XVII

8 1 0
                                    

Ilang oras ang lumipas at unti-unting nagmulat ng mga mata si Lhiam. Kung nung una ay puting kisame ang bumungad sa kanyang paningin ngayon, puros kadiliman na ang kanyang nakikita.

"Mabuti naman at gising ka na." Anang ng isang boses kaya naging alerto agad si Lhiam at hinanap ang pinagmulan ng boses na iyon.

Mula sa isang napakadilim na parte ng silid na kanyang kinalalagyan, unti-unting nagpakita ang isang mala-Satanas sa ugaling babae habang natatawang pinaglalaruan nito ang puting maskara na nasa kanyang kamay.

"I can't believe that you can betray me." Puno ng hinanakit na sinabi ito ni Lhiam ng makita niya ang babae. "You've betrayed me too." Parang wala lang na sinabi ng babae kay Lhiam dahilan para mag ngitngit sa galit ang huli.

"Ikaw. Kayo ni Alexis ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Sa tingin mo hahayaan kong hindi kunin ang hustisya sa pamamagitan ng pagpatay sa inyo?" Galit na galit na wika ng babaeng nakaputing maskara kaya napaiwas ng tingin sa kanya si Lhiam.

Hindi umimik si Lhiam at nanatili ito sa isang malalim na pag-iisip. Anong klaseng gulo nga ba ang kanyang pinasukan? Ilang sandali pa ay napatawa ng malakas si Lhiam at tinignan ng masama ang babae sa kanyang harapan.

"Ahas!" Galit na asik ni Lhiam at kumakawag na ito para makawala sa pagkakatali sa isang sira-sirang kama pero hindi pa rin siya makaalis.

"Ahas? Minamaliit mo ba ako? Ako ang reyna ng mga ahas at hindi lang basta-basta isang ahas!" Sigaw ng babae at saka nito inundayan ng isang malakas na suntok ang mukha ni Lhiam.

Putok ang labi ng lalaki at dalawang beses pa siyang sinuntok ng babae kaya hirap na din si Lhiam na idilat ang kanyang kaliwang mata.

"Ginugulpi mo ako dahil lang sa nakatali ako dito at hindi ko kayang manlaban. Isa kang mahinang nilalang." Pang-asar ni Lhiam saka-sakaling mainis sa kanya ang babae at pakawalan siya pero, nagkakamali ito.

Isang malakas na tawa ang nagawa ng babae. "You are right. Men really are stronger than women. But I want you to remember this..." Lumapit ang babaeng nakamaskara kay Lhiam at saka mata sa mata silang nagkatinginan.

"Men may be strong but remember, women tends to be more dangerous especially when they both used their mind and body." Seryosong wika ng babae at saka matalim na tinignan si Lhiam. "Kung sakaling hindi ka naakit sa akin, sa tingin mo naririto ka ngayon sa sitwasyong ito? Kung naging mapagmasid ka, sa tingin mo mahahampas kita ng malapad na kahoy? Kung hindi ka nadarang naririto ka kaya at naghihirap sa aking kamay? Sa tingin mo, mahina pa rin ba ako?" Inosenteng sinabi ng babaeng may maskarang puti at saka umismid sa reaksyon ni Lhiam.

"You may be strong but you have your weakness too. Someone's weakness can be the strength of others. That's how I managed to tie you in that stinky bed." Simpleng sinabi ng babae at saka naglakad patungo sa isang banda.

Pagbalik nito ay may hawak siyang limang bote ng asido. Ilang beses na nagwala si Lhiam ng makita niya ang hawak ng babae pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kanya.

"Ang daming babae ang nahuhumaling sa iyo dahil sa taglay mong gandang lalaki. Ano kaya kung burahin natin iyan?" Mapang-asar na wika ng babae saka dahan-dahan na binuksan ang isang bote ng asido.

"Puta ka! Pakawalan mo ako rito!" Malakas na hiyaw ni Lhiam at pilit na kumakawala sa pagkakatali nito. "Now, let's see if I'm good at arts." Natatawang sinabi ng babae at walang pag-aatubili nitong ibinuhos ang laman ng isang boteng asido sa mukha ni Lhiam.

Panay ang sigaw ni Lhiam at umuusok din ang kanyang mukha tanda na nasusunog ito. Ng maubos ang laman ng isang bote ay kumuha ulit siya ng dalawa pa at ibinuhos naman sa itaas na parte ng katawan ni Lhiam.

Desuthamu Sect.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon