I

12 1 0
                                    

➕ALEXANDER GUILLERMO➕

Katatapos lang ng aming lunch break at nandito ako sa kanang bahagi ng gusali ng Desuthamu Sect. sa may lilim ng punong mangga upang magpahinga.

Pinagmamasdan ko ang mga matatayog na gusali katabi ng aming section at nakakamangha na sa amin ang may pinakalumang imprastraktura.

Dala ng pagkabagot ay kinuha ko ang isang libro sa aking bag para magbasa pero ng makita ko ang pamagat nito...isang ngisi ang nais kumawala sa aking labi.

The Bible.

Mahina kung binasa ang pamagat habang inilalandas ko ang aking kanang hintuturo sa bawat ginintuang letra na nakaukit dito. Binuklat ko iyon at binasa ang nilalaman ng bersikulo na aking nakita.

John 8:32. And you shall know the truth and the truth shall set you free.

Free.

Kalayaan. Ano nga ba ang tamang deskripsyon sa salitang kalayaan? Paano mo nga ba masasabi na malaya ang isang tao? Totoo nga ba ang salitang malaya?

Napatawa ako sa mga katanungan na iyon sa aking isipan. Iisang bersikulo lang iyon pero nakagawa na agad ako ng ilang mga katanungan.

Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa ng maramdaman ko ang pag-upo ng kung sino man sa aking tabi.

"What's your ambition? To be a priest or a pastor?" Sarkastiko nitong tanong ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang. Inialok ko sa kanya ang hawak kong Bibliya ngunit ni hawakan ay ayaw nitong gawin.

"Baka masunog ako niyan." Diretsong sinabi nito. Napabuntung-hininga ako sa sinabi nya at itinago ko ang libro sa aking bag.

"Parang ang dating sa akin ng iyong sinabi ay wala kang karapatan na kilalanin ang Diyos. Mali iyon Jamal." Diretso kong sinabi sa kanya na syang tinawanan lang nito. Minsan ang hirap din nyang intindihin.

"Nagbibiro lang ako Alex. Tara na sa room. Malapit ng magsimula ang klase." Tumango ako sa sinabi nito at inayos muna ang aking mga gamit saka kami sabay na naglakad patungo sa aming silid-aralan.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng pasilyo, ang aming bawat yapak ay umaalingawngaw sa paligid na kung matatakutin ka lang ay tiyak na titindig ay iyong mga balahibo dahil sa tunog.

Ilang sandali pa ay parang may mahinang sigaw kaming narinig at ilang halakhak. Napahawak sa aking mga braso si Jamal. "Totoo ata na may nagmumulto sa building natin." Pabulong nitong sinabi sa akin ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang.

Multo? Isang kahibangan lang ang bulong-bulungan na iyon. Iba ang sinasabi sa akin ng aking kutob. Hindi iyon multo kundi isang pananghoy ng isang tao na malapit ng makarating sa impyerno.

Kailangan kong malaman kung saan iyon nanggagaling. Tinignan ko si Jamal at nanginginig na ito at tiyak kong takot ang dahilan.

"Mauna ka na sa room. Hahanapin ko lang kung ano yung narinig natin." Sinabi ko sa kanya dahilan para titigan nya ako ng masama. "Siraulo ka ba?! Paano kung multo nga iyon at patayin ka?" Napailing ako sa tindi ng imahinasyon ng babaeng ito.

"Kung totoo man ang multo o kung may multo nga talaga dito...paano niya ako papatayin? Isang hamak na kaluluwa na lang ito at hindi nya ako kayang salingin." Paliwanag ko rito pero mas lalo lang nya akong tinignan ng masama.

"Papatayin ka nya sa sindak! Tara na nga sa room." Mabilis nitong wika at hinatak ako patungo sa aming room. Wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa kanya. Nakaupo na ako sa aking upuan ngunit hindi ko magawang mapakali sa tuwing naiisip ko ang narinig namin sa may hallway.

Dahil wala pa naman ang aming guro ay mabilis akong lumabas ng aming silid-aralan at nagtungo sa may pasilyo.

May nakita akong isang babae na naglalakad at nakasuot ito ng uniporme katulad ng sa aming kaklase na babae ngunit agad itong nawala sa aking paningin. Multo? Iyon ang unang pumasok sa aking isipan pero agad kong iwinaglit iyon.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon