IV

7 1 0
                                    

"Kumpleto na ang mga manlalaro ng Desuthamu Sect." Sinabi ni Kamatayan sa kanyang mga kasama. Parang walang pake-alam naman ang demonyo sa kanyang sinabi samantalang ang diablo ay nasa malalim na pag-iisip.

"Ramdam ko na may mali. Hindi ko mabatid kung ano ito ngunit.....may mali talaga." Mahinang wika ng diablo dahilan para makuha nito ang atensyon ng dalawa nyang kasama.

Kumuha ng isang dart ang diablo habang linalaro nya ito sa kanyang kanang kamay. Nasa malalim muli itong pag-iisip. Ilang sandali pa ay biglang tumalim ang kanyang mga tingin at walang ano-ano ay ibinato nya ang dart sa isang litrato na nakapaskil sa pader.

"Bakit parang pinaglalaruan nya ako?" Tanong ng diablo sa kanyang mga kasama ngunit nakanganga naman ang mga ito. Hindi dahil sa galing ng pagkakahagis nito sa dart kundi sa litrato na tinamaan nito.

"Anong sinasabi mo? Paano ka paglalaruan ng isang tao na matagal ng patay?" Wika ni Kamatayan habang hindi naalis ang kanyang pagkakatitig sa litrato.

Hindi makaimik ang diablo samantalang ang dalawa nyang kasama ay pailing-iling. Denise. Isang pangalan na sadyang nakapagbibigay sa kanila ng matinding kilabot.

Sino nga ba sya? Bakit ang isang diablo, demonyo at kamatayan ay nagawang matakot sa kanya?

------------

➕HAZEL BALDEMOR ➕

Ilang beses akong napabuntong-hininga dahil sa mga nangyari ngayong nagdaang araw.

Una....namatay si Cairo.

Pangalawa may dalawang dating  estudyante ng Desuthamu Sect. ang bigla na lang bumalik.

At pangatlo.....

Pangatlo....hindi man lang ako pinapansin ni Benedict ni kausapin man lang o isang kumusta lang.

Parang biglang hindi ako nag eexist sa buhay nya at nagsimula ang lahat ng iyon ng makita nya si Hannah.

Napabuntong-hininga muli ako ng makita ko si Benedict na parang aso na sunod ng sunod kay Hannah kahit hindi man lang sya nito binabalingan ng tingin. Hay nako!

"Selos na ba yang nakikita kong emosyon sa iyong mga mata?" Tinignan ko ng masama si Alexander dahil sa sinabi nito. May gana pa talaga syang mang-inis ngayon ha!

"Pwede bang huwag mo akong guluhin. Anong selos ang pinagsasasabi mo diyan? Baka ikaw ang nagseselos dahil nakita mo na naman kung gaano ka-close sina Luke at Rebecca." Mabilis kong sinabi sa kanya at ang kanina nitong mapang-asar na ngiti ay bigla na lamang naglaho.

Sumeryoso ito ng tingin ngunit maya-maya lang ay parang nagtutubig na ang kanyang mga mata. Hala! Anong ginawa mo Hazel?!

Agad akong napailing ng mukhang maiiyak na talaga ito. "Walang hiya ka. Bakit pinaalala mo pa? Kaya nga nakatalikod ako sa kanila ngayon eh." Naiiyak nitong sinabi dahilan para mapatawa ako.

Tinignan ko sina Luke at Rebecca at hindi ko mapigilang kiligin. Nakasandal kasi si Luke sa may balikat ni Rebecca at sa tingin ko ay tulog na ito. Samantala, si Rebecca naman ay ingat na ingat sa kanyang bawat galaw lalong-lalo na kung ililipat nito ang pahina ng libro na kanyang binabasa. Ayaw ata nyang maistorbo yung isa.

"Kinikilig ako sa kanila." Hindi ko mapigilang maisawika iyon at pagtingin ko kay Alexander.... sobrang sama na ng kanyang tingin sa akin.

"Hayop ka! Respeto naman sa nagdadamdam." Madiin nitong sinabi pero hindi ko magawang matakot kahit seryoso pa ng kanyang boses. Paano ako matatakot gayong kitang-kita ko na selos na selos ito. Parang gusto ko pa ngang gatungan eh!

"Tignan mo....sinandal na rin ni Rebecca ang kanyang ulo kay Luke. Puyat ata silang dalawa." Padabog itong tumayo dahil sa sinabi ko at mabilis nyang nilingon kung nasaan sina Luke at Rebecca.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon