XII

4 1 0
                                    

Sa isang madilim na silid ay pilit na sinusubukan ni Alexis makawala sa pagkakatali sa kanya sa isang upuang kahoy.

Kahit nanghihina na ang kanyang katawan sa kadahilanang dalawang araw na rin itong walang matinong kain at pakonti-konti lang ang ipinapainom sa kanyang tubig. Hindi din ito makatulog ng maayos.

Sa ilang beses niyang pagkaskas sa tali na nasa kanyang palapulsuhan sa may gilid ng upuang kahoy mas lumala ang panunuot ng sakit dito pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa tuluyan na ring napigtas ang tali.

Sunod at nagmamadali naman nitong tinanggal ang tali sa kanyang paa at ilang beses itong napapalingon sa may pintuan para alamin kung paparating na ba ang salarin sa mga paghihirap ng kanyang hinaharap.

Matapos matanggal ang tali sa kanyang paa ay pagapang itong nagtungo sa may pintuan at pinilit niyang makatayo para abutin ang seradura.

Ilang beses niya itong pinihit pero ayaw magbukas. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pilit niya pa ring binubuksan ang pinto pero ayaw talagang magbukas.

May nakita itong isang maliit na bintana malapit sa ceiling kaya tumalon-talon siya para sana abutin ito at buksan pero sadyang may kataasan talaga ang bintana.

Tumingin ito sa kanyang paligid at ang kaninang inuupuan niyang upuang kahoy ang siyang kanyang ginawang patungan upang abutin ang bintana. Kamuntikan pa siyang nahulog ng tumungtung ito sa upuang kahoy. Mabuti na lang at nagawa pa niyang balansehin ang kanyang sarili.

Ng maabot niya ang bintana ay buong lakas nitong binuhat ang kanyang sarili para matignan kung nasaan siya ngayon. Unang bumungad sa kanyang paningin ay ang rooftop ng administration building at parang isang mabilis na video ng isang malagim na pangyayari ang siyang bumalik sa kanyang isipan.

"How dare you para sirain mo ang reputasyon ko dahil lang sa hindi ka kayang mahalin ng taong gusto mo?!" Malakas na tanong ni Alexis habang dinuduro-duro nito ang isang babae.

Nasa rooftop sila ng administration hall at walang nakakakita sa kanila kaya malakas ang loob ni Alexis na umasta ng ganun.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mahina at naiiyak na wika ng babae kay Alexis dahilan para lalong mag-ngitngit sa galit ang huli.

"Hindi mo alam?! Tanga ka ba? Nakunan sa CCTV camera na ikaw yung sunod ng sunod sa amin ng boyfriend ko kaya sa malamang, ikaw din ang kumuha ng video at nagpakalat non!" Nanggigigil si Alexis ngunit pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili na gawan ng masama ang kanyang kaharap.

"Maniwala ka sa akin... Hindi ako yun. Absent ako kahapon kaya paanong magiging ako yun?" Naluluhang sinasabi ng babae ngunit sarado na ang isipan ni Alexis.

Para sa kanya, ang babaeng kanyang kaharap ang dahilan ng kumakalat na scandal niya at wala ng iba.

Ilang sandali pa ang lumipas at isang mapanlinlang na ngiti ang bumalatay sa labi ni Alexis. Naguguluhan naman na nakatingin sa kanya ang babaeng kanyang kaharap.

"Okay. Naniniwala na ako sayo. Sorry at sa iyo ko naibunton ang galit ko." Para namang nakahinga ng maluwag ang babae dahil sa narinig nitong sinabi ni Alexis.

Dahan-dahan na naglakad si Alexis patungo sa babae saka niya ibinigay ang isang sulat dito. "Bakit ka pala nakagloves Alexis?" Takang tanong ng babae habang inuusisa nito ang ngayong hawak niyang sulat.

"Para walang ibedensya." Makahulugang sinabi ni Alexis at kasabay non ang pagtulak niya sa babae dahilan para mahulog ito at mamatay kaagad.

"Hindi." Mahinang wika ni Alexis ng maalala nito ang nais na niyang makalimutan sa nakaraan. Napaluha ito habang paulit-ulit na nagpapakita sa kanyang isipan ang itsura ng babaeng kanyang itinulak mula sa rooftop ng administration hall.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon