Chapter 22

2.2K 44 7
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Today is my contract signing for Deslumbrante. I feel nervous but I'm thankful, because I reached another goal.

Sobrang nakakatuwa kasi, noon pangarap ko lang makapagsuot ng mga gowns na tatak Deslumbrante, at ngayon nangyayari na.

Paniguradong matutuwa sila Mommy mamaya, lalo na't dadalo sila mamaya sa simpleng event na inihanda ng Deslumbrante.

I'm currently in my condo unit, I have a condo unit, minsan ko lang gamitin, nagpupunta lang ako rito kapag sobrang layo sa bahay ng nagiging venues ng mga photoshoots ko. 

I have a make up artist and hair stylist here together with Maxine. They currently taking care of my face and hair. Glowy at simple lang ang nagiging make up ko, naglagay lang sila ng false eyelash sa akin. Habang ang hair stylist naman ay kinukulot ang aking buhok, nilagyan niya rin ako ng isang half bun.

Konting pag-aayos na lang ay matatapos na ang kanilang gawain sa araw na ito. Pagkatapos nito ay isusuot ko na ang gown na susuotin ko para mamaya, na nanggaling pa mismo sa Deslumbrante. Isa itong evening gown na color aegean blue, revealing ang upper part nito dahil makikita ang ilang parte ng aking dibdib, ngunit hindi naman ito sobrang kita. May mataas din itong slit, kaya sobrang classy ng dating nito.

"Done na Ma'am, You're so gorgeous Madam." sabi nilang dalawa.

"Thank you guys, I'm just going to wear my evening gown. Thank you for this. I really like it." sabi ko sa kanila.

Sinamahan naman ako ni Maxine sa loob ng aking kwarto at tinulungan akong suotin ang aking damit.

Sobrang ganda ng pagbagay ng damit sa akin. I look so classy and elegant wearing this. And this evening gown is named as Egeo, a spanish name for aegean.

After I wore the gown, nakita kong binayaran na ni Maxine ang mga stylist, si Maxine na rin kasi minsan ang tumatayong manager ko. We just hired them, kasi gusto kong paghandaan maiigi ang contract signing ko for Deslumbrante. 

Hydrus will accompany us to the venue, he volunteered. Nakakatuwa nga dahil hindi ko pa sinasabi ang mga detalye tungkol sa contract signing, ay siya na mismong nagsabi na ihahatid niya kami. He said that he wants to watch me signing a contract from my favorite clothing brand. He's such a sweet boyfie.

Ilang minuto ko pa tiningnan ang aking kabuunan sa full length mirror ko bago namin narinig ang tunog ng door bell.

It looks like my boyfriend is here already.

"Madam, nandito na ang iyong irog." sabi ni Maxine kaya lumabas na ako kaagad sa aking kuwarto.

I saw Hydrus wearing a suit, his coat is on matte black and he looks so handsome with it. He's also holding a bouquet of lavender. Hindi yata mawawalan ng pasabog ang isang tao. Palagi na lang akong pinapasaya sa bawat galaw niya. He never fails to make my heart beat faster.

"Lavender for my baby. Congratulations for your achievement, I'm so proud of you." sabi niya sa akin at idinampi ang malalambot niyang labi sa aking ulo.

I smiled wide. He's so sweet. I always say that, because everytime, everytime! we're seeing each other hindi maaaring wala siyang effort na ilalaan, He never fails to make our each day, very special and memorable. That's why all of our moments together is my treasure.

"Thank you so this." pasasalamat ko sa kanya.

"You're always welcome mi bella. Let's go?" pag-aaya niya.

"Sure." sagot ko sa kanya.

He hold my hands very tight. Si Maxine na ang nagsara ng aking condo unit, I'm lucky that my unit is on third floor, hindi sobrang taas, kung hindi aabutin kami ng siyam-siyam sa pagbaba.

Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon