(Enjoy Reading!)
~0~
Nang makaalis si Brittany sa rest room ay napahawak ako sa lababo, bigla akong nanghina. Nawalan ako ng lakas nang marinig ang mga sinabi niya.
Hindi ko naman ugaling magpatalo pero bakit ngayon ramdam na ramdam ko na talong talo ako?
Para akong tanga, umiiyak sa bagay na dapat matagal ko ng kinalimutan.
I calmed myself and grabbed a piece of tissue to dry up my tears. Hindi pwede magmukhang umiyak ako, lalo na't panigurado na marami pa ring tao sa labas.
Nang masiguro ko na maayos na ang itsura ko ay inayos ko ng kaunti ang suot kong damit.
Napabuntong hininga ako bago lumabas ng rest room. I saw Maxine to stared at me with worry. My lips formed into a smile. I don't want to worry anyone, not again.
"Let's go home, Max." nakangiting saad ko sa kanya.
"Anong nangyari Madam? Nakita ko si bruhilda pumasok doon." sabi niya at kumapit sa braso ko.
"Pumasok siya? Hindi ko naman napansin." sabi ko sa kanya.
"Kaya pala narinig ko ang sagutan niyo sa loob, Madam." sabi niya. I tsked. Sabi ko na nga ba.
"Wala kang maitatago sa akin Madam, Mabuti nga at umalis siya agad, kung hindi, sasabunutan ko talaga siya hanggang sa makalbo siya." sabi ni Maxine, inis na inis ang boses nito.
"Kumalma ka nga, ayos lang naman ako." sabi ko sa kanya.
Hindi ko na napansin na malapit na pala kami sa exit.
"Grabe talaga Madam, may tinatago talagang kasamaang ugali yung babae na yun. Kawawa naman si Sir Hydrus, ang pangit ng ugali ng pinakasalan niya." sabi pa niya. I just laugh kahit hindi naman nakakatawa, just to make the atmosphere okay.
Nang makalabas na kami ng building ay dumiretso na kami agad sa parking lot, medyo malayo layo rin ang pinagparadahan namin pero ayos lang naman.
"Madam, alam mo medyo nagtataka rin ako, yung baby daw nila Sir Hydrus at ni bruhilda, parang hindi naman kamukha ni Sir, wala nga atang nakuha kay Sir." sabi ni Maxine kaya napatingin ako sa kanya.
"T-Talaga? Hindi ko kasi napapagmasdan ang bata, atsaka wala naman akong pakialam." sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kinalalagyan ng sasakyan namin, at dahil gusto kong makaiwas sa ganoong usapin, nagmadali na lang ako sa paglakad papalapit sa sasakyan.
It's true, hindi ko naman nakikita ang buong features ng bata. I just know that he's the son of Hydrus and Brittany. Ayoko na sanang dumami pa ang alam ko tungkol sa kanila. Because the more I know, the more it hurts.
I was about to open the car door when someone grabbed my hand. Handa na sana akong sumigaw pero tinakpan nito ang bibig ko.
"Hey, It's me." sabi niya.
I was stucked staring at his eyes. This man. Bakit na naman nagpakita 'to sa akin?
Tinanggal naman niya ang kanyang kamay sa aking bibig, dahil kumalma naman ako kahit papaano.
"What are you doing? Hindi ba sabi ko sayo, lumayo ka na sa akin?" sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kaya na layuan ka, Kahit kailan hindi ko kakayanin. Mag-usap tayo." sabi niya at hinila ako papaalis sa parking lot.
"Saan mo ko dadalhin lalaki? Bitawan mo nga ako. May gagawin pa kong importante." sabi ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang kamay na sa pulsuhan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/238622860-288-k705093.jpg)
BINABASA MO ANG
Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series Book 3: Hydrus Libra Certevantes Hydrus Libra Certevantes, a chemist in his own Pharmaceutical Company and part time motocross rider. Certevantes Pharmaceutical Corporation is one of the biggest Pharmaceutical compani...