Chapter 30

2.8K 62 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Halos lahat ng tao na naimbita nila Mommy ay binati ako sa paggaling ko mula sa leukemia. Ngayon nga ay abala na rin ang lahat dahil sa pagkain, lahat ng bisita ngayon ay kumakain na. 

Nakakatuwa na sobrang organized ng simpleng event na ito. And I'm still thankful to my lovely parents.

"Ahm, Mommy, Can I just go to my room? I'll just change my clothes po." sabi ko.

"Sure, honey. Vega, help your sister." sabi ni Mommy.

"Mommy, I can manage po, Kaya ko naman na pong tumayo." nakangiting saad ko kay Mommy.

Mukhang aayaw pa siya ngunit tumayo na ako mula sa aking wheel chair.

"Fine." sumusukong saad nilang pareho, I just let out a small laugh.

Gusto ko sanang pumunta sa kwarto ko hindi para magbihis, para sana mapag-isa, at para hindi ko na siya makita muna. Lalong sumisikip lang yung dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras ay biglang na lang akong maiiyak.

Dahan-dahan lang ang aking paglakad hanggang sa makapunta na ako sa front door ng bahay, binuksan ko ito at pumasok. Maraming nagbago pati sa loob ng bahay, nag-iba na ang kulay, may iilang bagong vases at kung ano ano pa.

Umakyat na ako sa hagdan, dahan-dahan lang din. Mabuti na nga lang at dalawang palapag lang ang aming bahay, pero sobrang lawak nito.

Mabilis lang akong nakarating sa aking kwarto, I was about to close it when someone just get in. I was wondering who's it, but I'm surprised to see an assh*le.

"What are you doing here?" malamig na saad ko.

"B-babe..." funny, How can he manage to say that word?!

"Wow, at talagang nasasabi mo pa ang salitang iyan?" sarkastikong saad ko.

"B-bella naman..."maririnig mo yung pagsusumamo sa boses niya, pero hindi yun sapat sa akin.

"Huwag mo kong tawagin sa mga walang kwentang pangalan na iyan! Respeto naman, kakagaling ko sa sakit ko." matigas na saad ko at lumayo sa kanya dahil masyado na siyang lumalapit sa akin.

"Hydra, Let me explain, please." sabi niya kaya sarkastiko akong napangiti.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." sabi ko sa kanya.

"Hydra, please makinig ka, Hindi ko alam na nasa ospital ka, Hindi ko alam na may sakit ka." sabi niya na tila nagmamakaawa pa sa akin.

Galit ko siyang hinarap. "Hindi mo inalam kasi wala kang pakialam!" sigaw ko sa kanya.

Nanahimik siya, pagak akong natawa at naiyak. Para nga akong baliw, umiiyak pero natatawa. Siya pa ang may ganang kumilos ng ganito. Samantalang nakabuo na nga siya ng pamilya.

"Ano? Natameme ka? You got speechless because it's f*cking true!" sigaw ko at dinuro siya. Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. Mas masakit pala kapag kausap mo na siya.

"Makinig ka naman sa akin..." mahinang saad niya.

"Umalis ka na, please." pagmamakaawa ko. Naninikip ang puso ko sa sobrang hapdi.

"Akala ko iniwan mo ko, kaya wala na kong nagawa dahil sa galit ko, Nagkaroon kami ng pamilya ni Brittany, pero maniwala ka, Hindi ko alam kung anong nangyari sayo." sabi niya.

Hindi ko siya kinibo, tanging mga hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng aking silid. I feel so f*cking frustrated that's why I throw all the vases on my desk.

"What the hell are you doing here?! Ano pang ginagawa mo dito?!Go f*cking away! I don't want to see your face! I don't want to see your disgusting face, Hydrus! Leave me alone!" sigaw ni Hydra.

"B-babe...Please hear me out..." pagsusumamo ni Hydrus. Pero hindi ko siya pinansin dahil parang isang talon ang aking mata sa sunod sunod na luhang pumapatak.

"Don't you dare call me that way! You don't have any damn rights to call me that!" sigaw kong muli  at mas lalo pang lumakas ang aking mga hikbi. Ang sakit sakit. Parang durog na durog na yung damdamin ko.

Dahan-dahan akong napaupo sa sahig ng aking kwarto, hinang-hina na ako sa sobrang pagluha at sa sobrang sakit na nararamdaman. I think that anytime I can just break down because of too much pain, He caused. He f*cking caused.

"Umalis ka na, parang awa mo na..." mahinang saad ko ngunit sapat na para marinig ito ni Hydrus. Nakita ko mas lalong nanghina si Hydrus sa kaniyang kinaroroonan. Hindi na niya napigilan na lumuha na rin, na para bang ako ang mundo niya na kasalukuyang nagugunaw. Kahit ganyan ang inaakto niya, Hindi ko na magawang maniwala. 

"I-I w-won't leave...I-I promised y-you, t-that I won't l-leave you..." sabi ni Hydrus at lumuhod sa aking harapan kahit na akong nakayuko.

"Lumayo ka sa akin...Huwag kang lalapit sa akin. Hindi ko na kayang makita ka!" sigaw ko ng malakas at marahas na tumayo palayo kay Hydrus.

"Hydra..." bangit ni Hydrus sa aking pangalan, His voice sounds so gentle when he said my name, Na para ba akong isang buwan.

"I loved hearing you saying my name. But now, I'm so disgusted. Nakakatawang magpakatanga sayo." sabi ko ng may hinanakit. Parang isang puting papel na marahas na pinunit ang puso ko. Ang galing niyang lokohin at saktan ako. Kakaiba ang paraan niya.

"Please, just hear me out. I can explain, I will explain everything to you." pagmamakaawa niya. Nakaluhod na si Hydrus habang humihikbing hawak-hawak ang mga kamay ko.

"I don't want to hear your explanation. Kahit anong paliwanag pa iyan, hindi mawawala ang katotohanang, isa ka ring manloloko! Niloko mo ko! Sinaktan mo ko! Ang sakit sakit!" lumuluhang saad ko. Isinusumbat ko sa kanya ang lahat ng pangako niya. Ramdam na ramdam ko ang aking panginginig sa sobrang galit.

"I-I can't believe that...Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ang bagay na ipinangako mong hindi mo gagawin sa akin." sabi ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa nagawa niya sa akin. Baon, tagos sa puso.

"Hindi ako makapaniwala na masasaktan na naman ako, at dahil yun sa iyo. Sa iyo na halos ibigay ko na ang lahat. Kulang na lang pati ang mismong buhay ko ay ibigay ko sayo. I could not believe that my healed heart would be hurt again. And it's because of you. Hydrus Libra." hindi ko na masabi kung gaano ako kagalit sa kanya.

"Lumayo ka na sa akin! Kitang-kita ko naman na masaya ka na sa pamilya mo! Congratulations, nakagawa ka ng anak habang nagdudusa ako sa ospital habang iniisip ko kung ako pa rin ba, kung iniisip mo ba ko, kung nag-aalala ka ba sa akin, kung hinahanap mo ba ko, kung mahal mo pa ba ako o minahal mo nga ba ako?." nanghihinang saad ko. 

"Para akong tanga sa ospital, hinihintay kong dumalaw ka, pero kahit animo mo hindi ko nakita, walang paramdam. Para nga akong hayop na basta iniwan sa isang lugar, Ganoon yung pakiramdam ko. Ang malas ko lang kasi habang nagdudusa ako sa ginawa mo, kailangan ko pang isantabi kasi may mag pagdurusahan pa ko. Hindi ko tuloy inakala na pagkatapos ng pagdurusa ko sa ospital, may idadagdag ka pa pala. May additional ka pa, Mula sa simula at pagkatapos ng sakit ko, hindi ka nagkamali na dagdagan yung pasakit. T*ngina mo, Hydrus. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko. Parang awa mo na, lubayan mo na ko, lumayo ka na sa akin, Wala ka ng lugar sa buhay ko, H-Hinding hindi kita m-mapapatawad." sabi ko at tinulak siya papalabas ng aking kwarto.

Napaupo ako sa likod ng pintuan, My tears just can't stop flowing.

It hurts like hell. Parang mas naging pino pa yung pagkadurog. Hindi ko kayang mapatawad pa siya.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more dedications! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021

Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon