Enjoy Reading!
~0~
Ikatlong araw ko na nga pala dito sa ospital, pero parang pakiramdam ko ay normal na lang ang sitwasyon kong ito, lalo na't nalaman kong may sakit na pala ako sa dugo.
At sa araw na ito, maski anino man lang niya ay hindi nagpakita, kahit pala tanggap mo na, mag-eexpect ka pa rin talaga, aasa ka pa rin kahit alam mo naman na wala na talaga.
May sakit na nga sa dugo, masakit pa ang puso. Kamalasan nga naman.
"Madam, tulala ka na naman, Halika at kumain ka na muna nitong tinapay, nilagyan ko ito ng palaman na spam." sabi ni Maxine kaya napadako ang aking mata sa kanya.
Iniabot niya sa akin ang isang magkapatong na tasty bread. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.
Ipinagtimpla niya rin ako ng isang basong gatas, pampalakas raw ika niya.
"Hindi ako lalakas basta-basta diyan sa gatas, may leukemia ako." sabi ko at natawa sa kanya.
"Masaya ka pa talaga Madam na may leukemia ka ha?" nalulungkot na saad niya. Halatang-halata sa boses at mga mata niya.
"Pinapatawa lang kita." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Nako Madam, mas matatawa ako kung gagaling ka na." sabi niya at iniabot sa akin ang baso ng gatas.
"Gagaling ako, wag ka na mag-alala sa diyosang ito." biro kong muli sa kanya.
"Hay nako, Oo na, napatawa mo na naman ako Madam. Jusko ka." sabi niya sa akin at kapwa kaming natawa ng bahagya.
"Madam, si Sir Vega umalis, bibili raw muna siya ng mga pagkain, take note, healthy foods! Atsaka baka isama niya rin rito si Quinne. Dadalawin ka raw. Sina Ma'am at Sir paparating na." sabi ni Maxine.
"Ganoon ba." tanging nasabi ko na lang. Hangga't maaari, sana si Ate Quinne na ang huling taong makakaalam sa kalagayan ko. Hindi ko na rin kasi nanaisin na kumalat pa ang balitang ito.
"Madam, gusto mo ba lumabas muna tayo rito sa kwartong ito? Ilalabas kita doon sa garden, para magpahangin?" tanong niya sa akin.
Malawak naman ang naging ngiti ko sa kanyang sinabi. Gusto ko rin na makalabas man lang kahit saglit.
"Sige!" masayang sagot ko sa kanya.
Mabuti na lamang at tapos na ako kumain.
"Sandali lang at maghihilamos muna ako." sabi ko sa kanya.
Inalalayan niya ako sa aking pagtayo, at hawak niya rin ang dextrose stand ko para ipasunod sa aking pagpunta sa banyo.
Gamit ang isa kong kamay, binasa ko lang ang aking mukha. Pagkatapos ay pinatalian ko kay Maxine ang aking buhok.
At dahil nga private ang kwarto kung nasaan ako, mayroon doon na isang wheel chair. Dahil sa sobrang panghihina ko, hindi ko na ata kakayanin pang maglakad.
May isang nurse din na nag-assist sa amin, para mailipat ang dextrose stand ko sa wheel chair, mahirap ipaliwanag pero mayroon kasing parang stand din sa likod na banda ang wheel chair na maaaring pagsabitan noong dextrose.
"Ayos na po Ma'am." sabi ng nurse at iniwan na kami. Nakaupo na ako sa wheel chair at si Maxine naman ay nagbaon muna ang isang bote ng tubig, incase raw na mauhaw ako.
"Halika na Madam." sabi ni Maxine at bahagyang itinulak ang wheel chair habang hawak niya ang hawakan nito.
Sumakay na rin kami sa isang elevator, may iilang nurse at doctor rin kaming nakasabay.
BINABASA MO ANG
Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series Book 3: Hydrus Libra Certevantes Hydrus Libra Certevantes, a chemist in his own Pharmaceutical Company and part time motocross rider. Certevantes Pharmaceutical Corporation is one of the biggest Pharmaceutical compani...