➕REBECCA MORVEN➕
Ilang ulit akong nagpagulong-gulong sa aking kinahihigaan sa pag-aakalang makakatulong yun para makatulog ako pero gising na gising pa rin ang aking diwa.
Bukas...
Kailangan na maaga kami bukas kasi pupunta kami sa isang ranch kung saan kami dadalhin ni Principal Steins ayon sa sinabi niya at ng makapag-relax daw kami.
Sa hindi malamang dahilan ay mas lalo lamang akong na pra-praning at baka may kung ano na namang masamang mangyayari sa aming magka-klase kung pupunta kami roon.
Ilang beses pa akong nagbilang ng mga tupa sa aking isipan bago ako tuluyang dalawin ng antok.
Kinabukasan...
Gamit ang sasakyan ni Luke ay sabay kaming nagtungo sa aming paaralan. Pagdating namin doon ay marami na rin sa mga kaklase namin ang nadodoon habang masamang nakatingin sa higit sampong mga tao na nakadamit ng black suit at sa tingin ko ay mga bodyguards na tinutukoy ni Principal Steins ang mga yun.
May isang malaking bus din doon at tiyak kong kakasya kaming lahat na magkakaklase.
Nakita ko si Erin kasama niya si Hazel na may bandage sa may ulo nito. Sinesenyasan ako ni Erin na lumapit ako kung saan sila naroroon pero agad din akong napatigil sa paglakad patungo sa kanya ng maramdaman ko ang paghawak ni Luke sa aking siko.
"Saan ka pupunta?" Hindi agad ako nakasagot dahil mukha siyang wala sa mood at galit na nakatingin sa akin. Anong nagyari sa kanya? Napailing ako saka ko itinuro kung nasaan sina Erin para ipaalam na doon ang aking punta.
Hindi kumibo si Luke at hindi niya rin binitawan ang pagkakahawak sa aking siko. Isang malalim na hininga ang aking napakawalan kasi para kaming tanga sa itsura namin ngayon.
"What's happening here?" Masamang tinignan ni Luke si Hannah dahil sa tanong nito. Hindi man lang namin napansin ang kanyang paglapit.
"Masakit..." Naisawika ko ng maramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Luke sa aking siko."Let her go." Tipid na sinabi ni Hannah at nagpapasalamat akong napatingin sa kanya dahil agad din naman akong binitawan ni Luke.
"What do you want?" Tanong ni Luke at nakita ko na yun na sign na dapat ng umalis at lumapit ako kina Erin. "And don't you dare to take another step away from me Rebecca." Gulat at dahan-dahan akong lumingon kay Luke na kulang na lang ay magmukhang ewan sa sama ng tingin sa akin. Problema ba kasi nito?
"Pupuntahan ko lang naman kasi sina Erin at kukumustahin ko na rin si Hazel. Iniwan na nga lang natin siyang ganun-ganun na lang kagabi..." Katwiran ko pero mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa akin. May nakain ba tong masama at sa akin niya binubuntong ang galit nito?
"Isa." Pagbibilang niya pero inirapan ko ito at maglalakad na sana uli papunta kina Erin ng agad akong mapatigil sa susunod nitong sinabi. "Dalawa." Inis ko siyang nilingon sabay sabi ng "tatlo, apat, lima...ano magbibilang ba ako hanggang sampo para sayo?"
Hindi ito nagsalita pero dinig na dinig naman ang paghagikgik ni Hannah kaya siya ang binalingan ni Luke at tinitigan ng masama. "Ano bang kailangan mo at nadidito ka?" Muling natawa si Hannah sa tanong ni Luke at tinignan ako.
"I think she's still trying to run away from you..." Ang sampong salitang kanyang binitawan ang nakapag patigil sa aming dalawa ni Luke. Yun ang pang-asar sa aming dalawa ni Denise noon.
"Up until now, your still trying to tame her...no, your still trying to keep her by your side as if you own her." Dahil sa kanyang sinabi ay agad na hinawakan ni Luke ang collar ng damit ni Hannah kaya patakbo akong lumapit dito para patigilin sila.
BINABASA MO ANG
Desuthamu Sect.
Mystery / ThrillerSali ka sa aming laro. Pagalingan sa pag-arte. Pagalingan sa pagtago. Pagalingan sa pagiging matapang. Higit sa lahat..... Pagalingan sa pananatiling buhay hanggang matapos ang laro sa loob ng Desuthamu Sect.