapatunay na tama nga ang mga ito.

Paano ko nga ba nasabi ang mga katagang iyon? Ah tama! Dahil sa Desuthamu Sect.

Desuthamu Sect.

Isang kakaibang seksyon ng mga estudyante sa paaralan ng Lake View Academy. Isang section kung saan lahat ng klase ng isang estudyante ay naroroon na.

Mga matatalino.

Mga mayayaman.

Mga sikat.

Mga salot sa lipunan.

Mga malalandi.

Ilang inosente.

At tanging sa paaralan lang na ito nagsama-sama ang diyablo, ang demonyo at si Kamatayan.

Mga tatlong personalidad na hindi aakalain ng mga tao na may ganun klaseng pag-uugali.

Mga tao na binulag ng pag-ibig, paghihiganti, kasakiman, inggit, at nakaraan na hindi kayang limutin.

"Wala akong kasalanan!"

"Patawarin mo kami!"

Mga hiyaw na gumimbal sa katahimikan sa buong gusali ng Desuthamu Sect.

Handa ka bang pumasok sa Lake View Academy at maging parte ng Desuthamu Sect?

Handa ka bang makipagpatentero kay kamatayan?

Handa ka bang linlangin ang diyablo?

Handa ka na bang titigan mata sa mata ang demonyo?

Handa ka na bang makipagtagisan kay  Kamatayan?

Kung handa ka na....binabati kita sa pagiging parte ng pamilyang ito. Pamilya na hindi mo nanaisin na makilala muli.

May isang batas lang na dapat at kailangan mong sundin kung nais mong magtagal sa laro ng Desuthamu Sect.

Huwag kang magtitiwala sa sinuman. Tandaan, ang demonyo ay minsan ding naging anghel.

--------

Sa paaralan ng Lake View Academy ay talagang mapapahanga ka sa angking ganda ng kapaligiran.

Mga ibon na malayang nagsisiliparan, ang mga simoy ng hangin dala-dala ang halimuyak ng mga naglalakihang bulaklak ay syang tunay na nakapag-papagaan ng pakiramdam. Mga imprastraktura at gusali na kaakit-akit ang dating. Mga tanawin na hindi kapani-paniwala. Yan ang mga pumupukaw sa atensyon ng kung sino man na pumapasok sa paaralan.

Akala ng lahat ay simple lang ang araw na iyon pero....

Sa isang abandonadong kuarto sa gusali ng Desuthamu Sect., isang nakakagimbal na pangyayari ang pilit itinatago ng maliit na silid.

"Pare...maawa ka sa akin." Mahinang wika ng isang lalaki na walang damit pang-itaas at nakatali ito patalikod sa isang upuang kahoy.

"Alam mong wala akong awa." Simpleng sinabi ng isang lalaki habang nakatingin sa kawawa nitong biktima. Tanging iling naman ang naging sagot ng biktima.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon