Chapter 15

2.4K 65 0
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Ngayong araw naman ay ang day-off ko sa Prima Modele, pero may schedule ako ng practice sa motorcross, dahil malapit na ang game namin for Motocross PH.

I'm currently wearing my black trouser pants with my calvin klein sports bra as my top. Since practice namin, I need to wear my comfortable but fashionable clothes.

"Anak, where are you going?" tanong sa akin ni Mommy nang makababa ako galing sa kwarto ko.

I tied my hair into pony tail using my black scrunchie before sitting on the chair.

"May practice po kami sa motocross, Mom. I need to attend since malapit na ang tournament." sabi ko kay Mommy.

"Hydra, We know that you love doing motocross. Kailan ka titigil? Don't get me wrong baby girl. Nag-aalala lang ako para sayo. Delikado kasi ang pinasok mo kaya hindi maalis sa amin na mag-alala." sabi ni Daddy.

I know. That's why I'm planning to end my contract. Hindi ko na rin kasi kinakaya ang sobrang daming projects.

"Actually, Mommy, Daddy. I'm planning to stop after this upcoming tournament. Hindi ko na rin kasi kayang isiksik sa oras ko. And I'm finally happy sa kung ano ang naabot ko when it comes to motocross." sabi ko sa kanina.

Bumuntong hininga naman sila na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"I'm glad to hear that, Hydra Ellise. All we want for you is your safety." sabi ni Daddy.

"Thank you, Mommy and Daddy." pasasalamat ko sa kanila bago nagsimula nang kumain ng agahan.

Sumubo na ako ng kanin at slice ng spam ham. Mabuti na lang din at maraming pagkain ang hinanda ni Mommy ngayong breakfast. I need to eat more, because for sure, I will be hungry so much after practice.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na umalis. Dahil panigurado ay marami na ang mga tao doon para manood ng practice.

Habang nagmamaneho ako ay tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot and niloud speaker.

"Baby?" bungad niya.

Gosh, pati ba naman sa boses niya kinikilig ako?

"Yes?" sagot ko sa kanya.

"Where are you? hmmm..." sabi niya at bahagyang umingit. Mukhang kakagising lang ng isang ito.

"I'm on my way to the field. May practice kami for upcoming tournament. Why?" sabi ko sa kanya.

"Nothing. I just want to know where are you. And I miss you." sabi niya kaya hindi ko napigilan na mapangiti.

"You miss me everytime." biro ko sa kanya at bahagyang natawa.

"Hmmm...That's true. I can't deny that." sabi niya at tumawa.

God. Is this his morning voice? Gosh. Nababaliw na ata talaga ako.

"So, What's your schedule for today, baby?" tanong ko sa kanya.

"Nothing important, bella. I cancelled all my meetings for today." sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Why?" tanong ko sa kanya, bago ko iniliko ang aking sasakyan sa parking lot ng field.

Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan bago ko kinuha ang susi nito. Bumaba na ako sa kotse ko bitbit ang isang bag at ang cellphone ko.

"Nothing. I just feel like I don't want to do paper works today." He said and let out a small laugh.

"Hmmm...That's great. You need to relax too." sabi ko sa kanya.

Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon