Chapter 1

9.5K 257 9
                                    

S I M U L A

H Y D R A   E L L I S E

It's been a while since I last visited my own motocross field and touch my babies. 

Mabuti nalang at natapos na ang photoshoots ko sa Prima Modèle, halos ilang linggo rin akong babad sa camera. Miss na miss ko na ang field ko lalo na ang mga motocross bikes ko. 

"Magandang Umaga po, Senorita Hydra, kukunin niyo po ang susi ng race track at mga bikes?" tanong sa akin ni Manong Pipeng, na siyang care taker dito sa lupain namin kung saan naroon din ang field ko.

"Magandang umaga rin po, Manong, kukunin ko nga po, ilang linggo na rin akong hindi nakadalaw rito." sabi ko naman sa kanya. Pumasok na siya sa maliit niyang kubo para kunin ang mga susi.

Napatingin naman ako sa ekta-ektaryang lupain kung saan ako nag-eensayo, ilang daang ektarya ito na ibinigay sa akin ni Lolo Ramon, bilang regalo noong unang beses kong nanalo ako sa motocross championship. Samantalang may hindi kalakihan na kubo sa gilid ng field, doon nakaparada ang mga motocross bikes ko na lagpas sampu ang bilang. May kanya kanya itong pangalan dahil ang bawat isa ay importante sa akin.

"Senorita, Heto po ang mga susi, Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho" sabi ni Mang Pipeng na iniabot sa akin ang susi, Ngumiti naman ako sa kanya at binuksan na ang gate ng field, meron kasi itong hadlang, dahil ang kabilang lupain ay isang rancho na pagmamay-ari ni Lolo.

Para ko na ring Lolo si Manong Pipeng dahil bata pa lamang ako ay nagtatrabaho na siya rito sa hacienda, at matalik na magkaibigan rin sila ng Lolo ko.

Nang makapasok ako ay kaagad akong lumapit sa mga motocross bikes ko, bagong linis ang mga ito. Kitang kita ko ang mga putik mula sa labas ng maliit na kubo na paradahan ng bikes ko. Mabuti na lang at nakasuot ako ng boots. Kada motocross bikes ko ay may kanya kanyang helmet at goggles nakasabit sa bandang likuran ng mga ito. Nakasuot din ako ng knee pads at chest pads sakali mang may hindi magandang mangyari habang nagmamaneho.

Ang kulay pula na bike ay si Scarlette, ito ang unang motocross bike ko kay isa ito sa mga paborito ko. 

Ang kulay itim naman ay si Jaguar, ito naman ay regalo ni Daddy noong 18th birthday ko.

Ang kulay dilaw ay si Serpentine, ito ang pinaka paborito ko, dahil ito ang gamit kong bike noong unang beses kong nanalo sa motocross championship.

Ang kulay neon naman ay si Champagne, regalo ni Kuya Vega sa akin nitong nakaraang taon.

Ang kulay silver naman ay si Pisces, ang regalo ni Mommy sa akin noong pangalawang beses kong nanalo sa motocross championship ko.

Ang kulay orange ay si Tequila, isa rin ito sa pinaka paborito ko dahil ito ay ang ginamit ko noong first photoshoot ko sa Prima Modèle.

Ang mga natitirang kulay ng motocross bikes ko kay hindi ko pa nabibigyan ng pangalan, dahil halos ng lahat ng mga iyon ay binili ko na. 

Isinuot ko na ang helmet at goggles ko at Inilabas ko na sa paradahan si Champagne. Nagsimula na muna ako sa simpleng pagmamaneho dahil may kalayuan ang parte ng mga obstacles ng field na ito.

Rinig ang ingay ng bike at ang pagtalsik ng mga putik dulot ng gulong ng bike ko hindi ko ininda ang mga putik na tumalsik sa hita ko dahil papalapit na ako sa pataas na parte ng field.

Ibinuwelo ko kaagad ang motor at bahagya kong iniangat ang katawan ko para mapadali ang pag-akyat. Di ko maiwasang matuwa ng magtagumpay ako sa pag-akyat, matapos noon ay inikot ikot ang ang motocross bike ko bago ako bumalik sa paradahan, nilinisan ko na agad si Champagne, mabuti na lang at may gripo dito malapit sa paradahan, may sponge at sabon din, marahil ito rin ang ginagamit nila sa paglinis ng mga motocross bikes ko. Umulan noong umaga bago ako pumunta dito kaya siguro sobrang putik ng field ko.

Pagkatapos kong linisan si Champagne ay nagpaalam na ako kay Manong Pipeng dahil tumawag sa akin ang manager ko sa motocross dahil may pag-uusapan daw kaming importante. Sumakay na ako sa Chevrolet Corvette ko na kulay itim at bumalik na kaagad sa Maynila. 

Inabot ako ng halos tatlong oras bago nakarating muli sa Maynila, mabuti na lang at malapit lang ang hacienda namin. Laguna to Maynila pero naging traffic din kasi ng kaunti kaya medyo natagalan.

"Finally, You're here hija, It's been a while since our last encounter!" bungad sa akin ng Manager ng team namin na si Manager Jack, ilang taon ko na siyang katrabaho, simula pa noong nagsisimula pa lang ako sa larangan ng motocross.

"I'm sorry Manager Jack, madami lang talagang photoshoots with Prima Modèle. I miss doing practices with Honda team" sabi ko at naupo na, Nagkita lang kami dito sa palaging meeting place namin sa The Food Fantasy.

"It's totally fine hija, by the way, nag-order na ako ng parati nating kinakain dito so no need to worry, The whole team missed you too, hindi ka na kasi namin nakasabay mag-ensayo at bihirang makita" sabi niya at ngumiti. Nasa 60s na si Manager Jack pero patuloy pa rin siya sa pagsuporta sa team namin.

"Busy lang po talaga, but my schedule as of now is totally free so, Ano pong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"Well, hija, Motocross PH just dropped a new event, at invited ang team natin, and as our ace, you will attend same with your co-members. So pick your best motocross bike, because the event will be next week" sabi niya kaya natuwa ako, tulad ng ng sabi ko, It's been a while since I joined an event. I'm so excited for this.

"You seems so excited huh?" sabi niya at bahagyang natawa sa inasta ko.

"Of course it's been a while since my last championship and it's been a while since the last Motocross PH event, You can't blame me for being this excited" sabi ko at bahagya ring natawa.

"I heard that some of the Motocross PH sponsors will come, Same with their biggest sponsor, the Certevantes Pharmaceutical Corporation, and take note, the CEO will also go to the field, I heard that he's a part time motocross rider, baka nga nakalaban mo na siya noon eh" sabi niya kaya napaisip ako. It's an honor for me kung nakalaban ko na nga siya noon.

"So, pwede ko siyang makalaban? If ever?" tanong ko sa kanya.

"Definitely, Hija, kaya give your best shot" sabi niya kaya nagulat naman ako. 

"What's his name by the way? Baka nga nakalaban ko na siya noon" sabi ko sa kanya.

"He's the one of the hottest bachelor in the town, Hydrus Libra Certevantes.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 


Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon