Nanginginig si Jamal sa ilalim ng lamesa at mas lalong umahon ang kaba sa kanyang dibdib ng makita nitong papalapit na ng papalapit sa kanya si Miss Yumi.
Ilang sandali pa ay biglang tumigil si Miss Yumi at parang may inaabot ito. Ngayon ay hawak-hawak na niyang ang puting maskara habang may kakaibang lungkot ang mababakas sa kanyang mukha.
Aalis na sana ito sa may lamesa ng pakiramdam nito ay may iba pa siyang kasama sa loob ng kanyang opisina. Napalinga ito sa paligid hanggang sa mapadako ang kanyang tingin sa kaharap nitong lamesa.
Dahan-dahan itong umupo at ng maitaas na niya ang telang nakatakip sa kabuuan ng lamesa ay bumulaga sa kanyang paningin si Jamal at walang pag-aatubiling sinuntok siya.
Hilong-hilo at ng kapain ni Miss Yumi ang kanyang ilong ay nakita nito ang bahid ng dugo.
Tinulak siya ni Jamal saka tinadyakan sa tiyan bago ito patakbong pumunta sa may pintuan. Kahit namimilipit sa sakit si Miss Yumi ay sinikap niya ang kanyang sarili at inilabas ang limang matutulis na blade na itinatago nito sa ilalim ng kanyang pencil-cut skirt.
Sabay-sabay niya itong ibinato sa kung nasaan ang kanyang studyante kaya bago pa makalabas si Jamal ay napaluhod na ito.
Limang matatalim na blade ang nakatarak sa likuran nito at naluluhang nilingon niya ang kanilang adviser-teacher.
"Patawad." Matipid na sinabi ni Miss Yumi at agad na sinuntok sa mukha si Jamal dahilan para mawalan ito ng malay.
Napatingin sa labas si Miss Yumi at nakahinga ito ng maluwag ng makita niyang walang katao-tao roon.
Buong lakas nitong binuhat si Jamal saka niya ito ini-upo sa isang itim na monoblock.
Kumuha ito ng duck tape at ipinulupot itong lahat sa katawan ni Jamal at sa upuan. Pawis na pawis si Miss Yumi ng matapos ito sa kanyang ginagawa.
Akmang uupo na ito sa single-seat sofa ng mabulabog na naman siya sa pagkatok ng kung sino sa pintuan ng kanyang opisina.
Napatingin ito malapit sa pintuan at pansin niya ang konteng bakas ng dugo mula kay Jamal kaya agad niyang pinunasan ito gamit ang isang basahan at hinila naman niya ang katawan ni Jamal patungo sa kanyang secret office.
Pagkatapos non ay inayos ni Miss Yumi ang kanyang sarili bago pagbuksan ang kung sino mang katok ng katok. "Miss Yumi." Agad na bati sa kanya ni Jago ng tuluyan ng mabuksan ni Miss Yumi ang pintuan.
"May kailangan ka ba, Jago?" Malumanay na tanong ni Miss Yumi sa kanyang studyante at napakamot naman ng ulo ang huli.
"Miss Yumi bakit po kayo absent sa class natin? At saka, nakita niyo ba si Jamal?" Agad na kinabahan si Miss Yumi sa naging tanong ni Jago at nanginig ang kanyang mga kamay kaya agad niya itong itinago sa kanyang likuran.
"May pinagawa sa akin na file si principal Steins and I'm sorry dahil nakalimutan kong ipaalam yun sa inyo. About Jamal, hindi ko naman ito nakita." Mabilis na sinabi ni Miss Yumi at agad itong nakahinga ng maluwag ng mapaniwala nito si Jago.
Ng makaalis si Jago ay nagmadali itong nagtungo muli sa kanyang secret office at napailing sa itsura ni Jamal. Duguan ito at walang malay habang nakaupo at nakatali sa monoblock chair.
Ilang oras ang kanyang hinintay ng tuluyan ng magkaroon ng malay si Jamal. Galit na galit itong nakatingin sa kanilang guro na walang emosyon na pinapanood siya.
"You acted like a saint that looks so worried over the death of your students when the truth is, you are the one slowly killing them!" Malakas na hiyaw ni Jamal pero silang dalawa lang ang nakakarinig nito sapagkat sound proof and kuartong iyon.
BINABASA MO ANG
Desuthamu Sect.
Misteri / ThrillerSali ka sa aming laro. Pagalingan sa pag-arte. Pagalingan sa pagtago. Pagalingan sa pagiging matapang. Higit sa lahat..... Pagalingan sa pananatiling buhay hanggang matapos ang laro sa loob ng Desuthamu Sect.