"May naisip na ba kayong paraan?" Problemadong tanong ng demonyo sa kanyang mga kasama na nasa malalim ding pag-iisip.
Napabuntong-hininga ang diablo at agad na napailing para sagutin ang tanong ng demonyo.
"Ikaw baka meron. Sige na please. Naubusan na talaga ako ng ideya." Nagmamakaawang sinabi ng demonyo kay kamatayan dahilan para mapabuntong-hininga ang huli.
Silang tatlo ay problemado kung paano gagawing kapana-panabik ang kanilang sorpresa sa buong Desuthamu Sect. Sabay-sabay silang tatlo na napahinga ng malalim dahil tila nauubusan na sila ng creativity sa muling pagpapakilala sa kanilang mga kaklase na kanilang binawian ng buhay.
"Ilagay na lang natin sila sa theater room tutal doon din naman sila natin nahuli." Suhestyon ng diablo na agad nilang sinang-ayunan na tatlo. Napatingin ang demonyo sa dalawang bangkay na patuloy na pinagsasaluhan ng iba't-ibang insekto at kaagad itong napangiwi ng makita ang konte na lamang na natitirang bahagi ng laman loob ng mga ito.
"Ang tagal mabusog ng mga insekto na mga iyan ha?" Mangha nitong sinabi sa kanyang mga kasama na pailing-iling dahil sa sinabi nito.
"Mabuti pa at ihanda na nating ang dalawang ito para makita na sila agad bukas. Timing at may klase tayo bukas sa theater room para sa arts and music." Seryosong sinabi ni kamatayan kaya agad nilang ginawang tatlo ang dapat gawin.
Sinira ng mga ito ang mga bagong install na CCTV camera sa paligid at ng mas mapadali ang kanilang trabaho at para na rin hindi sila mabistong dalawa.
"Use those gloves guys and make sure na walang maiiwan na ibedensya." Madiin na sinabi ng diablo at agad na tumango ang dalawa. Matapos nilang iayos ang kanilang presentasyon ay masaya silang tatlo na umuwi.
-------------
➕HAZEL BALDEMOR ➕
Matapos ang isang linggong suspension ay muli kaming pumasok. Nananatiling sekreto ang kamakailan lang na gulong nangyari sa Desuthamu Sect. lalong-lalo na at wala pang maiturong suspek ang mga otoridad.
Hindi sila pwedeng basta-basta na lang magtuturo sa kung sino dahil mga kilalang pamilya ang kanilang mababangga kung sakali.
"Hannah!" Natigilan ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyon ni Benedict. Liningon ko siya sa may likuran at patakbo nitong hinahabol si Hannah sa may pasilyo.
Agad akong napabuntong-hininga dahil sa aking nakitang tagpo. "What's with that long face?" Nakangising tanong sa akin ni Alexander na siyang agad kong sinamaan ng tingin. Kay aga-aga mang-iinis na naman ang hudas na ito!
"Shut up!" Mahina kong asik dito dahil baka makaagaw pa kami ng atensyon kung sisigawan ko siya dito sa may ground. Nagmake-face lang siya para mas lalo akong inisin ang I swear ang galing niya sa ganong bagay! Nakakainis!
Napatingin ako sa may gate banda at sakto na kakapasok lang nina Luke at Rebecca. Hindi pa sila nakikita nitong kasama ko at sa tingin ko ay makakaganti rin ako sa kanya.
"Ang sweet talaga nilang tignan magkasama. It seems they are match-made in heaven." Malumanay ko itong sinabi habang pinupukulan ng masayang tingin sina Luke at Rebecca na mukhang nasa sarili nilang mundo dahil wala silang pake-alam sa kanilang paligid at panay parin ang kanilang pag-uusap.
"Sino?" Kunot-noong tanong ni Alexander kaya inginuso ko ang dalawang estudyante na kanina ko pa pinapanood. Kitang-kita ko ang pag-asim ng mukha ni Alexander at ang pagtingin niya sa akin ng masama.
"Magpacheck-up ka na sa opthalmologist at mukhang may problema ka sa paningin." Madiin nitong sinabi pagkatapos ay mabilis itong nag walk out. Pikon lang?
BINABASA MO ANG
Desuthamu Sect.
Mystery / ThrillerSali ka sa aming laro. Pagalingan sa pag-arte. Pagalingan sa pagtago. Pagalingan sa pagiging matapang. Higit sa lahat..... Pagalingan sa pananatiling buhay hanggang matapos ang laro sa loob ng Desuthamu Sect.