III

9 1 0
                                    

"♪♪Sino ang malaya....malaya♪♪"

"♪♪Sino ang taya....ang taya♪♪"

"♪♪Sino ang sunod na mamamatay?♪♪"

Umaalingawngaw sa isang kulob na silid ang pagkanta ng isang babae sa mga linyang iyon. Maganda ang kanyang boses kahit na medyo may pagkamatinis ito.

"♪♪Babalik na sya....na siya.♪♪"

"♪♪Maglalaro kami....maglalaro kami.♪♪"

Patuloy nito sa kanta habang sinasabayan niya ang tunog ng makapanindig-balahibong musika na nagmumula sa isang lumang piano.

"♪♪Mamamatay sila...na sila.♪♪"

Matigas nitong inawit ang linyang iyon at kasabay non ang malakas na pagpindot nya sa isang piano key. Ilang sandali pa ay tawa ito ng tawa ngunit ng mapalingon ito sa litrato na nakalapag sa lamesang kahoy sa kanyang kanang banda ay agad itong napaluha.

"Hindi ko hahayaan na ako lang ang masasadlak sa kahirapan na ito. Gagantihan ko kayo!" Sigaw nito kasabay ng kanyang malakas na pananghoy.

Ang kanyang sigaw ay unti-unti naging hagulgol hanggang sa mapahiga ito sa malamig na sahig at yakap-yakap nya ang kanyang sarili.

----------

➕HAZEL BALDEMOR➕

Hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala sa pagkawala ni Cairo. Kahapon lamang ay nagtungo kaming lahat sa kanilang bahay upang makilamay.

"Tignan mo si Erin, Benedict. Mukhang hanggang ngayon ay hindi nya pa rin tanggap ang nangyari." Sinabi ko kay Benedict na busy sa kadro-drawing ng kung ano-ano sa likuran ng aking notebook.

"Sa tingin mo ba madali lang kasing matanggap ang pagkawala ng ating kaklase lalong-lalo na kung malapit ito sayo?" Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi. Sabagay. Tama sya....hindi nga madaling tanggapin ang nangyari.

"Parang magkapatid na ang turingan nina Erin at Cairo kaya tiyak kong isa sya sa pinaka-nahihirapan ngayon." Pagpapatuloy ni Benedict at tumango naman ako sa sinabi nya. Ilang minuto ang lumipas ay naglapag ito ng isang puting rosas sa aking harapan.

"Bulaklak para sayo." Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi lalong-lalo na ng bigyan nya ako ng isang matamis na ngiti. Kinuha ko ang bulaklak at inamoy-amoy.

"Date tayo mamaya." Mabilis nitong sinabi saka ako kinindatan dahilan para mabitawan ko ang hawak kong bulaklak. Tulala akong napatingin sa kanya dahil sa hindi kapani-paniwalang sinabi nya.

Isang halik sa pisngi ang ibinigay nya sa akin bago ito naglakad paalis sa aking tabi at nagtungo sya sa kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. What the hell just happened?!

"Eherm." Pagtikhim ng kung sino sa aking likuran. Pinukulan ko ng masamang tingin si Alexander dahil tiyak kong mang-iinis lang ito.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ha?" Nakangisi nitong sinabi kaya mas lalo ko itong tinitigan ng masama. "Good luck!" Masigla nitong sinabi pero parang may kakaiba sa pag good luck nya sa akin. Parang may ibang ibig sabihin ito.

Ikinibit-balikat ko na lang ito saka bumaling sa may white board habang hinihintay namin ang pagdating ni teacher Yumi.

"Good morning everyone!" Masayang wika ni teacher Yumi at halatang-halata ang tuwa sa kanyang mukha na sadyang nakakapanibago dahil isa din ito sa pinaka-nagdamdam sa pagkamatay ni Cairo.

"My good news ako sa inyo." Dahil sa sinabi nya ay nakuha na nya ang atensyon naming lahat. Good news? Excited kaming lahat na malaman kung ano ang good news na iyon para mapasaya sya ng ganun na lang.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon