(Enjoy Reading!)
~0~
What the hell?! Hanggang doon ba naman sa event na iyon, mayroong pakulo ang nagpapadala ng mga bulaklak sa akin. Is that person a creepy stalker? Bigla tuloy nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Habang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, ito namang si Maxine ay kinukwento na kila Mommy ang nangyari kanina doon sa mini concert ng The Captivating Chaos.
"Really? That's sweet!" namamangha pa ata si Mommy sa nangyari, para siyang teenager na kinikilig sa isang istorya na may secret admirer kuno.
"Mom, don't be happy about it, baka mamaya masama yung taong nagpapadala noon kay Hydra, We need to be careful. Hindi ka na basta-basta na ordinaryong tao lang, Isa ka ng sikat na model, it's not impossible for you to have threats. Careful." sabi ni Kuya Vega, napatango naman ako dahil sang-ayon rin naman ako sa sinabi niya.
"That's true Hon. Dapat maging handa rin tayo sa mga ganyang bagay, dahil posible talaga." dugtong pa ni Daddy.
"But, the person requested the band to sing for Hydra a song! Hindi ganoon ang mga creepy stalkers!" pag-angal ni Mommy. Well, uh, that's true.
"Well, we don't know kung ano ba talaga ang motibo niya, but let's just be careful." sabi ni Kuya Vega.
"Hangga't maaari, everytime the both of you will go out, bring atleast two of our body guards." sabi ni Daddy.
Tumango lamang kami ni Maxine, Tama naman si Kuya at si Daddy, mas mabuti na rin na nag-iingat.
"So, kamusta? Nag-enjoy ba kayo, puro tungkol doon sa bulaklak ang naikwento nitong si Max." sabi ni Mommy.
"The band is good, uh, no they're beyond good. They're amazing." sabi ko habang nakangiti.
"Ay taray si Madam, fan na rin ng The Captivating Chaos! Goals tayo Madam." sabi ni Maxine kaya nagtawanan kaming lahat.
"Sasama ako if ever na may concert ulit sila." sabi ko kay Maxine, Napangiti naman siya.
"Yan maganda yan Madam, para may pagkakaabalahan ka rin!" sabi ni Maxine.
"Yeah, that's right, para naman hindi puro trabaho ang iniisip mo." dugtong pa ni Kuya Vega.
"Iwas stress din kahit papaano." dagdag pa ulit ni Kuya Vega.
My Kuya Vega is just so overprotective. But it's fine. I understand them.
"Oh siya, take a shower and go to your beds, kids." biro ni Daddy.
"We're not a kid Daddy!" angal naming tatlo.
At tulad nga ng sinabi ni Daddy, umakyat na kami sa kanya-kanya naming kwarto. I took a shower and wear my cute peach pajamas. I just closed my eyes as I lay on my bed, and rest my whole body.
Mabilis lang lumipas ang gabi, kinaumagahan, balik ulit kami sa pag work out ni Maxine.
Alas sinco ng umaga kami nagising, at naisipan namin na mag jog along the village.
I'm currently wearing a simple black leggings and a sports bra. Hanggang sa park lang ng village ang tatakbuhin namin, and then we're going back to our house. Dahil may schedule kami mamayang hapon with Adidas for the shoot of the new designed shoes.
"Madam, mas bet ko mag jogging kaysa sa curls up na yun, jusko sobrang nakakapagod yun." sabi ni Maxine habang tumatakbo kami. I just laugh. Halata tuloy na hindi siya sanay mag work out, but it's fine, she's fit, hindi nga ata siya tumataba kahit malakas siyang kumain.
BINABASA MO ANG
Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series Book 3: Hydrus Libra Certevantes Hydrus Libra Certevantes, a chemist in his own Pharmaceutical Company and part time motocross rider. Certevantes Pharmaceutical Corporation is one of the biggest Pharmaceutical compani...